Carla Abellana fends off would-be suitors; hints one of them is from Kapamilya network

It will be pointless to court Carla Abellana at this stage of her career because, she says, "I am really honestly fully booked with work for the next few months. So, kawawa lang naman din sila kung maghahabol sila ng oras ko or ng attention ko, kasi wala akong maibibigay sa kanila."


Mayroon daw mga lalaking umaaligid ngayon kay Carla Abellana, lalo na’t single na muli ang aktres.

“I wouldn’t say suitors, pero kahit papaano may mga nagpaparamdam,” paglilinaw ni Carla sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Artista?

“Parang merong isang artista.”

Clue. Kapuso rin?

“Hindi, e, hindi GMA.”

Taga-ABS?

“Oo. ABS yung isa.”

Sino?

“Secret!”

Si Sam Milby?

“Ay, grabe, susyal! Huwag naman... may ano na yun.”

Mayroon na bang karelasyon si Sam sa pagkakaalam niya?

“Hindi ko alam, hindi ko alam, e,” sagot ni Carla.

Paano niya hina-handle ang mga nagpaparamdam na ito?

“Sabi ko sa kanila, honestly, wala naman akong maibibigay na time.

"I am really honestly fully booked with work for the next few months.

“So, kawawa lang naman din sila kung maghahabol sila ng oras ko or ng attention ko, kasi wala akong maibibigay sa kanila.

“Meron ding friends na non-showbiz... meron din naman kahit papaano.”

TOM RODRIGUEZ. Idiniin din ni Carla na never sila naging magkarelasyon ni Tom Rodriguez, ang co-star niya sa hit primetime series na My Husband’s Lover at sa pelikulang So It’s You.

“Tsismis lang naman yun, I guess,” sabi niya.

Promo lang ba iyon ng upcoming project nila sa GMA, ang My Destiny?

Sagot ni Carla, “Hindi naman!

"Kasi maaga pa din, wala pa namang... hindi pa naman...

"Technically, hindi pa kami nagpa-pilot or what.

“Kasi isang taon na rin kaming magka-work together [sa My Husband’s Lover at sa So It’s You], so hindi na kami nagugulat man kung may lumalabas na ganun.”

Ni hindi rin daw nanligaw sa kanya si Tom.

“No, no talaga. Parang sa ikli ng panahon, parang may time ba, may chance ba? So, kanya-kanya kaming…”

Break na ba si Tom sa kasintahan nito?

“Hindi ko alam, ask him na lang,” iwas ni Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KAPAMILYA SUITOR. Napadako muli ang usapan sa taga-ABS-CBN na nanliligaw sa kanya. May teleserye ba ito ngayon?

“Wala! Hindi siya nanliligaw, walang nanliligaw, nagpaparamdam,” diin ng Kapuso actress.

Binata ba ito?

“Siyempre.”

Guwapo ba siya?

“Oo naman.

“Ano ba ito? Tao ba ito, hayop, bagay? Pinoy Henyo?” sabay tawa ni Carla.

Pero may posibilidad bang sagutin niya ito kung sakali?

“Iyon? Parang hindi ko pa nakikita.”

Wala silang chemistry?

“Wala.”

Singer ba ito?

“Hindi siya singer, artista siya.”

Hindi raw masyadong gusto ni Carla ang Kapamilyang ito na nagpaparamdam sa kanya.

Mas gusto ba niyang kasama rin niya sa GMA ang susunod niyang magiging karelasyon?

Sagot niya, “Hindi naman. Okay lang naman din kung kahit saan.

"Pero kung tutuusin, mas marami sila dun, ’di ba, mas maraming choices?”

Saan sila nagkakilala gayong taga-kabila ang lalaki?

“Ay, secret! Kahit papaano there are so may opportunities naman na magmi-meet kayo.”

Nag-date na sila?

“No! Wala akong maibibigay na time.

“Na-meet ko lang siya one time.”

At nagparamdam agad?

“Oo, nagparamdam agad.”

Playboy ba ito at nagparamdam agad?

“Hindi naman siguro. Ewan ko sa kanya, ganun siguro siya.

“Hindi ko alam kung seryoso siya. Pero ayoko, ayoko kasi wala akong maibibigay na time.”

Paano kapag nagseryoso na ito ng panliligaw?

“Hindi ako papayag na manligaw siya!” tili ni Carla.

“Wala akong time na maibibigay sa kanya, kawawa lang siya kung manliligaw siya for nothing.”

May upcoming movie si Carla na may mga kasama siyang taga-ABS-CBN, ang Somebody To Love. Isa ba ito sa kanila?

“Ay, marami... Ay, hindi, wala siya dun sa movie.”

Sikat ba ang nagpaparamdam na ito sa kanya?

“Oo, kilala siya.”

HOSTING JOB. Napadako naman ang usapan sa maraming nakakapansing mahusay na rin si Carla sa paghu-host.

“Oh, thank you, thank you, yes, nabigyan pa ako ng award recently for Sunday All Stars, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, I guess, kasi nasanay ako, I’ve been hosting so many beauty pageants, ganyan.

"Even with GMA, grabe sila magbigay ng opportunity na mag-host ako.

“So, thankful ako na hindi nila ako hinu-hold sa drama lang, yung ganyan.”

Ano ang mas pipiliin niya, hosting or acting?

Sagot niya, “Sa maraming paraan, mas masaya ang hosting.

"Mas nakakapagod kasi ang acting siyempre.

"Pero bilang hosting is just very limited, and acting naman is almost like every day of your life, mas ano yun, mas regular yun.

"Mas maraming opportunity dun sa acting siyempre, so I would say acting pa rin talaga."

NEXT PRIMETIME QUEEN? Ang pinakabagong acting job na ibinigay ng GMA kay Carla ay bilang isang komedyana sa sitcom nila ni Ryan Agoncillo, ang Ismol Family, na eere na simula sa Linggo, June 22, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Hiningan namin ng komento si Carla sa obserbasyon ng ilan na pagkatapos ni Marian Rivera na, kasalukuyang Primetime Queen ng GMA, ay si Carla na ang next in line na maging reyna.

Tili ni Carla, “Wow, OA! Uy, meron nang Princess, di ba?

“Honestly, yung mga title na ’yan, hindi ko alam how that works, kung paano ma-achieve ’yan.

"Basta ang alam ko, nandito ako, artista ako, hindi ako nandito para mabigyan ng title.

“Hindi naman ito beauty pageant, ‘no?

“So, nandito ako para lang magtrabaho.

"Kung ano yung ibibigay sa akin ng GMA na opportunity, gagampanan ko nang maigi hangga’t sa kaya ko or the best way I can.

“Pero... ay, grabe naman yun, na parang hindi ko alam, honestly.”

Hindi niya nararamdaman na siya ang susunod na reyna ng Kapuso network?

“No, no way! No way, kasi hindi ko alam yung mga titles na ’yan.

“Not that they don’t matter, pero I don’t honestly know how it works, and hindi ko alam kung paano ma-achieve ’yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami na siyang nilampasan o tinalbugan na ibang female stars ng GMA.

“Hindi naman, hindi naman... Kasi kung tutuusin, ako nga yung pinaka parang baguhan pa, yung ganyan.”

Pero sa kabila nito, nalampasan na niya ang ibang mas nauna sa kanya sa Kapuso network.

“Hindi naman. Basta iniisip ko na lang na gagawin ko yung trabaho ko, magiging mabait ako, para tuluy-tuloy lang yung blessings, yun lang.

“So, kung anuman, ’di ba, it’s because I worked hard for it,” sabi ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN