Manilyn Reynes admits to worrying about working again with Janno Gibbs

Manilyn Reynes on working again with Janno Gibbs: "Winorry siyempre! Napakaipokrita ko naman kung sasabihin kong ‘Okay!’ I mean, ‘di ba… okay, that you are going to work with him. Okay, tapos ka na diyan, alam mo na ‘yan, e. Kilala mo yung tao, ‘di ba, alam mo that he can deliver, alam mo ‘yan lahat. Siyempre yung ethics, importante yun. Kasi kung ikaw ay punctual, others are not, ‘di ba?"


Click ang loveteam nina Manilyn Reynes at Michael V sa GMA sitcom na Pepito Manoloto dahil ilang taon nang tumatakbo sa ere ang kanilang programa.

Pero sa upcoming teleserye ng Kapuso network na My BFF, si Janno Gibbs naman ang katambal ni Manilyn.

May pressure ba ngayong sila naman ni Janno ang gaganap na mag-asawa?

Sagot ni Manilyn, “Wala, wala naman.

“Kasi yung sa amin din naman ni Janno is a different thing, kasi magka-loveteam kami noon, e, ‘di ba?

“So, iba naman ito, iba naman yun, because meron kasing…

“Kumbaga, meron na kasing fans na from before pa who’ve been longing to see the both of us, ganun.”

Nabuo ang loveteam nina Manilyn at Janno sa dating youth-oriented show na That’s Entertainment at sa mga pelikula ng Regal Films.

Hindi na maalala ni Manilyn kung kailan sila huling nagkasama ni Janno sa isang proyekto.

“Hindi serye, first time na serye namin itong My BFF. Guestings lang, but never na ganito.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Manilyn sa pocket presscon ng My BFF last week.


TOGETHER AGAIN. Sa pagte-taping nila ni Janno ngayon, may nabuo bang “spark”?

“Hooo!” natawang reaksiyon ni Manilyn.

“Actually, nagkikita kami almost every day, so alam mo yun, parang natatawa lang kami.

“Kasi, sabi namin, ‘I think ‘eto na yung pinaka-close tayo.’

“Kasi noon kasi, pagka That’s [Entertainment] lang, ‘pag may guestings lang kami or we have to go somewhere as a loveteam, ganun.

“Pero ito kasi, parang pagtulog mo, pagkagising mo, siya na naman ang makikita mo, kasi taping ka na naman.”

Okay raw sila ng misis ni Janno na si Bing Loyzaga.

“Wala namang problema… napakatagal na nun.”

Kapag nagkikita ba sila ni Bing ay nagbabatian sila?

Sagot ni Manilyn, “Oo, wala namang… at saka wala na talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, kumbaga sa akin, ever since, kumbaga nga, let it go.

“I had to let it go, noon pa, the moment it happened.”



THE “LATE” JANNO GIBBS. Hindi na ba nale-late si Janno sa kanilang taping? Kilala kasi noon ang actor-singer sa kanyang pagiging late.

“In fairness!” bulalas ni Manilyn.

So, nagbago na si Janno?

“Nale-late pa rin!” at tumawa ang aktres.

“Hindi… in fairness, he can really deliver kahit medyo ma-late siya, like for an hour or so.

“Pero ‘pag naman aktingan na, okay naman talaga.”

Inamin naman ni Manilyn na dahil sa reputasyong ito ni Janno ay nagdalawang-isip siya bago tanggapin ang project.

“Winorry siyempre!” at muli siyang tumawa.

“Hindi… napakaipokrita ko naman kung sasabihin kong ‘Okay!’

“I mean, ‘di ba… okay, that you are going to work with him.

“Okay, tapos ka na diyan, alam mo na ‘yan, e.

“Kilala mo yung tao, ‘di ba, alam mo that he can deliver, alam mo ‘yan lahat.

“Siyempre yung ethics, importante yun. Kasi kung ikaw ay punctual, others are not, ‘di ba?

“Nung una, sabi ko rin talaga sa asawa ko [Aljon Jimenez], ‘Hon, hindi ba naman kaya ako magkakadeha-dehado sa mga oras-oras nito?’

“Alam mo yun? Siyempre, iniisip mo yun bilang nanay ka, e.

“Paanong uwi ko, anong oras ang alis ko, ‘di ba?

“So, sabi niya [Aljon], ‘Honey, you know, you let him be, tingnan mo. Kung tingin mo hindi magiging maayos, then tingnan natin where it goes. Pero sa ngayon, you let him be.’

“Ganun. And in fairness…”

Hindi na nale-late si Janno?

“Meron talaga kung sa meron, pero hindi ko nga yun inaano.

“Kasi, parang dapat kasi yung mood mo at saka yung when you are at the taping, ayaw mo na siyempre na namumroblema ka, ‘di ba?

“Kasi, unang-una, hindi ko naman talaga problema yun, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya yun, e, so tama nga ang asawa ko, ‘You just let him be and then you see. Kung merong hindi maganda…’”

Baka naman sa umpisa lang iyon na hindi gaanong nale-late si Janno? Na baka ‘pag tumagal na ang taping nila ay ma-late ulit ito nang husto?

“Huwag niyang gagawin yun, huwag niyang gagawin!” natatawang biro ni Manilyn.

“Hindi… alam ni Janno ‘yan.

“Kasi noon pa man din, sinasabi ko na, ‘Janno, basta ano lang tayo... ibig sabihin, magtatrabaho tayo nang maayos, yung sana walang delays na sobra-sobra.’

“Alam naman na niya yun.

“’Tsaka bago kami mag-start, nakaano na kami na, ‘O, ‘eto ha, ganun, ‘eto ‘yan ha, huwag tayong…’”

Gaano katagal ang pinakamahaba niyang paghihintay kay Janno sa set?

Ayon kay Manilyn, “Alam mo, hindi ko na rin napapansin, honestly.

"Kasi halos lahat ng scenes, ang dami kong ginagawa even before he comes in, before he gets to the taping.

“I mean, ang dami kong eksena even before he arrives, e, so hindi ko na naaano na, ‘Bakit kaya wala pa yun?’

“Hindi ka na napapaganun.”



KEEMPEE DE LEON. Dapat ay kasama rin ang dating ka-loveteam ni Manilyn na si Keempee de Leon sa My BFF, pero nag-backout ito at pinalitan ni Leandro Baldemor.

Sabi ni Manilyn tungkol dito, “Actually, I’m not really sure kung ano ang nangyari, kung ano ang naging development, iyon.

“Actually kasi, okay, ganito... actually, minention lang siya [Keempee], pero hindi ko kasi alam kung gaano ka-deep na yung napag-usapan nila na siya at kung… alam mo yung ganun?

“Kasi ‘pag nagbe-brainstorming kayo, when you’re still talking about a certain show, ‘Parang okay si ganyan diyan, parang puwede si ganyan.’

“Parang mga ganun, ‘di ba? Dun kayo nagto-throw ng… ‘di ba, ganun?”

Ayon sa bali-balita, ayaw na raw ni Keempee mapuyat sa pagte-taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko nga alam, e… Ayaw niya ba? Okay, fine!” at tumawa si Manilyn.



ALJON JIMENEZ. Bakit hindi na lang ang mister ni Manilyn na si Aljon Jimenez ang kinuha para sa role sana ni Keempee? Dati ring matinee idol si Aljon noong ‘80s.

Ayon sa aktres, “Sabi nga nila, ‘Bakit hindi si Aljon?’

“Sabi ko, ‘Hindi niyo ‘yan mapapaarte ’yan ng ano... ibig sabihin, alam mo naman.”

Mas concentrated daw kasi ngayon si Aljon bilang manager ni Manilyn.

Patuloy niya, “’Tapos sabi rin ni Janno, ‘Okay din sana yun, Man, kaya lang medyo parang mao-off din kasi.’”

Ano naman ang reaksiyon ni Aljon sa balik-tambalan nila ni Janno?

Sagot ni Manilyn, “Ay, siya pa nga ang nagsabi, e. Kasi siyempre nung itinawag, e…

“Siyempre pumirma na ako [sa GMA], ‘tapos okay na, everything’s okay, we’re just waiting for the show na ibibigay, unang show na ibibigay, ganun.

“So, ‘Honey, o, ‘eto na, they have called na ganito daw, may proyekto, ‘eto, and it’s going to be with Janno.’

“So, sabi ko, siyempre ako, parang, ‘Oh! So, ano’ng decision natin? Are we gonna to take it? Ano ba?’

“’Tapos sabi niya, ‘Sige, tingnan natin yung kuwento.’

“Wala naman ikaw makikita sa kanya na parang, ‘No ako diyan!’

‘“Di ba? Yung unang dinig pa lang, ‘A, hindi!’ Walang ganun.”

Wala raw pagseselos sa parte ni Aljon.

Sabi ni Manilyn, “Alam mo kung bakit? Kasi matagal na kaming nagkakasama ni Janno even before this, e.

“And even with him, na may show kami abroad, kasama siya.”

Hindi seloso si Aljon by nature?

“Hindi. May mga times na nagseselos, pero kung sasabihin mong mas selosa ako, ako talaga ang mas selosa—nang bonggang-bongga!”

Pero wala namang nali-link kay Aljon?

“Wala, mabait ang asawa ko!” bulalas ni Manilyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN