Melai Cantiveros not keen on having another baby anytime soon: "...kung kayang pigilan, pigilan muna ang init ng katawan.”

Sa darating na binyag ng anak nina Jason Francisco at Melai Cantiveros, iniisip nilang magkaroon ng 26 ninang at 15 ninong.


Magkasamang hinarap ng mag-asawang sina Melai Cantiveros at Jason Francisco sina Boy Abunda at Kris Aquino para sa live interview nila sa Aquino & Abunda Tonight kagabi, Hunyo 18.

Unang inilantad ng mag-asawa na malilipat na sa Hulyo at hindi na ngayong Hunyo ang binyag ng kanilang first baby na si Amelia Lucille o Baby Mela.

Sabi ni Melai, “’Di ba June, Ms. Kris. ’Tapos ngayon, July na lang kasi ’di ba nga may mga alis tayo Ms. Kris, trabaho. So, unahin na lang muna yun bago muna yung binyag.”

Mismong si Kris na ang nagdetalye ng trabaho na sinasabi ni Melai.

Ayon sa host, “Kasi makakasama ko si Melai sa Macau as part of the third anniversary celebration of Kris TV. So, ikaw ang aking travel buddy.”

Balik sa usaping binyag, may napili na raw sina Melai at Jason na simbahan. Nakapili na rin daw sila ng magiging ninong at ninang.

Ani Melai, “Kinumpleto na namin kagabi yung mga ninong at ninang.”

Ilan?

Dagdag ni Jason, “Ang ninang, nasa 26. Pero iniisip ko papauntiin pa, e. ’Tapos ang ninong, 15."

Ani Kris, parang hindi pantay ang bilang ng mga ninong sa ninang at dapat daw, ang bilang ay four-four. Bigla tuloy napaisip ang mag-asawa.

Kaya sabi ni Melai, “A sige salain na namin yun.”


FINANCES. Ngayong may Baby Mela na sila, mas ganado ba silang kumita nang mas malaki?

Sagot ng komedyana, “Yes, Tito Boy, talagang parang mature ka na about sa pera. Kaya nga kami sa Cavite na tumira para makaipon nang over-over. Kasi mura ang kuwan doon, e."

Pero paano ang gasolina pagpunta nila sa Manila?

Paliwanag ni Melai, “Kasi ngayon, hindi talaga over-over yung work namin so hindi kami masyadong nakaka-spend ng gasolina.

"Pero sa rent kasi, kinuwan namin kung sa rent o sa gasolina, mas mahal yung rent.”

Dagdag pa ni Jason, malaki raw ang nase-save nila mula renta kumpara noong nagre-rent pa sila sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mga sixteen thousand yung parang natipid,” ani Jason.

Ayon pa sa aktor, gagawin daw niya ang lahat para sa kanyang pamilya at upang manatili silang magkakasama. Hiwalay ang mga magulang ni Jason at ayaw niya raw mapabilang anak sa isang broken family.

AVID FANS. Hanggang ngayon ay nananatiling suportado ang dalawa ng kanilang masugid na mga tagahanga. Ano ba ang gusto o wish ng mga fans para sa kanila?

“Na gusto nila magkasama kami sa work. Gusto nila yung laging kilig-to-the-bones daw kami. Pero ngayon, gusto nila kasama namin si Baby Mela. Yun ang request nila,” ani Melai.

Tila ayaw din daw ng mga fans na magkaroon ng ibang ka-loveteam o ka-tandem si Jason sa mga proyekto nito.

Pero pagdating daw kay Melai ay okay lang itong mai-partner sa ibang lalaking artista.

Protective daw kasi ang mga fans at sinisiguradong hindi raw matutukso si Jason sa ibang babae.

Pakiusap naman ni Melai sa mga fans, “Sobrang kawawa nga siya [Jason]. Pero kailangan niya ng trabaho. Kaya Melason fans, okay lang yun. Mag-asawa naman kami.”

PROJECTS. Natutuwa nga si Melai na may proyekto na ulit siya.

“Gusto kong i-announce ang June 28, Maalaala Mo Kaya, directed by Eric Quizon. Ang mga artista diyan ay sina Shaina Magdayao at Ejay Falcon. Ako yung bestfriend ni Shaina,” sabi ni Melai.

Tanong naman ni Boy kay Jason, gusto ba nitong mapabilang sa isang sitcom o sa isang teleserye?

“Ako kasi parang mas gusto ko seryoso kasi sineseryoso ako ng mga tao talaga, e. At saka ang totoo kong personality, seryoso talaga ako. So sa totoo lang, nahihirapan akong magpatawa kasi hindi talaga ako marunong. Kagaya niyan, may kontrata pa naman kami sa ABS, parang mas gusto ko ,seryoso talaga,” pagtatapat ni Jason.


SEX LIFE. Dahil mag-asawa naman sila, natanong din sina Melai at Jason tungkol sa kanilang sex life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Kris na noong nagpunta siya sa lugar nina Melai sa General Santos para sa mag-taping ng isang episode ng Kris TV, sinabi ni Melai na ayaw muna niya.

Bago pa sumagot si Melai, hinawakan ni Jason ang kamay ng asawa at siya na ang umako sa pagsagot.

“Alam mo kung iisipin mo, mas may mahalaga naman kaysa sa kerengkeng [sex]. Kasi minsan, pag nag-kiss ka sa isang tao, nag-hug ka sa isang tao, parang nararamdaman mo nang husto [yung pagmamahal],” sabi ng Pinoy Big Brother alumnus.

Pero kontra ni Kris, bilang lalaki meron din daw needs si Jason, ’di ba?

Pagtatanggol ni Melai sa asawa, “Ms. Kris, I’m so proud kasi hindi siya masyadong needs [naghahanap].”

Dagdag pa ni Jason, “Minsan alam mo, nagagawan naman ng paraan. Alam mo pag minsan nalalayo e di gagawin na. Napakadaling kumalabit naman, e.”

Pero kung si Melai raw ang tatanungin, ayaw pa niyang sundan si Baby Mela.

“Pero kailangan huwag munang gumawa, Ms. Kris, dahil nakaka-trauma ang panganganak, alam mo naman iyan. Basta ngayon kung kayang pigilan, pigilan muna ang init ng katawan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN