Annabelle Rama advises Richard Gutierrez and Sarah Lahbati not to get married yet

Si Annabelle Rama ang gumastos at nag-organize ng binyag at birthday party ng apo niyang si Zion, na ginanap Wack Wack Country Club, Mandaluyong City, kahapon, June 15.


Si Annabelle Rama ang gumastos at nag-organize ng first birthday celebration at binyag ng apo niyang si Zion sa Wack Wack Golf and Country Club, Mandaluyong City, kahapon, June 15.

Si Zion ang apo nina Annabelle at Eddie Gutierrez sa anak nilang si Richard Gutierrez at kasintahan nitong si Sarah Lahbati.

“Oo naman, ito ang regalo ko kay Zion—ang birthday party niya.

“Excited ako, maraming pagkain, ‘di ba?” pahayag ni Annabelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media during the event.

Nang tanungin ng PEP kung ilan ang lahat ng inimbitahan nila sa party, sinabi ng talent manager na hindi na siya nagbilang.

Natatawang sabi ni Annabelle, “Hindi ko na binilang, basta invite na lang nang invite sila Richard!

“Dinamihan ko na rin para lahat makakain, mga crew, mga press, ‘di ba?”

Masaya raw si Annabelle na ngayon ay malaya na nilang naipapakilala at naipapakita ang apo sa publiko.

Isang taon na si Zion ngunit nito lamang inamin nina Richard at Sarah na mayroon na silang anak.

Sabi ni Annabelle, “Haping-happy talaga ako.

“Super-happy ako dahil nailabas na, puwede na siyang i-display sa labas.

“Actually, kapag lumalakad kami, hiwalay kami.

“Doon siya sa grupo ng nanay ni Sarah.

"Kami naman, basta nandito rin, sama-sama naman kami, pero hindi kami magkatabi.

“Kasi, baka isipin, anak ni Richard, ‘di ba?

“Pero ngayon, puwede nang magsama-sama.

“Tuwang-tuwa ako, natapos ang kaso ni Sarah. Na-reveal na rin ni Richard.

“’Di ba, ang promise ni Richard sa mga press, ‘Malalaman niyo rin. Malalaman niyo rin sa tamang panahon.’

“Aaminin din niya kung meron o wala.

“At least, tapos na, maganda.”

Ang tinutukoy ni Annabelle na “kaso” ni Sarah ay ang legal battle ng young actress sa GMA Films executive na si Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Ang binyag at birthday party ni Zion ang magiging finale ng reality show ng pamilya Gutierrez na It Takes Gutz To Be A Gutierrez sa E! Channel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO WEDDING YET. Sa kabilang banda, itinanggi ni Annabelle ang balitang magpapakasal na sina Richard at Sarah sa Europe.

“Hindi pa, wala pang pinag-usapan.

“Kahit na next year, wala pang plano.

“Sabi ko kay Chard, ‘Chard, bata pa kayong pareho ni Sarah.’

“Yun ang pinakamahirap na desisyon, yung kasal.

“Masarap lang dahil kasal, masarap pakinggan.

“Pero once na makasal na kayo, nandiyan na ang mga problema.

“’Tapos magsisisi kayo, magpa-file kayo ng divorce.

"Yun din ang advice ko kay Ruffa dati," pagtukoy ni Annabelle sa panganay niyang anak na si Ruffa Gutierrez.

“Kaso si Ruffa, matigas ang ulo. Sabi ko, mag-live-in na muna.

“Tingnan mo kami ni Eddie, matagal kaming nag-live-in bago kami nagpakasal.”

Pitong taon daw silang nag-live-in ng asawang si Eddie Gutierrez bago sila nagpakasal. Nasa edad na 28 o 29 na raw siya noon.

Kuwento pa niya, “Si Elvis, pinayagan ko na siyang pakasal, kasi almost nine years na sila ni Alexa.

“Si Alexa, buntis ngayon, nakita mo?

“Hindi naman ako nagbawal. Siyempre, buhay niyo ‘yan, e.

“Ako, nandito mag-advice lang.

“Iba yung magsama kayo habang buhay kasi panghabambuhay ang kasal, e.

“Hindi naman kayo naglalaro lang dito, ‘di ba?”

Pinayuhan din daw ni Annabelle si Sarah.

“Ganun din ang advice ko, ‘Bata ka pa, ang dami pang mangyayari sa buhay mo. At maganda naman ang career mo, nag-uumpisa ka na naman,’ sabi ko.

“’I-enjoy mo muna ang pagka-single mo at saka ang trabaho mo.’

“’Oo naman,’ sabi niya.”



HER OTHER GRANDCHILDREN. Hindi ba nagseselos ang ibang mga apo ni Annabelle, lalo na ang mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice, dahil sa ipinapakita niyang pagkagiliw kay Zion?

“Hindi,” nakangiting sabi ni Annabelle.

“Mahal na mahal nila ang baby.

“Nag-aagawan kaming lahat sa bahay kung sino ang unang magkakarga.”

Hindi kaya ma-spoil nila nang husto si Zion dahil mukhang sa kanila pa lang ni Eddie ay spoiled na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Naku, ang bait na bata ni Zion!

“Hindi pa umiyak ‘yan… ewan ko.

“’Di ba, ang ibang bata, sa gabi, iyak nang iyak o kapag nagugutom?

“Si Zion, hindi. Parang ugali ni Eddie.”



YOUNG PARENTS. Tinanong din ng PEP kay Annabelle kung ano ang mga nakita niyang pagbabago sa anak na si Richard mula nang maging ama na ito.

Saad niya, “Si Richard, talagang natuwa ako, kasi naiwasan ang labas-labas niya sa gabi. Naiwasan ang barkada.

“Kasi sinusundo siya… wala nang ganyan.

“Ini-enjoy niya si Zion. Nakita niyo, ang cute-cute pa naman.

“Lahat kami, nagmamadali papuntang Dasma baka natutulog na.”

Nakikita raw ni Annabelle kina Richard at Sarah ang kabataan nila ni Eddie.

“Parang ganun na nga, kasi si Sarah, parang ako rin si Sarah.

“Tagahanga rin siya ni Richard, ‘di ba?

“First boyfriend niya si Richard.”

Selosa rin ba si Sarah?

“Selosa, katulad ko rin!” natatawang sabi niya.

Dapat pala ay binibigyan niya ng tips si Sarah?

“Oo naman! Sabi ko, ‘Huwag masyadong magselos. Yung mga past, past na yun.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN