Cherie Gil reveals reason behind sudden exit from Ikaw Lamang

Although intrigues surrounded her departure from Ikaw Lamang, it is happy ending for Cherie Gil as her camaraderie with the stars and staff of the teleserye lives on after her character is killed in the show.


Mariing itinanggi ni Cherie Gil ang isyung may gap raw sila ni Coco Martin, ang bidang actor sa kanilang teleseryeng Ikaw Lamang sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

“Nooo…none,” sambit ng batikang aktres.

Saad pa ni Cherie, “First of all, Coco and the whole cast, we have a fantastic ensemble. We work so well together.

"In fact, si Coco ngayon ang nag-iisang tinatawag ko’ng anak.

“Kasi normally, ’son,’ e. Kay Coco, bagay yung anak, ‘di ba?

"And he calls me ‘My,’ short for mommy.

“Now we have a fantastic camaraderie. Kung saan nanggaling yun, hindi ko na alam. It definitely didn’t happen.

“In fact, masaya kapag nagkikita kami sa set. Masayang-masaya lalo na kapag full cast.

"Si Coco, maghahanda ‘yan ng pagkain, siya mismo ang nagse-serve.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cherie sa 37th Gawad Urian awards night na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN last Tuesday, June 17.

IKAW LAMANG EXIT. Marami rin ang nagulat nung biglang pinatay ang karakter ni Cherie sa Ikaw Lamang.

Dahil sa nangyari, ang daming naglabasan ng mga espekulasyon.



Paliwanag niya, “When I signed for this project, it was clear that I have to leave talaga for the States in June because my daughter is graduating.

"Nagkataon na na-extend nang na-extend yung show because it was doing so well.

"But came to the point na they had to cut my story short because I really had to leave.

"I just didn’t realize na it was gonna be this soon but, I guess, my bosses gave me a chance to prepare for my trip.”

May lumabas din daw sa Twitter mula sa isa sa mga direktor ng show na nag-volunteer umanong isulat ang kanyang death scene. Totoo ba ito?

Biglang natawa si Cherie kasunod ang pahayag na, “I have no idea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I knew I was gonna end my story, in fact, the head writer and I were collaborating kung ano ang magagandang ways to end the story for my character.

"I didn’t write my own story, it was collaborated. I definitely have no idea.”

Happy daw siya sa naging ending ng karakter niya sa show, “Very, very.”

Dugtong niya, “Gabing-gabi na yun e nung binaril ako ’tapos dapat kinabukasan Tirso [Cruz III], my husband, will find my body.

"Hindi na lang sana nila ako aabalahin the next day dahil lalagyan nila ng double.

“Pero nagpunta ako sa set, I want to see the full cast kasi yun ang last day talaga ko. Para lang I can be there and be with the cast.

"Yun pala, may plano talaga na kung puwede ako’ng ilagay sa casket, and hindi talaga ako pumayag nung umpisa, okay.

“This is the real story, dahil sa takot ko lang.

“So, punta ako, nagdala ako ng food, lechon, whatever.

“E, ang aking styling team, Ruben Nazareth, Eric Pineda and, of course, Manny Morfe, ‘Hay, naku, bakit ayaw mo naman?

"’Kung alam ko lang, nakumbinse kita. Naka-terno ka, naka-ganito ka, lalagyan ka namin ng roses at magiging beautiful ka.’

“Ay, key word, ’beautiful!’

“And first of all, the trivia here is, Manny is the one person I respect dearly and love.

“He created Lavinia Arguelles [famous character niya sa Bituing Walang Ningning with Sharon Cuneta], how can I say naman ’no.’

"He was the one who dressed her up, created that look for her, wala ako ni isang bagay na dinala sa set.

“So, in honor of him, I said, ‘Alright, I’ll do my best.’

"Talagang, three minutes prinomise nila sa akin, and that was that.

"I didn’t know that was going to be a glass, but may agwat naman ng ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And that obviously made more impact than the entire show that I did for my performance.

“It was a nice ending.”

FAMILY. May bulung-bulungan na may matinding karamdaman daw ngayon ang kapatid niyang si Mark Gil. Ano’ng reaksyon niya rito?

“I don’t think that’s my position to answer. But I don’t think so.

"He’s fine, he’s working. Almost every day, may communication kami sa isa’t isa,” lahad ni Cherie.

Nakatakdang umalis siya ng bansa on June 20.

“My birthday is on the 21st, e. My daughter’s graduation naman is on the 27th.

“Her name is Bianca. She’ll graduate from high school and I’m very proud of her."

DIVORCED. Parang kailan lang nung umalis siya ng Pilipinas at sumama sa kanyang international violinist husband na si Rony Rogoff para mamuhay sa Italy.

Ngayon, magkakalayo na sila ni Rony at ng mga anak nila na sina Bianca at Raphael.

Dito naman nagsimula ang pagiging fashionable ni Cheri.

“Sa Italy kasi, dahil lahat sila masyadong fashionista so lalabas ka lang, bibili ka lang ng gatas, mag-iisip ka kung ano ang isusuot mo.

"Everybody is dressed to the nines so you have to be one of them.”

Wala na bang chance na magkabalikan sila ni Rony?

“Actually, we are divorced, officially. Just recently, I got my official divorced papers.”

Single na ulit siya?

“Ay, oh, my goodness! Announcement! Announcement!

"But as far as he is concerned and I am concerned, we are the best of friends up to this day.”

May bagong boyfriend na ba siya?

“Wala, kaka-umpisa pa lang. Ibig sabihin, yung lovelife ko nag-o-open pa lang. It’s a new chapter in my life.”

Pero open na siya to accept suitors?

“Matagal na, mas open pa,” saad ni Cherie kasunod ang malakas na tawa ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May constant date na ba siya?

“Wala, e. Kasi halos araw-araw nasa set kami, ‘di ba?

"So barkada ko yung mga kasama ko, yung mga kapatid ko sa industriya, puwede bang hindi?”

Hindi kaya nai-intimidate ang mga lalaki sa kanya?

“Ewan ko nga ba bakit nauunahan ako ng batchmates ko.”

Like ZsaZsa Padilla?

“Yun na nga ang sasabihin ko. Ewan ko ba kung bakit naunahan ako ni ZsaZsa,” biro ni Cherie.

“I’m very happy for her.”

Mas type ba niya ngayon ang mga lalaking Pinoy?

“Kahit ano basta magkasundo kami at masaya.”

Open ba siya to have a boyfriend na mas bata sa kanya?

“No,” mabilis na sagot ni Cherie.

“You know what, I’m not defining it on age.

"Pero gusto ko siyempre, ka-mindset ko rin.

"Maybe someone who’s mature at saka nasa age group ko. Not naman too young.”

May ibang partner na rin ba si Ronnie?

“Ah, no. But it’s okay kung may partner na siya. Anything that will make him happy.”

Magiging open ba siya sa public about her new partner, if ever?

“You know, ako, I always wear my heart in my sleeve ‘di ba?

"Once I know I’m in love and I know he’s the right person, I’d like to shout it to the world.

"I’m sure, I will. But one step at a time. hintayin muna nating pumasok.”

May mga manliligaw ba siya sa showbiz?

“Wala kasi yung mga ka-contemporaries ko, puro mga kapatid ko sa industriya yun. Mga barkada ko sila, e. Maybe someone who belongs from another field naman.”


GAWAD URIAN NOMINEE. Isa si Cherie sa mga naminado bilang Best Actress sa Urian para sa pelikulang Sonata, na inilabas ng kanyang film outfit na My Own Mann Productions.

Ito pangalawang pagkakataon na naging nominado si Cherie sa Urian, kung saan co-nominee niya na si Angeli Bayani, na siyang nag-uwi ng Best Actress trophy para sa Norte, Hangganan ng Kasaysayan ni Lav Diaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman ito ikinasama ng loob ni Cherie, “I never won, ay naku!" walang panghihinayang na bulalas niya.

"I’ve waited years and years and years to be nominated at least. To be nominated is more than enough.

"Well, I was nominated before in City After Dark,” kuwento ni Cherie.

Tomboy ang role niya sa City After Dark na idinirek ng yumaong si Ishmael Bernal at nanalo bilang Best Picture sa Urian noong 1980.

This year, co-nominee rin niya for Best Actress ang teenager na si Teri Malvar na gumanap bilang tomboy sa Ang Huling Cha-Cha ni Anita.

“That’s why I said to Teri, because the role that I’ve been nominated for the first time at the Urian was also tomboy, baka masuwerte ako sa tomboy role,” pagbibiro niya.

“But I’m not nervous...I’m just pleased that I’m nominated and they recognized the movie that I’ve produced and I’m part of such a great roster of actors.

"I already have my personal bet, siyempre, aside from myself.

"Hindi, joke lang, of course, love ko sila lahat.

“And also Sonata, my pride and joy, because it was my first production and nanalo si Emerson [Texon, Best Music].

"The fact na may isang nanalo sa amin, bandera na namin yun.”


PRODUCING. Magpro-produce ba siya ulit ng pelikula?

Pakli ni Cheri kasabay ng halakhak, “Yes, like what I said on stage, ’I’ll produce and produce and produce until I get that trophy!’”

May nabuo na ba siya for her next project?

“Actually, the next project, hindi ako kasali sa movie, it’s for Sid [Lucero] and his father Mark [Gil], a father-son relationship.

“Right now, the working title is Unfinished Business na sinulat ni Sarge Lacuesta, Erik Matti will direct.

"It’s a wonderful treatment between the father and son, the son’s return to correct his mistakes and his son repeating the mistakes and the father seeing that and...forgiveness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re gonna start [shooting] end of the year.”

MAINSTREAM. Paano niya masusungkit ang Best Actress award kung hindi siya kasama sa cast?

“Well, next year ulit, although, kapag nanalo yung film for Best Picture, as producer, I will have my own trophy.”

Bakit hindi mainstream movie ang i-produce niya?

“Ay, mahal,” mabilis na sagot ni Cherie.

“’Tsaka kung puwede lang mag-co-produce with mainstream, why not? And then we can make a better film, ‘di ba?

“Hanap ako. Basta maganda yung istorya.

"Kasi mainstream minsan, naghahanap ng super sikat na star.

"So kukuha ako ng mga cameo na stars para magkaroon kami ng pera," pabirong saad pa niya.

Sinu-sino ang mga artistang iimbitahan niya for cameo roles sa susunod niyang project?

“Well, I cannot say it yet kasi hindi pa namin talaga na-formal, I don’t want to. Hindi pa namin talaga na-o-offer.”

What about sina Coco Martin and Jake Cuenca?

“Oo nga, ‘no, anak-anakan ko. I would like but I don’t wanna abuse naman our friendship.

"But it’s give and take in this industry. Kaya ang tawag sa amin nga, dapat maging United Artists of the Philippines.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN