Luis Manzano denies proposing to Angel Locsin in Japan

Itinanggi ni Luis Manzano na malaki ang impluwensiya ng kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos sa magiging desisyon niya sa pagpasok sa pulitika. Pahayag ng TV host-actor, "Kung tatakbo man ako o hindi, because of me, walang nagsulsol sa akin. Wala silang pakialam sa kung ano ang desisyon ko. Hindi sa wala silang pakialam, they don’t meddle; they influence, they don’t discourage. Kung nasaan ang puso ko, nandun sila para suportahan ako."


Nagkuwento si Luis Manzano sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa naging bakasyon nila ng kasintahang si Angel Locsin sa Japan.

Lahad niya, “Nakabakasyon naman ng kaunti... sobrang thankful.

“Magkasunod yun. Nag-Tubbataha Reef [sa Sulu Sea] muna ako, ‘tapos umuwi ng Monday, then get ready naman kami ni Kiti [palayaw ni Angel].

“Nagtrabaho kasi siya dun, may pinuntahan siyang awarding.

“So, para sa akin, afterwards, may sked na kami.

“Sabay kami all throughout… mga six days kami dun.

“From Tokyo, wala… shopping-shopping then kain-kain, then nag-Osaka naman kami.”

Ayon pa kay Luis, sinulit talaga nila ni Angel ang mga araw na inilagi nila sa Japan.

“Mas nag-enjoy siya, kasi grabe yung pagod niya sa Legal Wife.

“Kaya sobra ngang successful, congratulations sa kanilang lahat.

“Kahit papaano, nakabawi siya ng tulog, nakapagpahinga, lahat-lahat.

“May kaibigan din ako, kabarkada, so pinuntahan namin siya.

“We roamed around Tokyo, then sa Osaka naman.

“Maraming nag-alaga sa aming mga Pinoy.

“Puro kain kaya nagsitabaan kami—siya hindi, ako oo.

“Lahat ng puwedeng maisip, puro kain lang kami nang kain dun, pahinga. Yun naman ang pinakaimportante dun.

“’Pag ako nag-gain ng kaunti, madaling pumayat.

“Pero yung makabawi ka sa pahinga, yun ang pinakaimportante.”

SPECIAL VACATION. Pangatlong beses na pala itong nag-out of the country sina Luis at Angel.

Saad ng Kapamilya TV host-actor, “Nag-Macau kami before with my family, and nag-Thailand na rin kami dati pa.

“Even I have travelled with her before, parang panibagong travel na naman ito.

“I’d like to think it’s our first vacation all over again.

“Sabi ko nga, mas masaya kami ngayon in general, in everything that we do, day in and day out.

“Mas masaya kami, so that makes everything more fun.

At katulad ng ibang couples, naniniwala si Luis na ang ganitong activity ay higit na nagpapalalim at nagpapatibay ng samahan ng isang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman… tama din naman yun.

“Pero ako, I’d like to think I know her very well already.

"It’s a very special vacation for us."

Marami ang nagtatanong kung sa pangingibang-bansa nilang ito ay may proposal na kayang naganap, lalo’t very open naman ang dalawa na sa kasalan na pupunta ang kanilang relasyon.

Ayoin kay Luis, “Ang tagal na niyan, ‘di ba? Ang tagal na niyan.

“Basta malalaman niyo agad.

“Pero yung first hand of engagement and yung pagpapakasal, wala pa talaga.

“Io-open ko talaga… paano itatago yun?

“Ang hirap namang itago nun.”



LUIS IN POLITICS. Malayo pa ang 2016 elections, pero pinag-uusapan na ang nababalitang plano ni Luis na pumasok sa pulitika, gaya ng kanyang ina n si Batangas Governor Vilma Santos.

Ayon pa sa usap-usapan, malaki raw ang impluwensiya ng ina sa magiging desisyon ni Luis.

Ngunit paglilinaw ni Luis, “Never na nag-influence sa akin ang sino sa pamilya ko o mga kaibigan ko.

“Kung tatakbo man ako o hindi, because of me, walang nagsulsol sa akin.

“Wala silang pakialam sa kung ano ang desisyon ko.

“Hindi sa wala silang pakialam, they don’t meddle; they influence, they don’t discourage.

“Kung nasaan ang puso ko, nandun sila para suportahan ako.

“Not only my mom, my dad [Edu Manzano], Tito Ralph [Recto]… lahat sila. Lahat sila ay role model ko.”

Dagdag pa niya, “Sabi ko naman, I’ll have my decision in two months. Pag-uusapan pa namin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN