Angel Locsin feels "lucky" to be the girlfriend of Luis Manzano; says no Book 2 for The Legal Wife

The Legal Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/43854/angel-locsin-feels-lucky-to-be-the-girlfriend-of-luis-manzano-says-no-book-2-for-the-legal-wife" data-desc="Angel Locsin on her relationship with Luis Manzano: "Ano kami, sobrang swak.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5ef3f5833.jpg"> The Legal Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/43854/angel-locsin-feels-lucky-to-be-the-girlfriend-of-luis-manzano-says-no-book-2-for-the-legal-wife" data-desc="Angel Locsin on her relationship with Luis Manzano: "Ano kami, sobrang swak.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5ef3f5833.jpg"> The Legal Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/43854/angel-locsin-feels-lucky-to-be-the-girlfriend-of-luis-manzano-says-no-book-2-for-the-legal-wife" data-desc="Angel Locsin on her relationship with Luis Manzano: "Ano kami, sobrang swak.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5ef3f5833.jpg">

The Legal Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/43854/angel-locsin-feels-lucky-to-be-the-girlfriend-of-luis-manzano-says-no-book-2-for-the-legal-wife" data-desc="Angel Locsin on her relationship with Luis Manzano: "Ano kami, sobrang swak.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5ef3f5833.jpg"> The Legal Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/43854/angel-locsin-feels-lucky-to-be-the-girlfriend-of-luis-manzano-says-no-book-2-for-the-legal-wife" data-desc="Angel Locsin on her relationship with Luis Manzano: "Ano kami, sobrang swak.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5ef3f5833.jpg"> The Legal Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/43854/angel-locsin-feels-lucky-to-be-the-girlfriend-of-luis-manzano-says-no-book-2-for-the-legal-wife" data-desc="Angel Locsin on her relationship with Luis Manzano: "Ano kami, sobrang swak.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5ef3f5833.jpg"> The Legal Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/43854/angel-locsin-feels-lucky-to-be-the-girlfriend-of-luis-manzano-says-no-book-2-for-the-legal-wife" data-desc="Angel Locsin on her relationship with Luis Manzano: "Ano kami, sobrang swak.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5ef3f5833.jpg">

Angel Locsin says The Legal Wife ended the way it should end, so there is no point in having a second part even if there’s a demand for it.


Katulad ni Luis Manzano, masaya at excited ding nagkuwento si Angel Locsin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng bakasyon nila sa Japan kamakailan.

Lahad ng aktres, “Ang saya, ang saya lang talaga!

"Napakabait ng mga kababayan natin dun na nag-asikaso sa amin, plus yung mga Japanese na rin.

"Pumunta ako actually, trabaho, inaward-an natin yung mga kababayan natin na tumutulong sa mga kapwa natin kahit sila mismo biktima.

“Namasyal kami pagkatapos. Universal... first time kong nag-Universal, so ayun, parang bata uli kami.

"Nag-enjoy din kami sa kakakain, puro kain. Parang hinanap lang yata namin dun kung saan ang pinakamasarap na pagkain.

"Minsan lang naman namin gagawin, so todo na.”

Dito raw napatunayan ni Angel na magkasundo at swak ang mga ugali nila ni Luis.

Sabi ni Angel, “Oo naman, kasi dun mo masusukat, ’Kaya ko bang tiisin ang taong ito?’

"Lalo na ’pag nagta-travel, ’di ba?

"Magkaiba kayo ng gusto, magkaiba kayo ng gising, kaya mo bang tiisin ang taong ito?"

Dagdag niya, "Happy, kasi wala kaming problema, pinapatulog lang niya ako talaga.

"Galing ng taping, mabilis ang impake, ligo, diretso airport talaga.

"Siya pa nga ang nagpapatulog kasi ako, gusto ko, gising ako.

"Gusto ko namang mag-spend ng time sa kanya, ’di ba?

"Ano kami, sobrang swak."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Angel sa presscon ng Promil Pre-school I-Shine Talent Camp 3, kung saan isa siya sa mga mentor, kasama sina Zsa Zsa Padilla at Teacher Georcelle ng G-Force.



TAKING RISKS. Sa live interview ni Angel sa Aquino and Abunda Tonight, nabanggit niyang ang pakikipagbalikan kay Luis ang nagpatunay na matapang siyang tao.

Paliwanag niya, “Ang sinabi ko nun... yung risk na babalik ka sa tao na pinakamahal mo, na pinakagrabeng pain din yung naramdaman mo.

"Saka di mo alam kung ano ang mangyayari, hindi ka naman sure sa lahat ng bagay, at babalikan mo yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang tapang ko lang at proud ako dun kasi wala na akong ’what ifs,’ wala na akong mga ganun.

"Nagpapasalamat ako na naging ganun ang desisyon ko kasi ’di ako magiging ganito kasaya kung hindi ko naman ginawa yun."

Marami naman ang nakakapansin na kung dati ay medyo matipid ang mga salita ni Angel pagdating sa kanyang lovelife, ngayon ay mas bukas na siya sa relasyon nila ni Luis.

Ibinabahagi nito sa kanyang Twitter at Instagram accounts ang ilan sa mga larawan nila ni Luis maging updates sa relasyon nila.

Paliwanag niya tungkol dito, “Actually, ‘yan ang natutuhan ko sa paghihiwalay... sa ganyan.

"Lumaki kasi ako sa pamilya na ’di masyadong showy, saka siguro sa mga relasyon ko na ayokong ipakita ang mga nangyayari.

"So, ganun talaga ang thinking ko, ang stand ko, utak-lalaki nga ako. Para akong lalaki mag-isip.

"Hindi sa ipinagdadamot, ganun lang ako talaga ako sa person, hanggang sa natutuhan ko na.

"Ang sarap sa pakiramdam ’pag proud sa iyo ang karelasyon mo, ganun ang ipinaparamdam niya sa akin.

"Ibinabalik ko lang naman, saka nakaka-proud naman siya talaga."


Marami ang nag-isip na sa pagpunta nilang ito sa Japan ay baka may proposal nang naganap kina Luis at Angel.

Biro ni Angel, "Ginalingan ko ang ligaw, pero wala.

"Wala pang ganun, pero mangyayari at mangyayari din naman yun. Pero hindi sa Japan.

“Feel din naman namin, pero huwag na lang siguro natin pangunahan ang lahat ng mga bagay.

"But right now, ine-enjoy namin ang lahat. Sobrang masaya kami.

"Tingin din naman namin sa isa’t isa, yun na talaga yun."

LUCKY GIRLFRIEND. Nagpapasalamat naman si Angel sa mainit na pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Luis.

“Napakabait nila sa akin, ibang klase ang pagtanggap nila sa akin, pag-aasikaso, pagtrato... napakabait,” sabi niya.

Napakasuwerte rin daw niya sa pagkakaroon ng boyfriend na katulad ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang suwerte ko, napakasuwerte ko talaga.

"Nagpapasalamat ako na ganun yung boyfriend ko kasi ’di naman lahat nakakaintindi sa trabaho namin.

"Haba ng oras ng tine-taping namin, ’tapos hindi kami nagkikita masyado.

"Napakasuwerte ko lang na ganito niya pinahahalagahan ang trabahong minamahal ko.

"At naiintindihan niya kasi sa ABS din naman siya, ganun din naman ang trabaho niya.

“Napaka-supportive niya, na nararamdaman ko na proud siya ’pag may magagandang eskena akong naipakita.

"Napakasuwerte ko."

THANKS, BUT NO BOOK 2. Nagpasalamat din si Angel sa lahat ng mga nanood at hindi bumitiw sa panonood ng hit primetime series niyang The Legal Wife, na nagtala ng 36.2 percent rating sa finale night nito, base sa survey ng Kantar Media.

Pahayag ni Angel, “Salamat, maraming salamat sa lahat ng nakiiyak at nanood ng The Legal Wife.

"Talagang nakakagulat at nakakataba ng puso talaga!

"Sobrang proud ako sa production ng Legal Wife kasi grabe talaga ang pagod nila.

"Itong mataas na ratings na ito, bonus na ito sa lahat ng pagod nila.

"Kami, pagod ring mga artista, pero what more pa kaya sila.

"Dahil din ’yan sa mga viewers. Maraming salamat sa inyong lahat.

"Sana may natutunan kayong aral at sana maging inspirasyon kami sa inyo, mga Kalegalista."

Marami ang nagtatanong kung may Book 2 ba ng Legal Wife, pero ayon kay Angel, "I think kung paano tinapos ng ABS yung Legal Wife, yun talaga ang maganda para sa show.

"Pangit naman kung i-extend namin ’tapos wala nang kuwento, hanggang dun lang talaga.

"Nakakatuwa kasi ’pag sinabing dapat may Book 2, ibig sabihin nagustuhan yung show.

"Sa ngayon, isa yun sa mga pruweba na effective talaga yung show at maraming sumusubaybay.

“Ang dami ngang nagtatanong kung may Part 2 siya."

Dagdag niya, "Sa lahat po ng mga nakaka-miss kila Monica, Adrian, Nicole, at Max, out na ang DVD ng Legal Wife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung gusto ninyong balik-balikan ang mga memorable na eksena, bumili na kayo bago pa magkaubusan.

"Maraming-maraming salamat sa suporta na ipinakita ninyo.”



NEXT PROJECT. Sa tagumpay ng The Legal Wife sa ere, mas magiging maingat at mapili kaya si Angel sa susunod na teleseryeng gagawin niya?

Tugon niya, “Ako, bago naman ang Legal Wife, tatlong taon... almost three yars akong naghintay, ’di ba?

"Pumipili lang talaga ako ng teleserye na may advocacy.

"Ang ABS naman, palaging may gagawing project ‘yan na maganda, hindi naman sila nawawalan.

"Ang Star Creative, sila naman ang gumawa ng Legal Wife.

“Ako kasi, naniniwala ako na gusto ng tao marinig kung ano ang totoo, kung ano ang totoong nangyayari.

"As long as sincere ka sa pagpu-portray mo, sa paghahatid mo ng kuwento, mamahalin ng tao ang show."

The Legal Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/43854/angel-locsin-feels-lucky-to-be-the-girlfriend-of-luis-manzano-says-no-book-2-for-the-legal-wife" data-desc="Angel Locsin on her relationship with Luis Manzano: "Ano kami, sobrang swak.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5ef3f5833.jpg"> The Legal Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/43854/angel-locsin-feels-lucky-to-be-the-girlfriend-of-luis-manzano-says-no-book-2-for-the-legal-wife" data-desc="Angel Locsin on her relationship with Luis Manzano: "Ano kami, sobrang swak.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5ef3f5833.jpg"> The Legal Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/43854/angel-locsin-feels-lucky-to-be-the-girlfriend-of-luis-manzano-says-no-book-2-for-the-legal-wife" data-desc="Angel Locsin on her relationship with Luis Manzano: "Ano kami, sobrang swak.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5ef3f5833.jpg">


The Legal Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/43854/angel-locsin-feels-lucky-to-be-the-girlfriend-of-luis-manzano-says-no-book-2-for-the-legal-wife" data-desc="Angel Locsin on her relationship with Luis Manzano: "Ano kami, sobrang swak.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5ef3f5833.jpg"> The Legal Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/43854/angel-locsin-feels-lucky-to-be-the-girlfriend-of-luis-manzano-says-no-book-2-for-the-legal-wife" data-desc="Angel Locsin on her relationship with Luis Manzano: "Ano kami, sobrang swak.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5ef3f5833.jpg"> The Legal Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/43854/angel-locsin-feels-lucky-to-be-the-girlfriend-of-luis-manzano-says-no-book-2-for-the-legal-wife" data-desc="Angel Locsin on her relationship with Luis Manzano: "Ano kami, sobrang swak.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5ef3f5833.jpg"> The Legal Wife" data-url="https://www.pep.ph/news/43854/angel-locsin-feels-lucky-to-be-the-girlfriend-of-luis-manzano-says-no-book-2-for-the-legal-wife" data-desc="Angel Locsin on her relationship with Luis Manzano: "Ano kami, sobrang swak.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5ef3f5833.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN