Alex Gonzaga reveals what she knows about love triangle inside PBB house and why Jane Oinesa is a "disliked" housemate

Two of the things Alex Gonzaga learned during her brief stay inside Pinoy Big Brother house: "Mag-a-adjust ka, maturity..."


Nasa proseso pa raw ng adjustment si Alex Gonzaga sa outside world mula nang lumabas ito sa Bahay ni Kuya bilang celebrity house guest sa Pinoy Big Brother All In ng ABS-CBN.

Pumasok si Alex sa PBB house noong Abril 27, at lumabas siya nitong Hunyo 14.

Binansagan siya rito bilang “Sassy Sister ng Rizal.”

Sa interview nina Kris Aquino at Boy Abunda sa Aquino & Abunda Tonight noong Hunyo 17, ang sabi ni Alex, “I’m in the process.

"Nagagamit ko na po yung #sepanx na hashtag. There’s a separation anxiety inside of me. Kasi nakikita ko sa Instagram, hindi ko alam ang ibig sabihin. Ngayon, ’eto pala yun.”

Kinailangan nang lumabas ni Alex sa PBB house dahil may naiwan siyang mga trabaho sa labas. Si Alex ang co-host ni Luis Manzano sa The Voice Kids at magbibida rin siya sa upcoming Kapamilya teleseryeng Pure Love.

DISCOVERIES. Sa tagal nang inilagi niya sa PBB house, ano ang nadiskubre niya tungkol sa kanyang sarili?

“Ang una kong na-discover sa sarili ko, I can make balsa. Yes, nakagawa po ako and nabuhat ko yung malaking balsa.”

Isa kasi sa mga naging task ni Alex ay tulungan ang ibang housemates na nasa floating islands sa swimming pool. Sa naturang episode ay gumawa ng balsa si Alex pero hindi ito gaanong effective. Kaya binuhat na lang niya yung ready-made at napakabigat na balsa papunta sa swimming pool.

Ano naman ang nadiskubre niya tungkol sa ibang tao?

“Parang kailangan mag-a-adjust ka talaga. Hindi mo puwedeng sabihin na, ’Ganito ako e so dapat tanggapin ako ng tao na ganito.’

"Mag-a-adjust ka, maturity. So kapag sinabi na ng more than one person na, ’Ay, ito ang napapansin namin sa iyo,’ siguro kailangan baguhin mo na din.”

Kung sa totoong buhay siya ang bunso sa kanilang dalawa ni si Toni Gonzaga, ano pa ang ginawa niyang adjustment sa Bahay ni Kuya, kung saan siya ang tumayong ate?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi po, mahilig ako sa mga unsolicited advice. Madaldal po ako so parang kahit hindi nila ako tinatanong nakikisama ako, nakikialam ako.”

TONI. Na-miss ba niya ang kanyang Ate?

“Super! Pero nung sinabi ng mga tao, ‘Uy, alam mo, sabi ng Ate mo, nung nawala ka raw, para raw namatay na siya.’

"Sabi ko, ‘Medyo OA [overacting] naman!’ Parang na-miss niya raw talaga ako.”

Totoo bang ang unang sinabi ng Ate niya noong lumabas siya sa PBB house ay “I’m proud of you”?

“Yes, and I said it naman, ’Likewise,’ meaning, I’m also proud of myself,” sabay-tawa ni Alex.

Laging sinasabi ni Toni na, “Sana huwag ma-in love ang kapatid ko.” Naging close si Alex sa isa sa mga lalaking housemate.

“Yes, kay Fifth [Pagotan] po. Pero friends talaga kami ni Fifth.”

Ang crush daw niya talaga ay ang kakambal ni Fifth na si Fourth.

“Pero may girlfriend po si Fourth. Crush lang naman. Wala naman ito.”

JANE. Nagbigay din ng pahayag si Alex tungkol sa celebrity housemate na si Jane Oineza, na sinasabing “disliked” ng iba pang housemates at siyang rason kung bakit may “love triangle” sa Bahay ni Kuya.

Ang dalawang teen housemates na sina Joshua Garcia at Loisa Andalio kasi ay parang nagkakagustuhan bago napalapit ang binatilyo kay Jane.

Aniya, “Kasi sina Loisa at Joshua super naging close sila kasi inasar-asar namin. ’Tapos nung naging super close sila, pinaglayo sila sa amin ni Kuya [Big Brother] kasi parang teens pa daw.”

Ang Batangueñong si Joshua ay 16 anyos habang 15 naman ang taga-Parañaque na si Loisa.

Pagpapatuloy ni Alex, “Nung lumayo si Joshua at saka si Loisa, naging close siya [Joshua] kay Jane.”

Ayon pa kay Alex, naging “very touchy” daw sina Joshua at Jane at meron pang nangyayaring “lapping,” na nahihiga sila sa lap ng isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang alam ko kasi, si Jane is wala naman po siya talagang… bestfriend ang tingin niya kay Joshua.

"Si Joshua ang sinasabi nina Ranty [Portento] sa akin na parang meron siyang feelings. Parang ngayon, sinasabi niya na bestfriends talaga po sila. So, confused din talaga yung mga nasa loob ng bahay.”

Bakit naman “disliked” si Jane ng ibang housemates?

“Kasi po, yun nga yung sinasabi ko, kasi si Jane, dahil since 17 years old pa lang siya, pero yung kanyang ginagawa is pang-matanda na yung breadwinner siya, responsibility niya ’tapos all her life, showbiz siya.

"So para pong yung mga teenagers na ka-age niya, parang...So parang, ’Bakit ganito umarte si Jane parang ate siya pero same lang tayo ng age?’

"’Tapos yung mga matatanda naman po, nagtataka sila na the way she talks, the way she thinks parang matanda na, pero bata siya.”

Pag nomination at eviction, totoo bang nag-i-internalize daw si Jane para umiyak siya at makakuha ng simpatiya mula sa mga manonood?

“Meron pong time na nung feeling niya siya yung mano-nominate po, may time na the whole time, novena siya talaga.

"Super nakaganun lang siya [nakatungo at nagdadasal]. Hindi naman po iyon internalize, super pray naman siya.”

BIG FOUR. Sa huli, tinanong si Alex kung sino para sa kanya ang Big Winner sa mga kasalukuyang housemates.

Pero sa halip ay pinangalanan niya ang kanyang Big Four...

“Big Winner? Ano… ang hirap naman. Siguro para po sa akin, may Big Four na lang po ako. Si Fourth, si Loisa, Maris [Racal], and oh, open pa yung isa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN