PEP EXCLUSIVE (Part 1): Are Janna Dominguez and boyfriend Mickey Ablan deep in debt?

PEP EXCLUSIVE (Part 1): Are Janna Dominguez and boyfriend Mickey Ablan deep in debt?" data-url="https://www.pep.ph/news/43868/pep-exclusive-part-1-are-janna-dominguez-and-boyfriend-mickey-ablan-deep-in-debt" data-desc="Former model claims couple Janna Dominguez and Mickey Ablan allegedly borrowed money from her more than ten times." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/962526522.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 1): Are Janna Dominguez and boyfriend Mickey Ablan deep in debt?" data-url="https://www.pep.ph/news/43868/pep-exclusive-part-1-are-janna-dominguez-and-boyfriend-mickey-ablan-deep-in-debt" data-desc="Former model claims couple Janna Dominguez and Mickey Ablan allegedly borrowed money from her more than ten times." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/962526522.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 1): Are Janna Dominguez and boyfriend Mickey Ablan deep in debt?" data-url="https://www.pep.ph/news/43868/pep-exclusive-part-1-are-janna-dominguez-and-boyfriend-mickey-ablan-deep-in-debt" data-desc="Former model claims couple Janna Dominguez and Mickey Ablan allegedly borrowed money from her more than ten times." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/962526522.jpg">

PEP EXCLUSIVE (Part 1): Are Janna Dominguez and boyfriend Mickey Ablan deep in debt?" data-url="https://www.pep.ph/news/43868/pep-exclusive-part-1-are-janna-dominguez-and-boyfriend-mickey-ablan-deep-in-debt" data-desc="Former model claims couple Janna Dominguez and Mickey Ablan allegedly borrowed money from her more than ten times." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/962526522.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 1): Are Janna Dominguez and boyfriend Mickey Ablan deep in debt?" data-url="https://www.pep.ph/news/43868/pep-exclusive-part-1-are-janna-dominguez-and-boyfriend-mickey-ablan-deep-in-debt" data-desc="Former model claims couple Janna Dominguez and Mickey Ablan allegedly borrowed money from her more than ten times." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/962526522.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 1): Are Janna Dominguez and boyfriend Mickey Ablan deep in debt?" data-url="https://www.pep.ph/news/43868/pep-exclusive-part-1-are-janna-dominguez-and-boyfriend-mickey-ablan-deep-in-debt" data-desc="Former model claims couple Janna Dominguez and Mickey Ablan allegedly borrowed money from her more than ten times." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/962526522.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 1): Are Janna Dominguez and boyfriend Mickey Ablan deep in debt?" data-url="https://www.pep.ph/news/43868/pep-exclusive-part-1-are-janna-dominguez-and-boyfriend-mickey-ablan-deep-in-debt" data-desc="Former model claims couple Janna Dominguez and Mickey Ablan allegedly borrowed money from her more than ten times." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/962526522.jpg">

Janna Dominguez and Mickey Ablan allegedly have serious money problems and unpaid debts. But the sexy comedienne tells PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “As far as I know, wala po ako utang sa any of my friends lalo na si Mickey.”


Nagpa-interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isang babaeng itatago natin sa pangalang “K” para maiparating sa sexy comedienne na si Janna Dominguez at sa boyfriend nitong si Mickey Ablan na sana ay bayaran na ang kanilang utang sa kanya na umabot na sa halagang P700,000.



Ayon pa kay K, wala na raw siyang ibang paraan para makuha ang atensiyon nina Janna at Mickey dahil matagal na raw niyang sinisingil ang mga ito.



Dinaan na raw niya ito sa maayos na pakikiusap pero ang ginawa raw ng dalawa ay pinagtaguan siya.



Ayon dito, “I was very patient with them. Kaibigan ko kasi si Janna pero it’s been six months na at masyadong matagal na ang pinaghintay ko para makipag-usap sila sa akin.



"Naaawa ako sa situation nila noong una dahil parati silang kinakapos sa pera.



"Madali akong maawa at kahit nga madaling-araw na tumawag si Janna sa akin para mangutang, napagbibigyan ko siya.



"Pero kung ganitong pinagtataguan na nila ako at nagpapalit-palit pa sila ng contact numbers nila, lokohan na ito.



"Ayoko sanang umabot pa sa ganito pero wala akong choice. Sila ang nag-push sa akin na gawin ito.”

Naganap ang panayam na ito ng PEP noong Martes, June 17, sa bahay ni K sa Parañaque City.



CLOSE FRIENDS. Kuwento ni K, 14 years old pa lang siya ay magkaibigan na sila ni Janna. Nagkasama sila sa ilang modelling jobs noon hanggang kinailangan niyang tumigil para tapusin ang pag-aaral.



Ayon sa kanya, “Ten years kaming hindi nagkaroon ng communication ni Janna.



“We were best friends talaga pero sinabi nga ng dad ko na itigil ko na raw ‘yang modelling para makatapos ako ng pag-aaral ko.



"After na mag-stop ako sa modelling para mag-concentrate ako sa studies ko, si Janna naman, nagpatuloy siya.

"Hindi na kami nagkita since then kasi iba na ang mga ginagawa namin.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkita na lang kami ulit dahil sa sister nga ng boyfriend niyang si Mickey na si Nicole.



"May mga common friends kami ni Nicole at nalaman nga niya na kaibigan ko pala si Janna.



"Si Nicole ang nagbigay ng number ko kay Janna. Then one day, tinawagan niya ako at kumustahan.



"’Tapos yun na, halos araw-araw nagkakasama na kami."



Ayon pa kay K, simula noon ay naging magkaibigan silang muli, "Nakarating na siya sa house namin sa Laguna.

"Dala-dala niya ang anak nila ni Mickey. Kunsaan-saan kami namamasyal parati.



"’Tapos tuwing may taping siya ng Pepito Manaloto, nandoon ako parati.

"Kaya nga kilala na ako nina Direk Bert de Leon, si Ate Mane [Manilyn Reynes], Ate Mosang, at pati na yung production staff, kilala na nila ako dahil nga kay Janna.”



MONEY ISSUES. Una nga raw na inutang ni Janna sa kanya ay nagkakahalaga ng P50,000. Ang kuwento ni K ay pinatago lang daw niya ito kay Janna pero unti-unti umano itong ginasta ng mag-asawa.



"Nasa Laguna ako that time at hindi ako makapunta ng Quezon City so yung kausap ko na may dala noong pera, sinabihan ko na dalhin na lang niya sa best friend ko at sa SM Fairview sila magkita.

"Yung tauhan na lang ni Janna ang nakipag-meet nga doon sa may dala ng pera.



"Tinawag naman sa akin ni Janna na natanggap niya yung pera. So okay na ‘yon at dadaanan ko na lang sa kanya.

“Bigla siyang tumawag na kung puwedeng utangin daw niya muna yung kalahati ng P50,000 dahil mapuputulan na raw sila ng kuryente.

“Umabot nga raw ng P26,000 yung bill nila sa Meralco. Pumayag naman ako kasi kawawa naman yung anak nila ni Mickey kung maiinitan.

“’Tapos nagkaroon ng contest sa school yung panganay na anak ni Mickey e, natalo yata.

"Tumawag sa akin si Janna at tinanong kung puwede raw ba niyang galawin yung perang nasa kanya kasi gusto raw niyang bilhan ng toy yung bata kasi nalulungkot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bibilhan na rin daw niya ang anak nila ni Mickey para raw fair.

“Wala naman akong magawa dahil nasa kanya yung pera.

"Nalaman ko na tig-P5,000 ang ginastos nila para sa isang bata.

"So, P10,000 na yung nabawas dahil bumili lang sila ng toy.

“’Tapos may umakyat ng Baguio na kamag-anak yata ni Janna.

"Tinanong ako kung magpapabili ako ng pasalubong, doon na lang daw sa pera na hawak niya kukunin.

“So okay lang. Sabi ko kumuha na ng P3,000 mula sa pera dahil pasalubong naman iyon.

“Ang kaso nga lang, walang nakarating sa akin ni isa man lang pasalubong mula sa Baguio.

“Dapat ay may natira pa na ibabalik ni Janna sa akin. Wala nang nakarating sa akin.

“’Tapos nalaman ko na yung binayaran niyang kuryente na worth P26,000, yung Meralco bill, nakapangalan sa mommy ni Mickey.

"Nasa akin yung bill at name ng mommy ni Mickey ang nakalagay doon.”

MICKEY, TOO? Si Mickey naman daw ay umutang rin kay K sa halagang P66,000. May kailangan daw kasi na bayaran si Mickey sa sinangla nitong relo sa isang financier ng casino.

Ayon kay K, dito na raw nagkasunud-sunod ang umano’y pangungutang sa kanya.

“Tinawagan niya ako ng madaling-araw. Sinabi ni Mickey na kailangan daw niyang makuha yung relo mula sa financier at pinapa-deposit niya sa akin kinabukasan.

"So nagpa-deposit ako ng pera sa bank account niya sa BDO na Michael Angelo Ablan Jr.

“’Tapos the next day, tumawag na naman siya sa akin at umuutang ng P150,000.

“Sabi ni Mickey ay bubugbugin na raw siya ng financier ng casino kung hindi siya makakabayad.

"Pinapa-deposit niya sa akin ulit yun kinabukasan.

“Ang mister ko na ang nag-deposit sa BDO account niya ulit.

“The next day, hinihiritan na naman ako ng utang. Mga P200,000 naman ang gusto niyang utangin.

“Nag-stop na ako doon kasi feeling ko, hindi alam ni Janna itong mga utang ni Mickey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinabihan ako ng mister ko na ang panget tingnan na nakikipag-usap ako kay Mickey na hindi alam ni Janna.

“So sinabi ko na kay Janna na ganito na ang utang ni Mickey sa akin. Hindi ko alam kung paano niya ako mababayaran.

“Pinagsisisihan ko nga na sinabi ko pa ‘yon kasi nga parang nabigyan ko pa ng idea si Janna na kaya niyang makautang sa akin anytime.”

ALLEGEDLY DEEP IN DEBT. Hindi raw natapos doon ang pangungutang ng mag-asawa kay K.

Nangutang daw ulit sa kanya ng halagang P350,000 dahil hinahabol na raw ito ng mga pinagkakautangan niya.

“Naawa ako kay Janna kasi alam ko na siya yung nagwu-work sa family nila.

"Ang dami raw niyang utang at hinahabol na raw siya ng mga ito.

“Uutang daw siya ng P350,000 para mabayaran niya lahat ng utang niya.

“Babayaran daw niya ako kapag naibenta na niya yung bahay niya sa may Cainta, Rizal. Pinapabenta niya iyon ng P40 million.

“Kapag nabenta raw iyon, ibabawas niya ang utang niya at pati na utang ni Mickey.

“Ako naman, dahil naaawa ako, pinagbigyan ko. Nagpadala kami agad ng pera sa bank account ni Janna.

“Tutulungan naman namin siyang mabenta yung bahay niya kaso masyadong mataas yung asking price niya ‘tapos malayo pa.

“’Tapos nalaman ko na maraming problema yung bahay. Malaki raw ang utang nito sa Meralco.

"Umabot na yata ng P100,000 yung bill sa Meralco kaya putol daw ang kuryente sa house.

“Kung bibilhin namin ng mister ko ‘yon, ang laking problema for us, ‘di ba?

"Kaya sinabi ko na lang kay Janna na tulungan ko na lang siya na makahanap ng buyer.”

Pati nga raw baterya ng sasakyan ni Janna ay si K din ang gumastos. Naglabas siya ng halagang P10,000.

“Pumunta si Janna sa bahay at wala raw siyang pambili ng baterya ng sasakyan niyang nasiraan. So binigyan ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa nagtapos doon kasi hiningan pa niya ako ulit ng P10,000 dahil wala raw siyang pamasahe papuntang Pampanga.”

Ang huling inutang nga raw ni Janna ay nagkakahalaga ng P60,000.

“Madaling-araw siyang tumawag at gustong umutang sa akin ng P200,000 at gusto niyang kinabukasan ay i-deposit ko na.

“Sabi ko, marami na siyang masyadong nautang sa akin at hindi ko na siya mapagbibigyan sa gusto niyang halaga.

“Ang napautang ko lang sa kanya ay P60,000.”

READ PEP EXCLUSIVE (PART 2). Janna Dominguez denies 700K-debt allegation: “As far as I know, wala po ako utang sa any of my friends lalo na si Mickey.”

PEP EXCLUSIVE (Part 1): Are Janna Dominguez and boyfriend Mickey Ablan deep in debt?" data-url="https://www.pep.ph/news/43868/pep-exclusive-part-1-are-janna-dominguez-and-boyfriend-mickey-ablan-deep-in-debt" data-desc="Former model claims couple Janna Dominguez and Mickey Ablan allegedly borrowed money from her more than ten times." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/962526522.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 1): Are Janna Dominguez and boyfriend Mickey Ablan deep in debt?" data-url="https://www.pep.ph/news/43868/pep-exclusive-part-1-are-janna-dominguez-and-boyfriend-mickey-ablan-deep-in-debt" data-desc="Former model claims couple Janna Dominguez and Mickey Ablan allegedly borrowed money from her more than ten times." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/962526522.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 1): Are Janna Dominguez and boyfriend Mickey Ablan deep in debt?" data-url="https://www.pep.ph/news/43868/pep-exclusive-part-1-are-janna-dominguez-and-boyfriend-mickey-ablan-deep-in-debt" data-desc="Former model claims couple Janna Dominguez and Mickey Ablan allegedly borrowed money from her more than ten times." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/962526522.jpg">


PEP EXCLUSIVE (Part 1): Are Janna Dominguez and boyfriend Mickey Ablan deep in debt?" data-url="https://www.pep.ph/news/43868/pep-exclusive-part-1-are-janna-dominguez-and-boyfriend-mickey-ablan-deep-in-debt" data-desc="Former model claims couple Janna Dominguez and Mickey Ablan allegedly borrowed money from her more than ten times." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/962526522.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 1): Are Janna Dominguez and boyfriend Mickey Ablan deep in debt?" data-url="https://www.pep.ph/news/43868/pep-exclusive-part-1-are-janna-dominguez-and-boyfriend-mickey-ablan-deep-in-debt" data-desc="Former model claims couple Janna Dominguez and Mickey Ablan allegedly borrowed money from her more than ten times." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/962526522.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 1): Are Janna Dominguez and boyfriend Mickey Ablan deep in debt?" data-url="https://www.pep.ph/news/43868/pep-exclusive-part-1-are-janna-dominguez-and-boyfriend-mickey-ablan-deep-in-debt" data-desc="Former model claims couple Janna Dominguez and Mickey Ablan allegedly borrowed money from her more than ten times." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/962526522.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 1): Are Janna Dominguez and boyfriend Mickey Ablan deep in debt?" data-url="https://www.pep.ph/news/43868/pep-exclusive-part-1-are-janna-dominguez-and-boyfriend-mickey-ablan-deep-in-debt" data-desc="Former model claims couple Janna Dominguez and Mickey Ablan allegedly borrowed money from her more than ten times." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/962526522.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN