Jomari Yllana gives blessing to son’s wish to be part of showbiz; wants Andre to experience the joys of acting

Jomari Yllana is a rare sight in showbiz these days, but not because his career is over: "Gusto ko lang magpapayat... Nakakaasiwa rin kasing mag-artista kung mataba ka. ’Tsaka pumipili rin naman ako ng tamang project."


Bilang ama ay wala na raw nagawa si Jomari Yllana sa kagustuhang mag-artista ng anak nila ng dating asawang si Aiko Melendez na si Andrei Yllana.

Hindi raw niya puwedeng ipagdamot sa kanyang anak ang saya at karanasan na maging artista dahil bata pa rin sila nang pasukin nila ni Aiko ang showbiz at dito na nga sila nagkakilala.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jomari sa studio ng Sunday All Stars ng GMA noong Father’s day presentation ng show, June l5, at nagkasama ang mag-ama sa isang production number.

May kundisyon lang daw si Jomari na sinabi kay Andrei.

“Bata pa nga kasi siya kaya ang ipinakiusap at ipinaunawa ko lang sa kanya ay matapos niya muna ang high school.

“Nagugustuhan na kasi niyang mag-artista. Ako naman, susuportahan ko ang anak ko.

"Alam kasi niya na noon ay kasali ako sa grupong Guwapings kaya siguro nagsisimula na si Andrei mangarap ng mga ganyan din.

“Ayokong pigilan ang anak ko kung gusto niya.

"Kung nag-aartista na siya at nakaya niyang makapagtapos ng high school ay okey na ako, at kampanteng iisipin na makakaya rin niya kung nasa college na siya at nag-aartista rin.”

FOR THE EXPERIENCE. Marating kaya ni Andrei ang naging kasikatan niya sa showbiz?

Tugon ni Jomari, “Yung sa akin, gusto ko lang maranasan ng anak ko.

“Pero ang pag-aartista, walang katiyakan iyan, e. Kailangan sumubok ka talaga.

“Kahit naman ako, noong nagsisimula pa lang ako, hindi ko alam na mapapansin din ako sa showbiz.

"Ganun ang tingin ko diyan. Walang makapagsasabi sa atin ng katiyakan.

"Pero ako noon, sa sarili ko, nagulat.

"Kasi kung ano yung naipakita at napatunayan ko sa showbiz, nagustuhan din naman nila.

"Sasamahan na lang din siguro ng mga dasal ang mga gagawing pagsisikap.”

REACTIVATED CAREER. Muli na namang aktibo ang career ni Jomari, dahil kasama siya ngayon sa teleseryeng Half Sisters ng Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madalas ay nagtatagal ang kanyang pamamahinga sa pag-arte.

Paliwanag ng aktor, “Gusto ko lang magpapayat kaya natatagalan ako minsan lumabas sa mga teleserye o sa pelikula.

“Nakakaasiwa rin kasing mag-artista kung mataba ka.

"’Tsaka pumipili rin naman ako ng tamang project.

"Ayoko namang lumabas at tumanggap ng project para lang masabing may ginagawa ako."

Tanggap din daw ni Jomari na matagal nang tapos ang panahon kung kailan sumikat siya nang husto bilang bahagi ng grupong Guwapings, kasama sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso.

Saad niya, “Hindi ako nagkaproblema na natapos yung panahon namin ng Guwapings.

"Sinuwerte na kami noon at sinuwerte rin naman ako sa career.

"Kanya-kanyang panahon lang ‘yan, kaya bigayan lang.

"Okey lang ako sa mga naranasan ko sa showbiz."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN