Mikael Daez admits he cannot handle long-distance relationship: "Hindi ko talaga kaya na walang physical interaction, ang hirap kasi."

In the sitcom Sa Ismol Family, Michael Daez plays a friend to a couple separated by distance, a circumstance he cannot imagine for himself: “Kasi pagdating sa love, lahat na nagugulo. Ang hirap ng long-distance, e.”


Bukod sa pagiging artista ay in demand din bilang host si Mikael Daez. Kaya tinanong namin siya kung saan siya mas fulfilled, sa acting o hosting?

“Both,” bulalas ni Mikael. “Iba-iba yung feeling, halos iba yung goal.

"Sa acting, kailangan yung character, kailangan maganap yung character ng maayos, iyon yung pinaka-challenge dun para sa akin.

“Sa hosting, ang challenge na nakikita ko, for any hosting job, is kailangang maitawid ko yung nangyayari dun sa tao.

"Kasi hindi ako yung star pag ako yung host, siyempre ako yung nakakakita pero kunwari sa isla, yung isla yung bida, so kailangan yung maitawid ko sa tao Iyon yung challenge.

"So kung sa actor, very personal siya; dun sa pag host ako, iba yung binibida ko.

“Kailangan iyon yung maitawid ko nang maayos. So magkaiba yung challenges."

FULFILLING. Marami raw gustong gawin si Mikael at natutuwa siya sa nararanasang challenge sa kanyang career.

Ayon sa kanya, “Kasi parang ang dami kong nae-explore, very fulfilling iyon para sa akin.

"Yung iba, gusto nila isa lang kasi, wala iyon yung type nila.

"Ako, fulfilling para sa akin yung iba-iba yung ginagawa.”

Sa acting, ano ang mas gusto niya, drama o comedy?

“Well, ako naman, nae-enjoy ko kasi yung dalawa, e.

"I guess hindi naman sa pagpapaiyak o pagpapatawa ng tao kasi ginagawa ko lang naman ang proyekto with one hundred percent effort, kahit drama o maging comedy siya.

“So para sa akin, I just feel fortunate na nagagawa ko yung dalawa.

"Kasi dati hindi ko nga alam na puwede pala akong mag-drama, hindi ko nga alam na puwede akong mag-comedy.

"So ngayon, magagawa ko pala yung dalawa, nagiging thankful na lang ako na may opportunity akong ganito.”

LONG-DISTANCE ROMANCE. Kasama si Mikael sa cast ng Sa Ismol Family, ang bagong sitcom ng GMA kung saan lumalabas na isang welder sa Dubai si Carla Abellana bilang si Majay, at asawa niya si Ryan Agoncillo bilang house husband na si Jingo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tunay na buhay ay hindi raw niya kayang malayo nang matagal sa kanyang minamahal.

Saad ni Mikael, “I think depende sa mga tao. Ang dami ko ng...I’m sure kayo rin, marami kayong kilalang may long-distance relationship.

"Yung iba for some reason parang, ‘Wow, kaya niyo?’ Ang galing! ’Di ba, nagagalingan kayo?

"For others, parang hirap na hirap sila, struggling talaga sila.

“Ako personally, hindi ko kayang mag-long-distance. It’s not my thing.

“Long distance yung thinking ko dun sa tipong two years hindi kayo magkikita, masyadong matagal yun for me.


“When I had my very first girlfriend in college, parang inisip niya yatang mag-U.S. siya.

"Sabi ko, hindi ko kaya as in hindi ko talaga kaya na walang physical interaction, ang hirap kasi.

"And ako, hanga ako kay Majay at Jingo kasi mahirap tanggapin kung ano yung kaya mo at hindi, e.

“Kasi pagdating sa love, lahat na nagugulo,” at tumawa si Mikael.

“So good job sa kanila.

"At ako rin parang matagal ko na ring naisip na, ‘Okay, kailangan kong tanggapin kung ano yung limitasyon ko pagdating dito sa relationships ko.’

“Ang hirap ng long-distance, e.”

GAY ROLE. Sa Ismol Family, na eere sa GMA simula sa Linggo, June 22, pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko, ay tagong bading si Mikael bilang si Bernie na may gusto sa kaibigan niyang si Jingo.

Sa tunay na buhay ba ay naligawan na siya ng bading? Na diretsong sinabihan siya ng gay na type siya nito?

“Diretso? Wala naman pero may mga gay friends naman ako, alam mo yung pa-joke-joke lang.

"Pero nothing serious kasi parang magkabarkada naman kami, friends naman kami.

“So wala namang parang stranger na biglang lumapit sa akin.”

Kahit indecent proposal ay never raw nakatanggap si Mikael mula sa kahit na sinong bading.

“Wala, wala. I think I’ve been surrounded with very great people here sa GMA, sa workplace ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SECURITY BLANKET. Kahit noong modelo siya ay walang nagtangka kay Mikael dahil isang respetadong modelo rin ang ama niya noong araw, si Leo Daez na namayapa na.

“Oo, lagi kong naiisip yun. Lagi kong sinasabi sa mga friends ko, sa mga nagtatanong ng ganun, sabi ko, ’Suwerte ako.’

"Kasi siyempre my Dad, nakilala dun sa circle, kilala ko yung mga directors.

“’Tapos siyempre to Jonas [Gaffud] na very well-respected rin ’tapos dito sa GMA, si Ms. Annette [Gozon-Abrogar] yung una kong nakilala.”

Kaya masasabing may security blanket siya?

“Oo tama, may security blanket ako fortunately in every step of the way.”

CONTRACT. May humigit-kumulang sa dalawang taon pa ang kontrata ni Mikael sa GMA, although co-managed siya ni Betchay Vidanes.

Si Jonas Gaffud ng Mercator Artist & Model Management ang una niyang manager.

“Matagal-tagal pa” ang kanyang kontrata kaya walang danger na mapirata siya ng ibang TV networks.

“No, no, right now, no. Focus ako with GMA, I’m so happy with GMA.

“May mahihingi pa ba ako? Iyon yung tanong, ’di ba?

"Wala na akong mahihingi so sobrang dali nang sagutin ’yang tanong na ’yan for me.

“I mean, I’m so happy where I am now. Ang dami kong nagagawa, ang daming trabaho.”

MOVIES. Tungkol naman sa movie projects ay wala pa raw siyang nababalitaan sa GMA Films.

"Hopefully towards the end of this year."

Paliwanag pa ni Mikael, "Kasi pag may pumasok na teleserye, walang masyadong free time.

“Pero after that, I think I’ll be free so I’d like to do a movie.

“Actually dapat meron, dapat may indie pero wala akong time.”

Payag si Mikael gumawa ng isang indie movie, paano kung sexy ang tema?

“Depende pa rin sa story. Kung maganda talaga yung story, why not, ’di ba?”

Wala ba siyang limitations? How far would he go?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well I do have limitations with the endorsements, though.

“May limitations pa rin ako sa endorsements at sa GMA News & Public Affairs. I’ll have to consider that rin.”

Ayaw na rin niyang rumampa sa Cosmo Bachelor Bash.

“’Tapos na akong mag-Cosmo, 2012. Haping-happy na ako dun.

“Hindi ko na matatalo yung ginawa ko yung Bash ng 2012.”

DIRECTORS. Plano rin ba ni Mikael na maging direktor balang araw?

“I don’t think direktor, sa totoo lang, ha.

"Parang feeling ko, hindi direktor, siguro parang creator/producer in the background.

“Yung director, hanga talaga ako sa mga direktor, ibang klase’ng responsibility nila.

"Hindi naman sa ayaw ko yung responsibility pero hindi ko yata mata-type-an yung nagagawa nila. Pero grabe, intense!

“As in lahat talaga kahit ano’ng mangyari, sila talaga yung kapitan ng barko, lahat ng galing nila mailalabas dun sa proyekto nila.

“Pero ang daming kailangang maging tama para magawa yun.

“So para sa lahat ng mga direktor diyan, hanga ako sa inyo.

“Napapaganda nila yung proyekto nila, ibang klase kayo dahil ngayon ko lang talaga nakikita at nari-realize yung hirap at stress.

“Iyon yung stress na nararamdaman nila.

“Para silang artista magtrabaho pero yung stress nila times one million.

"Kami pag tapos yung taping, tapos na. Sila hindi, buong time ng teleserye.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN