Angel Locsin admits that she has the tendency to become a stage mother

While Angel Locsin agrees that education is very important for every kid, she believes that many life lessons can also be learned out of the classroom.


Inamin ni Angel Locsin na may tendency siyang maging isang stage mother kapag naging nanay na siya.

Ito ang inamin ng aktres sa press conference ng Pre-School i-Shine 3 Talent Camp, ang kiddie reality-based talent search ng ABS-CBN, kung saan isa sa napiling mentors si Angel.

Isa kasi si Angel sa mga natanong kung papayagan ba niyang sumali ang kanyang magiging anak sa kiddie talent search o pag-aralin muna niya ito.

Sagot ng Kapamilya actress, "Siguro may tendency ho akong maging stage mother.

"Kaya medyo nakakahiya ho, kailangan ko hong pigilan ang sarili ko na kailangan yung anak ko ang priority, hindi yung contentment sa sarili ko, yung ambisyon ko...

"Hindi yung mga gusto kong mangyari sa buhay ko, ipapagawa ko sa buhay ko.

"Kaya nakatatak talaga sa utak ko ’yan at kung magkakaanak ako soon… soon..." sabay tawa niya.

Pagpapatuloy pa ni Angel, "Gusto ko lang suportahan kung ano ang gusto ng bata talaga.

"Kasi ako, napaka-blessed ko na meron akong magulang na sinuportahan ang hilig ko."

Sinabi ni Angel na noong bata pa siya, sinuportahan siya ng amang si Angel Colmenares sa hilig nito sa competitive swimming.

"Isa akong swimmer before, sa Philippine team ako at ang daddy ko.

"Kahit bulag po siya, every day ’pag nagti-train ako, kasama ko siya.

"Nasa tabi lang siya ng pool at alam niya kung nandadaya ako ng laps ko.

"Kaya gusto kong maging kagaya ng father ko na nakasuporta sa pangarap ng anak ko.

"Kahit may pagka stage mudra [mother] ang tendency ko, I think dahil sa ipinakita ng dad ko, marami akong mapi-pick up na maganda.

"At ito rin, magandang experience sa akin ang i-Shine.

"So, marami akong matututunan dito, hindi lang yung mga bata, kundi ako bilang mentor, marami kaming matututunan dito na puwede naming gamitin sa totoong buhay namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



EDUCATION OR SHOWBIZ. Sinagot din ni Angel ang tanong kung hindi ba hinihikayat ng upcoming kiddie talent search ang mga bata na sa halip na pagtuunan ang pag-aaral ay ang pag-artista ang binibigyan nila ng pansin.

Saad niya, "Para sa akin, napakaimportante ho talaga ng edukasyon, lalo na sa mga kabataan.

"Pero huwag ho natin kalimutan na hindi lahat ng bagay, sa eskuwelahan natututunan.

"Minsan nga ho, mas nade-develop ang pagkatao ng isang tao sa mga extra-curricular activities.

"So, kailangan niyang maging aware sa paligid niya, kailangan involved ang society para malaman din ng bata kung ano ba talaga ang talent niya, yung gusto niya sa buhay, gusto niya maging paglaki niya.

"Para sa akin, kailangan talaga ng parents na malaman kung paano i-balance ang lahat.

"Pero huwag naman yung, ’O, dito ka lang sa acting’ or ’Sa school ka lang.’

"Mas healthy, mas makakatulong para sa isang bata pag marami siyang nae-experience na bagay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN