Cheska Garcia careful not to overexpose Team Kramer kids

Cheska Garcia says there are activities that Team Kramer keeps private to counter talks of overexposing her children to public scrutiny this early: "They don’t see us every day on TV... There are things naman we enjoy as a family na for us lang din naman."


Itinanggi ni Cheska Garcia na nawawalan na ng pribadong buhay ang kanyang tatlong anak dahil sa patuloy na pag-post niya at ng asawang si Doug Kramer sa social media ng araw-araw nilang gawain.

Bukod rito ay sunud-sunod din ang events na kanilang dinadaluhan kasama ang tatlo nilang anak na sina Kendra, 4, Scarlett, 2, at Gavin, 1.

Kilala ang buong mag-anak sa social media bilang Team Kramer na umaani ngayon ng sobrang kasikatan dahil sa posts nila na kinagigiliwan ng libu-libong Netizens.

Pahayag ni Cheska sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa nasabing isyu, "No, I don’t think naman na we’re overexposed.

"Actually sa events lang and, yeah, we have our commercials and everything but other than that, they don’t see us every day on TV.

"They are still kids, if they want to sleep, then go sleep.

"If they want to go down the stage, we let them.

"There are things naman we enjoy as a family na for us lang din naman."

Nakapanayam ng PEP at ilang miyembro ng media ang Team Kramer sa launching ng Robinsons Supermarket’s Wellness Festival noong June 19, sa Robinsons Magnolia, Quezon City.

SAVINGS. Maging sa intriga tungkol sa kung saan napupunta ang kinikita ng mga bata ay sinagot din ng maybahay ng sikat na basketbolista.

Ayon sa actress-TV host, "Yeah, of course, they have their savings.

"We also have our business.

"Whatever we have, it’s for their future naman.

"We make it a point na may natatabi for them."

HAVING FUN. Hindi raw naniniwala ang mag-asawang Doug at Cheska sa reward system para ganahang mag-cooperate ang mga bata kapag nasa events sila tulad nitong Wellness Festival.

Sabi ni Cheska, "We try not to."

Sabay hirit ni Doug sa panayam, "We don’t want them dependent on prizes.

"We don’t want them to feel na it’s always work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That’s why we always want to make it fun.

"We don’t want to always give them a prize for what they do.

"Kasi it instills in their minds, ’We won’t do this until you give us a prize.’

"We do it as a family and fun experience.

"Occassionally, we give them something just to have an extra smile."

Dagdag din ni Cheska, "Yeah, things like this, it’s all our bonding time, magkakasama kami.

"Sa loob ng kotse, nakakapag-kuwentuhan kami, so para kaming namamasyal lang."

BEING FAMOUS. Paano naman nila ipinapaliwanag sa mga anak ang biglaang kasikatan nila bilang pamilya?

Aniya, "We just tell them na a lot of people like them.

"We tell them to be nice and say hello to them because they went out of their way to see them, ganun lang.

"Simple lang kasi, alam mo naman ang mga batang ’yan, it doesn’t matter to them yet.

"Kasi ’di naman nila alam pa o naiintindihan kung ano talaga ang nangyayari."

Kung sakaling ang panganay na anak nlang si Kendra lang ang kunin for events o kahit anumang imbistasyon, willing ba silang payagan ito?

Matigas na tanggi ng ama ng bata, "No,we don’t allow that, she’s still too young for that.

"But you will be surprised, Kendra seems to be the fan favorite when we go out.

"But you know, in our Facebook, the most likes that it gets, it’s Scarlett, far grabe.

"If Kendra gets 60,000 likes, Scarlett would get 130,000 likes.

"Sila ni Gavin, gumaganun-ganun sila.

"So you will see that everyone in the family has their own following.

"It’s very overwhelming."

FAVORITISM. Nagpi-play favorites ba sila sa kanilang mga anak?

Mariing sagot ni Cheska, "No, no. Bawal ’yan.

"Sa household, bawal ang magsabi na favorite si ganito o si ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit yung, ’Mama loves you more,’ that’s not allowed in our house."

Dugtong naman ni Doug, "In their own ways, they’re special.

"I tell Kendra na she’s so special ’cause she’s our first baby.

"Scarlett is so special ’cause she’s our bunso girl.

"Gavin is so special ’cause he’s our only boy and our bunso.

"We make it that way na someone is not lamang sa isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN