Mona Louise Rey on fellow Kapuso child star Jillian Ward: "Magkasundo po kami and hindi po kami nag-aaway."

Bagamat itinuturing ng iba na magkaribal sina Mona Louise Rey (nasa larawan) at Jillian Ward sa bakuran ng GMA Network, sinabi ni Mona na magkaibigan sila ng kapwa child actress.


“Siyempre po masaya po ako. Kasi po magkasundo po kami and hindi po kami nag-aaway, and friend ko po siya. And love ko rin po siya.”

Ito ang pahayag ni Mona Louise Rey tungkol sa kapwa niya Kapuso child actress na si Jillian Ward.

Sa hiwalay na panayam kasi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jillian, sinabi nitong naaawa siya kapag nakikita niyang ini-injection-an ng insulin si Mona, na may sakit na diabetes.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi itinuturing na karibal ni Jillian si Mona.

Magkasama ang dalawang Kapuso child stars sa upcoming teleserye ng GMA na My BFF.

Samantala, mas tanggap at mas nauunawaan na raw ni Mona ang sakit niya ngayon kaysa noong mas bata pa siya.

Sabi niya, “Siguro po, naka-move ako, ilang percent lang. Konting-konti pa lang po.”

Ngunit ikinalulungkot pa rin daw niyang maysakit siyang diabetes.

Kailan siya pinaka nahihirapan sa sakit niya?

“Ngayon po, hindi na po masyado, hanggang 200 na lang po,” pagtukoy niya sa itinataas ng kanyang blood sugar.

Ano ang nararamdaman niya kapag tumataas ang kanyang blood sugar?

“Wala naman po… hyper po.”



MY BFF. Sa My BFF, gumaganap si Mona bilang si Rachel, na may kaibigang multo, si Chelsea, na ginagampanan naman ni Jillian.

Kuwento ng nine-year-old actress, “Parang my best friend is family, kasi po si Jillian, ang turing ko po sa kanya dito, kasi po best friends kami.

“Kaya ang turing ko po sa kanya dito, parang family na rin.”

Magkasing-edad sina Mona at Jillian.

Bago ang My BFF ay napanood si Mona sa Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw, kung saan gumanap siya bilang batang Marian Rivera.

Kaya nais daw ni Mona Louise na paglaki niya ay maging katulad siya ng kanyang Ate Marian.

Sino ang pinaka-close niyang batang artista?

“Si Barbara [Miguel] po. At close rin po kami ni Jillian.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkasama na noon sina Mona at Jillian sa Luna Blanca.

Dagdag niya, “Siguro po, isa pang pinaka-close ko, yung isa po sa pinaka-close ko, pero matagal ko na siyang hindi nakasama, si Miggs [Cuaderno] po.

"Friend ko rin po siya, close din po kami.

“Si Miggs po, si Barbara, at si Jillian po.”

Unang nagkasama sina Mona at Miggs sa primetime series na Munting Heredera. Kasama rin si Miigs sa My BFF.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN