Tom Rodriguez says My Husband’s Lover made him believe in destiny

Tom Rodriguez on the possibility of getting involved in a controversy: “We’re just humans. We make mistakes as everyone else. The only difference is we’re in the public’s view and sometimes there’s a microscope on us.”


Hanggang ngayon ay ipinagpapasalamat pa rin ni Tom Rodriguez ang pagiging bahagi niya sa hit teleserye na My Husband’s Lover.

Aminado ang Kapuso actor ang proyektong ito ang nagbukas sa kanya ng pinto sa mas marami pang oportunidad sa showbiz.

Dahil daw dito, nagsimula na siyang maniwala sa salitang “destiny.”

“Actually before, I didn’t believe in destiny. I thought it was fake reason.

“But I think it has proven na,” sabi ni Tom nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa pocket press conference ng bago niyang show sa GMA, ang My Destiny, kahapon, June 17.

Pag-alala pa ni Tom, “Four years ago, I never envisioned my life would be like this.

“Four years ago, before I joined showbiz, hindi ko ito nakita, hindi ko ito pinangarap.

“It’s just that may mga nangyari sa buhay ko—the bad experiences and the good experiences.

“One small decision that I made, I would not be sitting here now.

“Hindi ko naman sasabihin na parang chess pieces tayo, pero I feel na someone is directing us, guiding us.

“Before, I was fighting pa.”

CONTROVERSIES. Ipinagpapasalamat din ni Tom na hindi niya kinailangang masangkot sa isang kontrobersiya para makilala sa industriya.

Kung maaari, sabi ni Tom, sana ay hindi niya ito maranasan.

“Sana naman hindi.

“But I guess it’s inevitable naman.

“We’re just humans. We make mistakes as everyone else.

“The only difference is we’re in the public’s view and sometimes there’s a microscope on us.

“I think it would be inevitable.”

Kung sakali ba ay handa si Tom na harapin ang isang matinding kontrobersiya?

Sagot niya, “Sometimes hindi mo maiiwasan ‘yon.

"Pero no matter how you rehearse it, no matter how you envision it, imagine it, I think, it would still be very different from what will actually happen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit gaano ko i-rehearse sa ulo ko, kapag nandiyan na, iba pa rin.

“Feeling ko, you’ll still be at shock and surprised, or you’ll be at lost for words and scared.”



NEW LOVETEAM. Samantala, ikinatutuwa ni Tom ang muling pagtatambal nila ni Carla Abellana sa My Destiny.

Unang nagkatrabaho ang dalawa sa My Husband’s Lover at nasundan ito ng isang movie project, ang romantic-comedy na So It’s You.

Para kay Tom, kakaiba ang pagsasamahan nila ngayon ni Carla kumpara sa dalawang nauna nilang proyekto.

“Siguro hindi siya katulad ng MHL na sobrang bigat at hindi naman katulad ng So It’s You na sobrang light din naman.

"It’s just right, parang may Koreanovela feel ang show," paglalarawan ni Tom.

Magkaroon kaya ng pagkakataong maging espesyal ang relasyon nila ni Carla habang ginagawa ang teleseryeng ito?

Tugon ni Tom, “Well, we’re not attached now.

“But to be honest, ako, I’m positive.

“For me, ha, I’m not speaking for anyone else. I think anything is possible naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN