Alessandra de Rossi says she’s too busy for serious relationship; avoids questions about Sid Lucero

Alessandra de Rossi wants to have a baby possibly in three years but not outside marriage: "Dapat may asawa ako. Kapag wala, hindi talaga siya mangyayari.”


Mailap si Alessandra de Rossi sa pagsagot tungkol sa kanyang lovelife.

“Busy ako, may dalawa akong show,” biro niya nung tanungin siya tungkol kay Sid Lucero.

Magkasama kasing dumating si Alex (nickname ni Alessandra) at Sid sa 37th Urian Awards na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN last Tuesday, June 17.

“Tapusin na rin ‘yang usapan na ‘yan, hayaan mo na lang siya," natatawang saad pa niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Patuloy pa niyang pagbibiro, "Basta Everyday Happy, morning show ‘to.

"Well, Wednesday and Thursday lang naman ang live, ’tapos taping na kami.

"And then my other show, Ang Dalawang Mrs. Real.”

CAREER. Dahil ayaw magbigay ng comment ni Alex tungkol kay Sid, napunta sa career niya ang usapan.

“Yes, exclusive ako sa GMA now.

"I mean, nakaka-limit siya sa aming mga artista but at the same time may guarantee naman na trabaho kami.

"Kasi minsan ‘di ba ang tagal na wala kang work,” aniya.


Malaking tulong daw ang dalawang programa ni Alex sa pagbabayad ng hinuhulugang bahay at lupa.

“Two years pa bago matapos ang pagbayad pero ano, maluwag naman [ang amortizarion],” ngiti niya.

Totoo ba na nahirapan siya noong magbayad sa kanyang bahay kaya cup noodles lang daw ang kinakain niya?

“No, hindi ako hirap,” tanggi niya.

“Never akong nahirapan. Ang naging problema lang kasi, naging choosy ako sa roles kaya nahirapan.

"Pero hindi dahil walang project o dahil kulang ang sinusuweldo, hindi siya ganoon, e.

"Ako yung nagkaroon ng personal crisis, marami akong hindi gustong gawin dahil dumating ako sa awkward age.”

Ano ibig niyang sabihin sa "awkward age"?

Tugon ni Alex, “Yung masyadong maraming kissing scenes.

“Kasi ‘di ba nagsimula akong mag-artista, madadali lang naman ang roles ko.

"Kaya lang, siyempre nung nag-start na, may mga ayan na, nagse-seduce ka na, ganyan. Ayaw ko talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So yun ang nangyari pero ngayon, okey na ako."

Kaya lang, kesa raw sa mga characters niya na nangse-seduce, "Puwede na rin naman akong mag-mother role e ayaw lang nila.

"It’s just a role,” eksplika niya.

50-MILLION-PESO HOUSE? Napakalaki nga ba ng bahay niya?

“Hindi totoo ‘yan,” mabilis na tanggi niya.

"Yun kasi ang available nung time na bumibili ako. Blessing siya talaga.

"Sobrang ano, ten years to pay, ten percent lang yung down e bakit naman hindi mo kukunin, ‘di ba?

“At saka dapat susunod ang family ko [parents and siblings niya na titira sa bahay niya].

“Kaya lang yung kapatid ko na sumunod sa akin, nagka-boyfriend, so ayun.”

Sino ngayon ang kasama niya sa bahay?

“Isang family...yaya ko, driver ko, yung mga anak nila. Ako yung guest,” sabi niya sabay tawa.

More or less nasa 50 milyon pesos ang halaga ng bahay niya?

“Naku, hindi,” sagot niya.

“Too much info, baka maholdap ako, charot!”

MOVIE PROJECTS. May ginagawa ba siyang pelikula ngayon?

“Wala muna kasi sa ngayon, hindi ko rin keri, mabuti na rin na wala muna.

"Pero by July, meron akong gagawin for Metro Manila Filmfest.

"Parang ayaw muna nila sabihin kung anong movie.”

Ito ba yung with Cesar Montano na Kid Kulafu?

“So far, yun. Pero paiba-iba kasi ng title kaya sa ngayon, ayaw ko munang magsabi ng title baka magkamali ako.

“Sana mapili yung movie namin kasi ang huli kong movie sa MMFF, nung 2003 pa ’ata.

“Ay, hindi, serious movie pala yung 2003.

"The rest kasi, puro comedy yung mga ginawa kong movies or ganyan.

"Nakaka-miss din gumawa ng mainstream movie.”

ASSUNTA. Kumusta ang kapatid niyang si Assunta de Rossi?

“Mabuti naman, maayos siya. Gumagawa rin ng indie movie, Beauty In A Bottle ’ata ang title.”

Sila pa rin ng mister niyang si Jules Ledesma?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman.”

Bakit wala pa rin silang anak?

“Uh, hindi ko alam kung ano’ng meron sa kanilang dalawa.”

Hindi na kaya magkakaanak si Assunta kay Jules?

“I don’t think meron silang problemang dalawa.

"Siguro talagang…o baka hinuhubog pa siya ni God para maging mabuting ina.

"Kasi bata pa yun, 31 lang siya pero para lang siyang two, charot!”

Ikaw, Alex, kailan mo gustong magkaanak?

Pahayag niya, “Ah, siguro in three years kung sakali pero siyempre, dapat may asawa ako.

"Kapag wala, hindi talaga siya mangyayari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN