Lani Mercado: "This is the saddest day of our lives."

Sa pinagdadaanan ngayon ng pamilya ni Senator Bong Revilla, nakikita ng misis niyang si Lani Mercado (main) kung gaano katatag ang panganay na anak na si Bryan (inset). “He is standing up as a father and a big brother to our house," ang sabi ng congresswoman.


Nang pumutok ang balita kahapon, June 19, na ilalabas na raw ang warrant of arrest kay Senator Ramon "Bong" Revilla Jr., agad na sumugod ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa tahanan nila sa Bacoor, Cavite, kung saan naabutan namin si Congresswoman Lani Mercado at ang mga anak na sina Bryan at Jolo Revilla.

Mahinahong bumati sa amin sina Bryan at Jolo, sabay sabing kakayanin nila itong pinagdadaanan ng pamilya.

Wala roon ang senador.

Bago kami dumating, napag-alaman na raw ni Bong na wala pang warrant of arrest dahil kulang pa ng isang pirma.

Hinarap din daw nito ang nagdatingang supporters at saka nagpa-interbyu sa media.

Pahayag ni Lani, “Ilang araw na kaming ganito na parang tinu-torture kami."

Pero kailangan daw nilang magpakatatag para sa kanyang asawa.

Tumuloy si Bong sa kanyang ama, ang dating senador at aktor na si Ramon Revilla Sr., sa isang bahay nila sa Cavite para pormal na magpaalam.

Naging madamdamin daw ang paghaharap ng mag-ama.



SADDEST DAY. Kaninang tanghali, July 20, ay nakausap uli namin si Lani sa Sandiganbayan, pagkatapos ng voluntary submission na ginawa ng senador niyang mister.

Pahayag ni Lani, “This is the saddest day of our lives.

“We will be using a stronghold, but we chose to believe na siya ay buhay at pansamantala lamang ito."

Hindi sila humiwalay kay Bong, at sabi nga ni Lani, “As long as the authorities will allow us to stay with him, we will be with him."

Patuloy raw sila sa pagdarasal at paulit-ulit na nagpapasalamat sa lahat ng mga supporters na hindi humiwalay sa kanila.

“Maraming salamat sa patuloy na panalangin ninyo at suporta, at paniniwala sa aking asawa, in spite of these false accusations.

"Maraming-maraming salamat po," ang mensaheng ipinarating ni Lani.



SON BRYAN. Nagulat naman si Lani sa katatagan ng panganay nilang anak na si Bryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bryan, my eldest, is showing us so much strength,” pakli ng kongresista ng Bacoor, Cavite.

“Napapabilib ako kay Bryan kasi advanced ang growth pagdating sa paniniwala at pananampalataya sa Panginoon.

“He is standing up as a father and a big brother to our house.

"Ganun ang nangyayari ngayon, and Jolo is also strong.”

Pahayag naman ni Bryan, 27, “What else can we do but to stay strong.

“We expected this day would come.

"Yun nga, e, we just have to fight this."

Alam daw ni Bryan na siya na muna ang pansamantalang tatayong haligi ng tahanan, at malaking responsibilidad daw itong haharapin nila.

“It’s a big shoes to fill, and I’m blessed that I have other siblings, strong siblings that would help me do this task.

“Mahirap din kasi padre de pamilya ang mawawala sa amin, e.

“We will prepare for this, we expected that this day will come, kakayanin naman namin ito.”

Nagugulat din daw siya sa iba pa niyang kapatid dahil nagpapakita rin sila ng katatagan kahit alam niyang masakit tanggapin ang mga nangyayari.

Saad ni Bryan, “Surprisingly, the young ones are staying strong, they’re pretty much okay.

“Pero alam naman namin na medyo may kurot ‘yan sa loob. Masakit sa loob ‘yan, e.

“Kung mangyari ‘yan sa inyo, kung makita niyo na ang ama niyo ikukulong, siyempre napakasakit nun."

Sa ngayon ay hindi pa rin daw nila alam kung paano nila ito sasabihin lahat sa kanilang lolo.

Sabi ni Bryan, “Parang hindi namin alam kung ano ang sasabihin namin sa lolo ko.

“All we can actually do is keep the faith, dasal, pananampalataya at stay strong. Those are the basic things that we actually need to do.

“What else can we do but fight this legally.”

Muli, nagpasalamat siya sa lahat ng sumama sa kanilang pamilya, lalo na sa mga supporters na nakitaan din daw nila ng matinding kalungkutan dahil sa sinapit ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa rin kay Bryan, “Ibang klase din po, e. Akala ko wala nang nagmamahal.

"Pero it shows na marami pa ring nagmamahal at naniniwala kay Bong Revilla at sa aming pamilya."

Sabi pa niya, “In all these trials that we share, there’s always goodness that comes with this, e.

“The goodness that came out is that we became closer to God, and we became stronger as family which was the true blessings of these trials.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN