Annabelle Rama to Sarah Lahbati’s mom: “Kung ako sa ’yo, laruin mo na lang si Zion.”

“Ayaw kong pumatol sa mga taong kinakawawa ang sarili nila. [Basta] ako, I won’t allow myself to be kawawa, move on, forget the past,” says Annabelle Rama on her Instagram account today, June 18. This was in response to the controversial Instagram post of Sarah Lahbati’s mom, Esther Lahbati, who felt offended during the Christening and birthday celebration of their grandson Zion.


Isang maiksing mensahe lamang ang sagot ni Annabelle Rama sa kontrobersiyal na Instagram post ng ina ni Sarah Lahbati na si Mrs. Esther Lahbati.

Matatandaang inihayag ni Mrs. Lahbati ang pagkadismaya niya sa hindi magandang pagtrato diumano sa kanya noong binyag at birthday celebration ng apo niyang si Zion noong Linggo, June 15.

Read: (UPDATED) Sarah Lahbati’s mom cries foul over unfair treatment at Baby Zion’s party

Kaninang tanghali, June 18, nag-post naman si Annabelle sa Instagram account niya ng mensahe para sa kanyang "balae" bagama’t hindi niya ito pinangalanan.

Sabi ng ina ni Richard Gutierrez, “Ayaw kong pumatol sa mga taong kinakawawa ang sarili nila.

"Basa ako, I won’t allow myself to be kawawa, move on, forget the past.

"Kung ako pa sa iyo, laruin mo na lang si Zion para mawala ang negative vibes sa katawan mo..."

Sa mga sumunod na post ni Annabelle, nagpasalamat siya sa lahat ng dumalo sa binyag at kaarawan ng kanyang apong si Zion.

Halata naman ang pagkagiliw ni Annabelle sa apo niya kay Richard sa mensahe niyang ito:

"I love you so much Z, pati si Lolo Eddie love na love ka, sana laging may out of town work Dad & Mom mo para dito ka sa amin matulog...

"Sarap mong yakapin! Alam ko mahal na mahal mo rin ako Baby Z kasi everytime makita mo ako, gusto mo agad magpakarga sabay yakap sa akin.

"Don’t worry baby Z. I will take care of u tulad ng pag-aalaga ko sa Daddy mo...

"hindi namin kaya ng Lolo mo na hindi ka makita sa loob ng isang araw. We love you 100 times... mwah!!!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN