Angeli Bayani on edging out veteran actresses in Urian’s best acting category: "Para siyang panaginip...Lukang-luka ako."

On winning the Gawad Urian Best Actress trophy, she exclaimed, "Lukang-luka talaga ako sa totoo lang."


Hanggang sa natapos ang 37th Gawad Urian awarding ceremonies ay hindi pa rin makapaniwala si Angeli Bayani na siya nga ang tinanghal na pinakamahusay nga aktres ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP).

Nanalo si Angeli para sa pelikulang Norte, Hangganan ng Kasaysayan na dinirek ni Lav Diaz, mula sa screenplay niya at ng co-writer na si Rody Vera na nanalo rin para sa best screenplay category.

"Hindi ko inaasahan, e," excited pang wika ni Angeli na na-compose na ang sarili matapos ang pagiging speechless onstage.

"Hindi ako makapaniwala nung narinig ko yung pangalan ko. Sobra, as in...Para siyang panaginip! Para siyang hindi nangyayari!"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang taga-media si Angeli pagkatapos ng Urian Awards ceremony noong June 17, sa Dolphy Theater.

"If I have my wits about me," patuloy ng petite indie/theater actress, "nung nando’n ako kanina, hindi ko talaga alam kung paano... I would have thanked everyone.

"Hindi ko sila maisip at that moment kasi hindi ako makahinga!" natatawang lahad pa ni Angeli.

Wala raw sa isip niya na makakamit ang kauna-unahan niyang tropeyong Urian.

"Hindi ako nag-prepare, hello!

"Right before i-announce, ’di ba, sinasabi five-way tie.

"Sabi ko, ’Okay.’ Gumanon ako.

"’Tapos nung isa lang ang hawak [na trophy ng presenter], hindi ako makapaniwala!"

BEATING THE VETERANS. Ang mga co-nominees ni Angeli Bayani para sa Best Actress award ng Urian ay sina Nora Aunor (Ang Kwento Ni Mabuti), Rustica Carpio (Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap?), Eugene Domingo (Instant Mommy), Agot Isidro (Mga Anino Ng Kahapon), Teri Malvar (Ang Huling Cha-Cha Ni Anita); Vilma Santos (Ekstra), Lorna Tolentino (Burgos), Cherie Gil (Sonata), at Vivian Velez (Bendor).

"Mga beterana!" ang hindi-makapaniwalang sambit ni Angeli.

"Hindi ko alam [ang sasabihin ko]. Sorry, ang tanga talaga ng acceptance speech ko, ’di ba?

"Pero una ko talagang naisip, ’Kailangan ko na ba talagang magtago? Baka sumalakay [ang mga fans nina Nora at Vilma]," natawa si Angeli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, loko lang," bawi agad niya.

"It’s my first Urian," sabi pa ni Angeli.

Dalawang beses nang nominado para sa Best Actress award si Angeli sa taunang Gawad Urian. Una ay sa kanyang pagganap bilang bida sa Ebolusyon Ng Isang Pamilyang Pilipino (2004); pangalawa, sa Melancholia (2008) na parehong idinirihe ni Lav Diaz.

Sa Melancholia ay nakamit ni Angeli ang best actress award mula sa annual Cinemanila International Filmfest (Digital section).

"Lukang-luka talaga ako sa totoo lang," pahayag pa niya tungkol sa pagkapanalo niya sa 37th Gawad Urian.

"Mainly because yung mga kasama kong nominado ay mga taong iniidolo mo nung bata ka pa at hanggang ngayon.

"Pangarap mo lang noon na makuha ang autograph pero ka-eksena mo na ngayon at ka-nominado mo pa.

"Hindi ko talaga maintindihan, thank you!" teary-eyed pang sambit ni Angeli.

Mas meaningful din daw ang pagkapanalo niya ngayon. Para raw ito sa minamahal niyang supling. Isang single parent si Angeli.

"Oo, may ipapakita na ako sa anak ko," nakangiting saad niya.

INTERNATIONAL EXPOSURE. Meanwhile, ang major win niyang ito sa Urian ay kasunod ng magagandang exposure na natamo ni Angeli sa pelikulang Norte ni Lav Diaz at Ilo Ilo ng Singaporean filmmaker na si Anthony Chen na naitanghal sa iba’t ibang A-list international filmfests tulad ng Cannes at Busan.

Hindi na malayo kung gano’n ang pagwawagi ng international best actress award, na hindi pa naman daw iniisip ni Angeli.

"Ay, huwag kang ganyan!" natawa siya.

Ano sa palagay ni Angeli ang magiging impact ng una niyang pananalong ito sa Urian?

"Hindi ko alam pero I am sure about the impact it might have on my fellow actresses from the theater realm.

"And also sa independent film industry, kaya rin siguro ako nagkaka-ganito, it’s because this (Norte, Hangganan ng Kasaysayan) is a Lav Diaz film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean it is recognized internationally, but dito, hindi masyado, e.

"Kasi a few lang ang nakakaalam o nakaka-appreciate ng mga pelikula niya.

"Kaya nung na-nominate ako para dito, sapat na sa akin yun, e.

"Nalagay kami sa mapa ng mainstream, sabihin na natin parang gano’n.

"Kaya about that, at least, I am sure na more people will ask about Lav Diaz, about independent films.

"More people will ask about actresses like me or, you know, maybe not about me exactly.

"But they will ask who are my friends, I’m sure of that."

GRATEFUL TO THEATER. Maging sa kanyang acceptance speech, hindi nakalimutang pasalamatan ni Angeli ang teatro na kanyang pinagmulan, sampu ng kanyang mga kasamahang aktor at aktres.

"Uunahin ko yung Rep [Repertory Philippines Inc.] dahil sila ang pinaka-recent."

Gumanap si Angeli early this year sa dulang August: Osage County, ang original play na ginawang pelikula sa Hollywood starring Meryll Streep and Julia Roberts.

"Sumugal sa akin ang Repertory Philippines, kahit hindi naman nila ako kilala din.

"Puro mga English plays ang ginagawa ng Repertory Philippines e puro Tagalog ang ginagawa ko.

"Sobrang ganda pero alam mo ’yun?

"Yun ang dapat kong pasalamatan. Hindi ako kilala, but Rep took a risk on me. Alam mo yun?"

Pinasalamatan din ni Angeli Bayani ang PETA (Philippine Educational Theater Association), kung saan naging bahagi siya ng isa sa pinaka-matagumpay na produksiyon nito, ang Care Divas.

"Nag-audition din ako diyan, hindi nila ako kilala. Who is this actress?" natatawang sambit pa ni Angeli.

"Pero ang Tanghalang Pilipino, I save it for last," wika rin niya.

"Kasi doon ako nanggaling. Doon ako nahubog. I’d like to say doon ako ipinanganak, sa entablado ng CCP [Cultural Center of the Philippines].

"So hindi ako mapupunta dito kung hindi dahil sa mga naging teacher ko doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At sa mga fellow actors na nakasama ko sa Actors’ Company, sa Tanghalang Pilipino, gusto ko lang sabihin, it’s a little surreal na so many years can lead up to just one moment like this, alam mo yun?

"There are so many people to thank, so many people who you’ve met, for better or for worse, who have helped you reach this far, ’di ba?

"As I said, I thank everyone who took a risk on me."

TALENT FEE. Naitanong din kay Angeli kung magtataas ba siya ng talent fee ngayong Urian best actress winner na siya.

Natawa uli ang petite actress, "Naku, alam mo, I leave that to my manager.

"As for me, hindi talent fee ang concern ko, quality of roles and quality of stories."

Choosy o selective ba si Angeli sa mga papel na iniaalok para gampanan sa pelikula, telebisyon o teatro?

Tugon niya, "I would like to but the truth is, even if I did win an award, I can’t be as demanding or as choosy as I’d like to be or as I should be, depending on how you look at it."

MEANINGFUL PROJECTS. Nangangarap din ba ang tulad ni Angeli na maging mas regular na sa mainstream movies and television projects?

"Hindi ko masasabing dream talaga.

"What I would like, what my dream really is, ay yung makagawa ng makabuluhang pelikula.

"Yung may ma-fulfill na ganito," pagtukoy pa niya sa Norte Hangganan Ng Kasaysayan na nanalo rin ng Best Picture at Best Cinematography (for Lauro Rene Manda).

So sa indie films pa rin gustong ilaan ni Angeli ang talento at panahon niya?

"Yes. And I don’t care as long as it’s a good story," pangwakas niyang sambit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN