PEP EXCLUSIVE. Vina Morales on Cedric Lee: "...better for me to stay away from the issue kasi hindi ako kasali doon, and it’s been years we’ve been separated.”

It’s been five years since her last serious relationship, and the constant prayer of Vina Morales: “...gusto ko pang magpakasal. Of course, gusto ko pang magkaanak. Pinagpi-pray ko naman."


Patuloy pa ring umiiwas si Vina Morales na magsalita tungkol sa dati niyang kasintahang si Cedric Lee, na ama ng kanyang nag-iisang anak na si Ceana.

Si Cedric ang kontrobersiyal na businessman na nasangkot sa pambubugbog sa It’s Showtime host na si Vhong Navarro.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vina sa nakaraang concert nito sa Kuwait para sa mga Filipino residents at Overseas Pinoy Workers na ginanap sa Al Arabi Sports Gym, todo-iwas pa rin ang actress-performer kapag ang usapin ay tungkol sa ex-boyfriend niya.

Naimbitahan ang inyong lingkod sa nasabing concert ni Vina kasama sina Tekla & Iya para mag-perform at mag-host.

Ang show ay pinamagatang Musika at Tawanan 3, na prinodyus ng Alliance of Filipino Organizations in Kuwait sa pangunguna ni Dr. Chie Umandap, katuwang ang mga kasamahang sina Ms. Ana Del Mundo at Madam Dolor Elenany.

Sa simula, tumawa muna si Vina nang tanungin namin siya kung wala ba siyang nararamdamang galit kay Cedric dahil sa kinahinatnan ng kanilang relasyon? Ano ang masasabi niya sa mga kaso ni Vhong laban sa ex-boyfriend?

Bungad na reaksiyon nito, “Oh my god!” sabay halakhak.

Dugtong niya, “Naku, huwag na. Masyado na siyang mainit. Huwag na, huwag.”

Nagpasalamat ka ba sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Cedric? At halimbawang sila pa rin hanggang ngayon, baka hindi naka-engkuwentro ni Cedric si Vhong?

Matamang nag-isip muna si Vina at saka sumagot, “Let’s talk about in general.

"Uhm, sa mga nangyari sa buhay ko with my past relationships, wala naman akong pinagsisihan kasi may mga maganda namang naidulot sa buhay ko.

“I have my daughter and she’s very important to me.

“Kung may mga pinagdaanan akong hindi maganda at masyado akong nasaktan, I became stronger, ’di ba? Mas naging matatag ako ngayon, more careful."

Sa kabila raw ng nangyari, marami pa ring dapat ipagpasalamat si Vina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“All in all, I still have to be thankful kasi kung magdu-dwell ka sa past mo, yung mga ginawa sa iyo whether bad or good, if you don’t look at it in a positive way, hindi ka magiging masaya sa buhay mo ngayon, sa present time.

“And I always believe kasi, I always have good intentions towards in a relationship [with] anyone.

"Kaya naman, I’m always well-guided.

"Kasi palagi kong dinadasal yun if I have problem or if I am in a situation na napakagulo.

“I just prayed and inaayos niya lahat for me. I don’t have to lift a finger para gumanti or para mag-isip [ng masama] sa kapwa.”

Nagpasalamat ka ba na single ka ngayon at hindi na tali sa relasyon kay Cedric?

“General pa rin kasi ayaw kong pag-usapan si Cedric,” nangingiti niyang iwas.

Saka ipinaliwanag ng Kapamilya star ang kanyang rason, “No kasi I was never interviewed about Cedric coz I will never answer.

"Unang-una, hindi ako kasama sa situation na yun, sa nangyari at that, so I’m out.

"I’d rather not say anything kasi bali-baliktarin mo man ang mundo, hindi mo masabi ang pangyayari ng buhay ng tao, ’di ba, either you’re in good terms or bad terms. Hindi mo masabi yun.

“So, it’s better for me to stay away from the issue kasi hindi ako kasali doon, and it’s been years we’ve been separated.”

Paano mo ipapaliwanag sa anak mo ang nangyari?

“I still have years to think about that.”

Hindi ka ba nag-worry sa posibleng maging epekto nito sa kanya?

“Like what I’ve said, I still have a lot of years to think about it. She’s only five and I want her to enjoy her childhood. At hindi pa niya alam yang mga bagay na ’yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kilala ba ng baby mo si Cedric?

“Oo naman! Puwede ba namang hindi?”

Nakiusap na lang si Vina na huwag nang pag-usapan pa kung ano ang pinagdaanan nila ni Cedric at kung bakit sila naghiwalay dahil sensitive pa raw ang isyu.

Hindi ka ba na-trauma sa pag-ibig?

“Just like what I said, I’ve learned a lot of things in my past.

"And whatever I’ve been through, naging matibay ako especially para sa anak ko at kailangan kong maging matibay para sa anak ko.”

Naiinis o naiirita ka ba sa tuwing tinatanong o kinukulit ka ng media tungkol sa isyu ni Cedric?

“Wala nga akong paki, e. And I never said anything and I will never say anything to any....both of any sides.

"Kasi wala ako doon, I’m really out. I cannot comment, I’d rather not say anything.”

ON LOVE AND MARRIAGE. Pagdating naman sa kanyang lovelife, wala pa raw gustong pagkatiwalaan ng kanyang puso si Vina.

Aniya, “Date-date lang ako. Minsan hindi talaga umaabot sa serious. I’ve been open about it.

"Wala namang masama kung makipag-date ako.

"May god, yung iba nga, pinu-push na nila akong magkaroon ng relasyon, you know, to settle down na rin. Hindi na rin naman ako kabataan.”

Tila mailap sa kanya ang tawag ng isang tunay na pag-ibig?

“Parang hindi pa talaga ako masuwerteng magkaroon ng isang relasyon. Medyo naka-focus ako sa anak ko at yung future namin.

"Hindi naman all the time, may trabaho ka dito sa showbiz so tutok rin ako sa business rin.”

May hinahanap ka ba sa isang lalake?

“Oo naman, meron. Kung puwede ngang perfect, e. Pero wala naman raw ganon, ’di ba?

“Sabi nga ni Lord, kapag nag-pray ka, dapat detalyado. Naku, parang hindi ko na yata mahahanap yun.

“Pero sa totoo, I want someone who is responsible to take care of me and my daughter, to take care of our family in the future. Who’s really responsible. Who works hard. Yung mahal na mahal kami ng anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, kailangan naman yung may ma-appeal naman sa akin. Hindi ko alam, ha? May kanya-kanya tayong type, either yung pogi sa akin, hindi naman sa iyo.

“So sa akin, there’s magic. Ayaw ko yung pilit na just to have a relationship.

"Kahit hindi ko naman masyadong feel na paggising mo, magugulat ka na...ayaw ko naman ng gano’n.

“Of course, God-fearing. Siyempre, kung may takot siya sa Diyos, matatakot rin siya to do something really bad to the other person.”

How about kasal?

“Yun din ang tinatanong ko?” sabay halakhak niya. “I really pray for that.”

May mga nagsasabing mas magandang maging single kaysa married ka pero problemado naman.

Sumang-ayon dito si Vina, “Yun nga ang sabi nila, may mga friends ’ko who got married and got separated, and then mas gusto nilang gano’n kaysa nagsa-suffer yung kanilang mga anak.”

Patuloy pa ng mahusay na singer, “Oo naman, gusto ko pang magpakasal.

"Of course, gusto ko pang magkaanak. Pinagpi-pray ko naman na gusto ko pang mag-anak.

"Huwag namang maging single mother uli ako, ’di ba? Siyempre, lesson learned ’yan.

“Gusto ko pang makaabot na magkaroon ako ng isa o dalawang anak pa. So hopefully soon. Alam mo naman yung mga kababaihan, di ba?”

Ang tinutukoy niya ay ang biological clock. Tanong ulit ng writer na ito, "Ilang years pa ba?"

“Hindi natin alam, depende ’yan sa babae. Basta, gusto ko pang mag-anak at ang dream ko before I get...siyempre, kung mag-aanak uli ako, I wanna get settled down muna.

“Dati noong bata-bata pa ako, sinasabi ko, I wanna get settle down after five years.

"Ngayon, mahirap nang magsalita kasi hindi ko na alam. Hindi mo na alam kung ano ang mangyayari in five years.”

For the record, ayon kay Vina, si Cedric daw ang pinakahuling serious relationship niya at ito ay limang taon na ang nakakaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN