Bong Revilla gets migraine after first few hours of stay in Camp Crame

Kusang sumuko si Senator Bong Revilla sa Sandiganbayan kaninang umaga, June 20. Pero hindi raw ito nangangahulugang totoo ang mga ibinibintang sa kanya.


All smiles si Senator Bong Revilla habang ipinapakita sa telebisyon ang pagkuha ng mug shot niya sa loob ng Camp Crame, kung saan siya dinala matapos sumuko sa Sandiganbayan kaninang umaga, June 20.

Sa panayam ni Bong kagabi sa DZMM, sinabi niyang as soon as lumabas ang warrant of arrest ay didiretso siya sa Sandiganbayan. Huwag lang daw siyang kakaladkarin.

Aniya pa, “Nakahanda po tayong harapin ang lahat ng ito. At patutunayan kong wala akong sala rito.”

Sinasabing malakas daw ang ebidensiya ng DOJ o Department of Justice laban sa senador na nakakuha diumano ng P242 million mula pork-barrel scam ni Janet Napoles.

Pero, kusa man siyang sumuko, itinanggi pa rin ng action star na guilty siya sa kasong plunder at graft na ibinibintang sa kanya.

Sa GMA News at sa panayam dito ni Susan Enriquez, sinabi ni Senator Bong na, “Bakit pa ’ko magnanakaw dito sa larangan ng public service? Para nakawan ko ang taong bayan, napakasakit naman no’n.

“Pangulong NoyNoy, kung maglilinis ka, linisin mo ang paligid mo. Hindi yung kalaban.”

Ayon naman sa Malacañang, hindi raw nila ginigipit si Senator Bong at iba pang kinasuhan sa pork-barrel scam dahil dumadaan daw ang lahat sa tamang proseso.

Balik sa senador, kahit nasa loob daw ito ng kulungan, itutuloy pa rin daw niya ang tungkulin sa bayan pagkatapos ng 90-day suspension na ipinataw sa kanya kasabay ng warrant of arrest ngayong araw na ito.


BEFORE THE RELEASE OF ARREST. Kagabi, July 19, dinalaw ni Bong ang kanyang ama, ang dating Senador Ramon Revilla Sr

Naging emosyunal daw ang pagpapaalam nila at pagpapalitan ng “I Love You” sa isa’t-isa.

Suot ng actor-politician ang isang shirt na may malaking print ng bersikulo sa Biblia, Psalm 118: 6: "The Lord is on my side; I will not fear. What man can do unto me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaninang umaga naman, bago pa man lumabas ang warrant of arrest, plinano na ni Senator Bong ang pag-alis sa kanilang tahanan.

Bukod sa kanyang misis na si Congresswoman Lani Mercado, sumamang naghatid ang mga anak na sina Vice Governor Jolo Revilla, Bryan, Loudette, Gianna, at ang apong si Gab.

Gayundin ang mga kapatid ni Bong na sina Andrea Ynares at Rowena Bautista na naging emosyunal din sa situwasyon ng kapatid ngayon.

May Pastor na nag-pray over para sa senador at sa kanyang pamilya.

Bago umalis ng bahay, kinausap muna ni Senator Bong at nag-iwan ng mensahe sa kanyang mga taga-suporta na matiyagang naghintay at nagbantay sa labas ng kanilang bahay.

THE ACTUAL SURRENDER. Dumaan din muna ito sa simbahan bago nagtungo sa Sandiganbayan, kunsaan doon na naganap ang booking at note-taking sa kanyang kusang pagsuko.

Naghain din siya ng provision for bail. Pero non-bailable ang kasong plunder sa mga mambabatas. Maaari lang daw itong payagan ng korte kung mahina ang kaso laban dito.

Bukod dito, naghain din ng motion kung maaaring makapili siya ng detention cell at hiniling niyang sa PNP Custodial Care sa Camp Crame na lamang makulong.

Pero nakadepende pa rin daw sa Commitment Order ng korte kung saan makukulong ang senador.

Sa Camp Crame naman, kinuhanan siya ng fingerprints at mug shot, pagkatapos sumailalim sa physical at medical exam.

Kusa ring sumuko ang miyembro ng staff ni Bong na si Atty. Richard Cambe, na inakusahan din ng graft at plunder.

Ayon sa first division cleck of court, ang arraignment ni Senator Bong at iba pang akusado sa plunder at graft ay naka-schedule sa June 26, alas otso ng umaga.

Samantala, ayon sa mga ulat na lumalabas, nagkaroon daw agad ng “migraine” si Bong sa loob ng PNP Custodical Center sa Camp Crame dahil sa init ng temperatura doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon sa PNP spokesman na si Chief Superintendent Reuben Theodore Sindac, ang resulta ng unang pagsusuri sa kalusugan ng senador ay "normal except for slightly high blood pressure" na 140/90.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN