RJ Padilla says "user" role in Dading is his biggest break yet

Dading is his biggest break yet" data-url="https://www.pep.ph/news/43860/rj-padilla-says-user-role-in-dading-is-his-biggest-break-yet" data-desc="RJ Padilla says dad Rommel Padilla supports his role as lover of Gabby Eigenmann’s gay character in Dading." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/229a4f472.jpg"> Dading is his biggest break yet" data-url="https://www.pep.ph/news/43860/rj-padilla-says-user-role-in-dading-is-his-biggest-break-yet" data-desc="RJ Padilla says dad Rommel Padilla supports his role as lover of Gabby Eigenmann’s gay character in Dading." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/229a4f472.jpg"> Dading is his biggest break yet" data-url="https://www.pep.ph/news/43860/rj-padilla-says-user-role-in-dading-is-his-biggest-break-yet" data-desc="RJ Padilla says dad Rommel Padilla supports his role as lover of Gabby Eigenmann’s gay character in Dading." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/229a4f472.jpg">

Dading is his biggest break yet" data-url="https://www.pep.ph/news/43860/rj-padilla-says-user-role-in-dading-is-his-biggest-break-yet" data-desc="RJ Padilla says dad Rommel Padilla supports his role as lover of Gabby Eigenmann’s gay character in Dading." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/229a4f472.jpg"> Dading is his biggest break yet" data-url="https://www.pep.ph/news/43860/rj-padilla-says-user-role-in-dading-is-his-biggest-break-yet" data-desc="RJ Padilla says dad Rommel Padilla supports his role as lover of Gabby Eigenmann’s gay character in Dading." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/229a4f472.jpg"> Dading is his biggest break yet" data-url="https://www.pep.ph/news/43860/rj-padilla-says-user-role-in-dading-is-his-biggest-break-yet" data-desc="RJ Padilla says dad Rommel Padilla supports his role as lover of Gabby Eigenmann’s gay character in Dading." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/229a4f472.jpg"> Dading is his biggest break yet" data-url="https://www.pep.ph/news/43860/rj-padilla-says-user-role-in-dading-is-his-biggest-break-yet" data-desc="RJ Padilla says dad Rommel Padilla supports his role as lover of Gabby Eigenmann’s gay character in Dading." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/229a4f472.jpg">

RJ Padilla is open to tackling gay roles, but says no to gay love scenes.


Isa raw sa biggest breaks ni RJ Padilla ang proyektong Dading, isang bagong teleserye sa GMA na malapit nang ipalabas.

Aniya, “Oho, isang malaking blessing ho sa akin ito.

"Kagabi nga ho nag-pray ulit ako sa Lord na sabi ko, ‘Lord itong matinding role na ibinigay mo sa akin, willing na willing ho akong tanggapin ito.

“Na sabi ko, ‘Hindi ko ini-expect na magkakaroon ng role na ganito.’

"Saka matinding ano ito, makukuha ko’ng respeto pagdating sa mga [GMA] bossing na sineseryoso ko talaga itong trabaho ko.”

Lover ng isang bakla ang magiging papel ni RJ sa Dading.

Pahayag niya, “Salbahe po ako dito. Abangan n’yo kung anong klaseng sungay ang meron ako dito.

“User po ako.”


Ano ang mas gusto niya, ang may pagka-bad boy na roleo bilang komedyante sa regular show niyang Bubble Gang?

“Halo po. Kasi yung comedy, masaya, para lang kayong naglalaro. Dito kasi, talagang kailangan seryoso ka.”

Kung ang papel naman na ipapagawa sa kanya ay bilang isang gay, papayag siya?

“Why not? Oho. Nagpe-pekpek shorts ho ako dun [sa Bubble Gang]!”


Kahit full length na gay role?

“Bakit ho hindi,” sagot pa ng 25-year-old Kapuso male star.

Kung indie movie na may gay love scene?

“Ah ayun, matagal ho sigurong ano. Darating ho tayo sa tamang panahon.

“Hindi muna ho siguro, hindi ko pa kaya,” sabay tawa ni RJ.

“Baka siguro paghahandaan ko muna ho. Ayaw ko muna po.”

CONSENT. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RJ sa taping ng Dading noong Miyerkules, June 11, sa Marikina.

Hindi rin daw siya marahil papayagan ng ama niyang si Rommel Padilla.

“Isa pa po siguro yun, kailangan munang pag-usapan namin ni Papa.

"Nung nabanggit ko nga ho ito [his role in Dading] kay Papa, sabi sa akin, ‘Okay ’yan a, galingan mo!

"’Kasi lahat naman ng binibigay sa iyo, break mo lahat ’yan, e.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang best advice sa kanya ng ama niya?

Sagot ni RJ, “Mahalin mo ang trabaho mo, huwag kang makakalimot sa Itaas, sa pamilya mo, huwag kang magbabago.”

DADING. Paano niya pinaghandaan ang role niya bilang si Dindo na karelasyon ng bading na si Carding, na gagampanan naman ni Gabby Eigenmann sa upcoming GMA drama series?

“Siguro marami naman akong na-observe dito sa generation natin ngayon kasi ngayon, napakanatural na lang ngayon.

“Kasi dati patago, ’di ba? Natural na lang ho ’yan.

“Kasi dati, hinuhusgahan pa ang mga bakla ho, ’di ba? Kumbaga binubugbog, ganito, ganyan.

“Ngayon kasi free will na, e. So ngayon marami na akong nakukuhang hugot kung paano.

“’Tsaka ano lang naman, ang trato ko naman sa bading ay babae din!

“Ganun naman sila, e. Parang babae sila.”

Nang bisitahin namin ang set ng Dading, kinunan ang eksenang nagtititigan sila ni Gabby. Parang totoo ang naturang eksena at tila may relasyon sila.

“Siguro ho malaki ang natutunan ko sa My Husband’s Lover kasi pinanood ko rin po.

"So dun pa lang ho, marami na akong makukuhang lesson pagdating sa mga ganitong role.”

Handa ba siya sakaling ikumpara ang serye nila sa MHL?

“Siguro ang maiiba lang sa role naming dalawa, salbahe ako, e.

Nagkukunwari lang daw siya na tila mahal na mahal niya si Carding (Gabby) habang tinititigan niya.

Handa ba siyang kamuhian ng mga bading kapag napanood na ang user na si Dindo?

“Ready po ako.”

May mga eksena pa raw sa Dading na bubugbugin niya si Carding.

GAY ISSUES. Ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit may mga lalaking pumapatol o nakikipagrelasyon sa bading?

“Dahil siguro mas nabibigay nung lalaki [bading] yung pagmamahal kaysa sa babae.

"Yung wala sa babae, iyon yung nabibigay nung lalaki [bading].”

Naniniwala rin ba siya na kadalasan ay pera ang dahilan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga ibang ganyan kasi may mga ganyang factor na yung mga taong ’yan, hindi nila iniisip yung nararamdaman din nung isang tao.

“Kumbaga cold sila, e. Dapat nga hindi nila gawin yung ganung bagay kasi nakakahiya naman.

"Kung sa Panginoon nga, kung anuman ang gender mo, tanggap ka ng Panginoon, rerespetuhin ka ng Panginoon. Pinapatawad ka ng Panginoon kahit anong kasalanan mo pa.

“Ang problema minsan ng tao e nakakalimot.”

NO GAY EXPERIENCE. Isang Born-Again Christian si RJ at hindi pa raw niya nasusubukang maligawan ng bading.

Sa tingin ba niya, kaya hindi siya naliligawan ng bading ay dahil isa siyang Padilla?

“Hindi ko po alam. Baka ho siguro.”

Magugulat daw ito halimbawang may gay na manliligaw sa kanya. Pero hindi raw siya manggugulpi.

“Hindi, hindi, hindi ho ako bayolenteng tao,” at tumawa si RJ.

Bakit siya magugulat?


“Dahil iyon nga, kunyari kaibigan ’tapos bigla niyang sasabihin sa akin yun, parang medyo may pagka dating awkward.

“Masa-shock ho ako nun, siguro mga ilang weeks kaming hindi mag-uusap.”

Pero hindi naman raw niya “itatapon” ang kanilang pagkakaibigan.

Sa tunay na buhay ay wala naman raw siyang kaibigan na lalaking tagong bading na eventually ay umamin sa kanya.

“Wala po, kasi nung mga high school days ko, wala pa yung time na talagang malakas ang loob nila na umamin sila.

"Alam ko na bading siya pero never kong sinabing, ‘Hoy, bakla ka!’ ganyan.”

Wala rin daw siyang kaibigan na may karelasyong bading.

Samantala, sa direksyon ni Ricky Davao, nasa Dading din sina Glaiza de Castro bilang si Beth, Gardo Versoza bilang Lexi, Mymy Davao bilang Neneth, at si Benjamin Alves bilang si Joemer.

Ipapalabas na ito ng GMA sa June 23 pagkatapos ng The Half Sisters bilang kapalit ng Innamorata.

MARIAN AND DINGDONG. Sakaling mabigyan siya ng launching TV project, ang gusto raw niyang maging leading lady ay si Marian Rivera, na nakasama ni RJ sa My Beloved at sa Carmela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Masarap makatrabaho.”

Sa mga lalaki naman, ang nais niyang sundan ang mga yapak, bukod sa mga Padilla, ay si Dingdong Dantes.

“Kasi isa ho siya sa mga magandang halimbawa na aktor kasi siya talaga, professional, e.

"Kahit anong role, kaya niyang gampanan.

“Napakabait na tao po si Kuya Dingdong,” pagtatapos ni RJ.

Dading is his biggest break yet" data-url="https://www.pep.ph/news/43860/rj-padilla-says-user-role-in-dading-is-his-biggest-break-yet" data-desc="RJ Padilla says dad Rommel Padilla supports his role as lover of Gabby Eigenmann’s gay character in Dading." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/229a4f472.jpg"> Dading is his biggest break yet" data-url="https://www.pep.ph/news/43860/rj-padilla-says-user-role-in-dading-is-his-biggest-break-yet" data-desc="RJ Padilla says dad Rommel Padilla supports his role as lover of Gabby Eigenmann’s gay character in Dading." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/229a4f472.jpg"> Dading is his biggest break yet" data-url="https://www.pep.ph/news/43860/rj-padilla-says-user-role-in-dading-is-his-biggest-break-yet" data-desc="RJ Padilla says dad Rommel Padilla supports his role as lover of Gabby Eigenmann’s gay character in Dading." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/229a4f472.jpg">


Dading is his biggest break yet" data-url="https://www.pep.ph/news/43860/rj-padilla-says-user-role-in-dading-is-his-biggest-break-yet" data-desc="RJ Padilla says dad Rommel Padilla supports his role as lover of Gabby Eigenmann’s gay character in Dading." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/229a4f472.jpg"> Dading is his biggest break yet" data-url="https://www.pep.ph/news/43860/rj-padilla-says-user-role-in-dading-is-his-biggest-break-yet" data-desc="RJ Padilla says dad Rommel Padilla supports his role as lover of Gabby Eigenmann’s gay character in Dading." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/229a4f472.jpg"> Dading is his biggest break yet" data-url="https://www.pep.ph/news/43860/rj-padilla-says-user-role-in-dading-is-his-biggest-break-yet" data-desc="RJ Padilla says dad Rommel Padilla supports his role as lover of Gabby Eigenmann’s gay character in Dading." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/229a4f472.jpg"> Dading is his biggest break yet" data-url="https://www.pep.ph/news/43860/rj-padilla-says-user-role-in-dading-is-his-biggest-break-yet" data-desc="RJ Padilla says dad Rommel Padilla supports his role as lover of Gabby Eigenmann’s gay character in Dading." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/229a4f472.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN