Joseph Marco returns to leading-man status in Pinoy adaptation of Koreanovela Pure Love

Joseph Marco on why he prefers non-showbniz girlfriend: “Most showbiz couples kasi nagkakagulo, ‘di ba? Ayoko naman ng gano’n. Better na simple lang ang girl na dine-date mo. Yung hindi high-profile. Iwas sa tsismis, iwas sa intriga.”


Matagal nang hindi nagiging leading man sa isang teleserye ang Kapamilya hunk na si Joseph Marco.

Ang huling leading-man role niya ay ang Sabel (2010), kunsaan nakasama niya sina Jessy Mendiola at ang yumaong si AJ Perez.

Ngunit pagkatapos ng ilang supporting roles—‘tulad sa Honesto, Huwag Ka Lang Mawawala, Mara Clara, E-Boy, at Princess and I—balik leading man si Marco sa local adaptation ng hit Koreanovela na Pure Love.

Kasama rito ni Joseph sina Alex Gonzaga at Arjo Atayde.

Inamin ng aktor na matagal niyang hinintay ang panibagong break na ito sa kanyang career.

“I really waited for something like this to come into my life as an actor.

“Marami naman ang nakakaalam that I’ve been patient and really waited for this big break to come.

“Noong sabihin nilang magbibida kami nina Alex and Arjo sa Pure Love, I was so happy.

“Lahat ng pinaghirapan nating pagtrabahuhan ay unti-unti nang nagbibigyan ng pansin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joseph sa HBC National Makeover Day 2014 sa Trinoma Activity Center, noong June 12.

Nakapagsimula na raw sila ng taping para sa Pure Love, pero natigil ito pansamantala dahil kinailangang pumasok ni Alex sa Pinoy Big Brother All In.

Saad ni Joseph, “Okey lang naman because nagkaroon pa kami ng maraming time to attend acting workshops.

“Bale kami nina Arjo and the rest of the cast, kami muna ang nag-workshop. Para kapag lumabas si Alex, ready na kaming lahat.”

Committed daw si Joseph sa kanyang trabaho at gusto niyang makita ang improvement niya bilang isang aktor.

“Ako naman, I always give my best sa anumang role na ibigay nila sa akin.

“Ayokong may masabi sila na hindi ako nag-improve or hindi ako nag-e-exert ng effort.

“I always want to show them my best, and I guess nakikita naman na nila iyon kaya binigyan nila ako ng malaking project, like Pure Love.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



THE BIG MOVE. Apat na taon na ang nakalilipas mula nang lumipat si Joseph mula GMA Network papuntang ABS-CBN.

Pag-amin niya, mas gumanda ang takbo ng kanyang showbiz career at tuluy-tuloy ang naging trabaho niya sa bakuran ng Kapamilya network.

“Mas dumami ang trabaho, more doors opened for me, and a lot of opportunities came.

“Sobra-sobra ang blessings na dumating and I am very grateful for all of that.

“Lalo na ngayon, isa na namang malaking project ang ginagawa ko kaya walang katapusan ang pasasalamat ko kay Lord for taking me to the right place at the right time,” nakangiting sabi niya.

Hindi naman daw nakakaramdam ng insecurity si Joseph sa mga baguhang aktor na mabilis nabibigyan ng lead roles.

“Hindi naman tayo gano’n.

“I am actually happy for them, lalo na kung kasamahan ko pa sa network. Lagi tayong nakasuporta sa Kapamilya natin.

“May kanya-kanya tayong panahon lahat. And this time, ako naman ang napagbigyan.”

May gagawin din dapat na indie film si Joseph, pero na-hold muna ito dahil may mga kailangan pang ayusin sa script.

“Hindi ko pa nga nababasa yung script kaya hindi ko alam kung ano ang kuwento.

“Nasabi na nila sa akin ang tungkol diyan, pero pending pa siya.

“Baka mas unahin ko munang maging busy sa Pure Love.”



UNDERWEAR FASHION SHOW. Hinahanda rin ni Joseph ang kanyang sarili para sa nalalapit na underwear fashion show ng Bench ngayong taon.

Handa na raw siyang rumampa suot ang sexy men’s underwear ng Bench.

Saad niya, “I’ve been an endorser of Bench for quite a long time now. And tuwing fashion show ng Bench, shirtless lang ako, ‘tapos naka-jeans parati.

“This time, ready na ako to ramp na underwear lang ang suot.

“I’m already 24 years old and I’m in the best shape of my life kaya let’s do it!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iniba raw ni Joseph ang kanyang workout routine, pati na ang kanyang diet plan, para mas magandang lumabas ang katawan niya sa fashion show.

“Before, I used to work out five to six times a week. Masyado na akong lumaki nun.

“Mas gusto kong maging lean na lang ang built ko kaya twice a week na lang ako mag-gym.

“I’m not a bulky and muscular as before. Hindi na tayo mukhang Incredible Hulk!” tawa pa niya.



LOVELESS. Loveless pa rin daw si Joseph ngayon pagkatapos niyang makipag-break sa kanyang model-girlfriend three years ago.

Mas gusto raw niya ang hindi taga-showbiz para walang maging conflict sa kanilang relasyon.

Sabi ni Joseph, “Mas okey yung hindi pareho ang trabaho ninyo ng girl.

“Para magkaiba naman ang mundo ninyo at may matututunan kayo sa isa’t isa.

“Iwas na rin sa problema.

“Most showbiz couples kasi nagkakagulo, ‘di ba? Ayoko naman ng gano’n.

“Better na simple lang ang girl na dine-date mo. Yung hindi high-profile.

“Iwas sa tsismis, iwas sa intriga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN