Jake Cuenca says relationship with girlfriend Chanel Olive Thomas is "for keeps"

Jake Cuenca feels lucky that his non-showbiz girlfriend is supportive of his acting career: "Pinapanood niya... lahat ng ginagawa ko. Ngayon pang kontrabida ako.”


Kung may isa mang gustong malaman ngayon ang entertainment press kay Jake Cuenca, ito ay ang tungkol sa kanyang girlfriend na si Chanel Olive Thomas.

Sa Instagram account ng Kapamilya actor ay masasabing “bida” palagi ang si Chanel dahil sa mga ipinu-post na mga larawan nila, na karamihan ay nagpapakita ng kanilang sweet moments.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jake sa HBC National Makeover Day, sa Trinoma Activity Center, noong Biyernes, June 12, nangiti siya agad pagkabanggit sa girlfriend.

Sabi agad ni Jake tungkol sa relasyon nila, “I think, this one’s for keeps. Super-saya.”

Bakit may ganoong epekto sa kanya ang girlfriend ngayon sa dami na rin ng naging karelasyon niya noon?

Sagot niya, “Nag-enjoy ako sa relationship.

"Alam mo yung kapag walang taping, hindi taping, hindi pelikula ang pinag-uusapan... alam mo yun?”



REFRESHING. Ano ang nakita niya kay Chanel para masabi niyang “for keeps” na ang relasyon nila?

“I’m in love!” bulalas niya.

Paano niya nasabing iba ang pagmamahal na nararamdaman niya ngayon gayong na-in love na rin naman siya dati?

Paliwanag ni Jake, “Well, first of all, matagal na akong hindi nag-showbiz girlfriend, so sobrang refreshing sa akin yun.

“Pangalawa, pagdating sa kanya, parang ang kailangan ko na lang patunayan ay ang totoong Jake.

"Hindi ko na kailangang patunayan sa sarili ko by stature or pasikat.

“So, parang nilabas ko ang pagiging celebrity ko sa kanya.

"Hindi niya ako kilala. Hindi niya alam lahat ng nagawa ko.

“Nakita niya lang ako sa isang billboard, yun lang, bale akala niya model din ako.

"It’s something different for me.

“Kasi minsan, kapag artista ka, may konting leverage ka sa panliligaw, kasi celebrity ka.

"Ito, wala. Hindi niya ako kilala.

"Ngayon, pinapanood niya ako at sinusuportahan niya ang lahat ng ginagawa ko.

"Ngayon pang kontrabida ako," pagtukoy niya sa kanyang role sa ABS-CBN primetime series na Ikaw Lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung hindi tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan nila ng girlfriend, ano ang madalas nilang pag-usapan?

Sagot ni Jake, “Life.

“Meron namang buhay sa labas ng trabaho. Meron namang buhay.”

SHE SAID YES. One month na raw silang nagdi-date noon nang dalhin ni Jake si Chanel sa Bali, Indonesia.

Doon daw niya tinanong ang Fil-Australian model kung puwede niyang maging girlfriend ito, at sinagot naman siya nito ng “yes.”

Nag-propose na ba siya?

Sabi ng aktor, “Girlfriend, oo. Pero mag-propose ng magpakasal, hindi pa naman.

"Parang ang aga naman. Kinikilala pa namin ang isa’t isa.”

Dalawang buwan pa lang daw silang magkarelasyon ngayon.


Hindi pa raw nagkakaroon ng pagkakataon si Jake na makilala ang pamilya ni Chanel dahil nasa Australia raw ang mga ito.

Aniya, “Baka kapag natapos ang Ikaw Lamang, pupunta ako ng Australia.”

Samantala, inusisa ng PEP si Jake tungkol sa bashers nila ni Chanel sa Instagram.

Sabi niya, “Yun nga ang nakakatuwa, hindi siya apektado.

"Alam mo yun, na kung ibang babae, baka napaatras, pero hindi, e.”

May pagkakataon namang sinasagot ni Jake ang ilang bashers nila.

“Oo, sinasagot ko, kasi girlfriend ko ang inaapi, e.

"Minsan, bilang lalaki, kailangan mo namang sumagot.

“Pero hindi naman ako bastos.

"Siyempre, I feel bad when people disrespect my girlfriend.”

JESSY LOOK-ALIKE. May mga nagsasabing kahawig ng girlfriend ngayon ni Jake ang dati niyang naging leading lady at nabalita ring niligawan niya na si Jessy Mendiola.

Ano ang reaksiyon ni Chanel dito?

“Gandang-ganda naman siya kay Jessy, so it’s not offensive.

"Kapag naririnig naman niyan, it’s actually a compliment to her.

“Maganda naman talaga si Jessy.”

Pero bakit nga ba siya tumigil sa panliligaw kay Jessy?

Tugon ni Jake, “Kay Jessy? Yun na nga, ‘di ba, matagal ko na rin sinasabi, kasi mahirap pareho kaming manager.

"Meron din na brother and sister aspect to that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, sobrang busy namin parehas.

"Sa Ikaw Lamang, every day kaming nagtatrabaho. Napakasuwerte ko na nakilala ko si Chanel.”

MAKING TIME. Ayon kay Jake, gustung-gusto ng girlfriend niya sa Pilipinas.

Minsan na rin daw sumali sa Australia’s Next Top Model si Chanel, pero wala raw itong acting background.

Paano kung mag-artista rin ang girlfriend niya?

Sabi ni Jake, “Ayaw niya, e. Tinanong ko naman.

"More than anything, parang ang gusto niya, maging host.

“Pero ang pag-arte, wala.

"Kung gusto niya, hindi ko siya pipigilan.

"Pero wala naman yun sa mga plano niya."


Diretsuhan naming tinanong si Jake kung nagli-live-in na sila ni Chanel.

Mabilis niyang sagot, “Hindi, hindi kami live-in.”

Sa kabila ng pagiging abala ni Jake sa trabaho ay tinitiyak niyang may oras pa rin siya para kay Chanel.

“Ginagawan ko ng paraan, kasi gusto ko naman talaga.

"At saka, gusto ko naman siyang talaga.

“At saka, magkalapit lang ang bahay namin, so madali lang.

"At saka, palagi ko namang sinasabi ‘yan, kapag gusto, maraming paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN