Maricar Reyes doesn’t mind being third choice for kontrabida role in Sana Bukas Pa Ang Kahapon

Maricar Reyes on being third choice for kontrabida role in Sana Bukas Pa Ang Kahapon: “No, I don’t mind. I’m actually happy that I was in the running kasi the roles I played before were very, very different from Sasha. So for them to even consider me, nakakatuwa.”


Puno ng kasiyahan si Maricar Reyes sa pagsapit ng buwan ng Hunyo dahil bukod sa ito ang kanyang birth month (June 20), ngayong buwan din nila ipagdiriwang ng asawa niyang si Richard Poon ang kanilang first wedding anniversary (June 9).

Sa live appearance ni Maricar sa Aquino & Abunda Tonight kagabi, Hunyo 20, kaagad siyang binati ng "happy birthday" ng mga hosts na sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Maricar turned 33 yesterday.

Sabi nga ni Kris, “Ang saya naman ng June para sa kanya, birthday na niya, wedding month pa niya.”

Kaya unang tanong ni Boy, “Are you happy?”

“Very, very,” nakangiting tugon ni Maricar.

Ano naman ang wish niya?

“Birthday wish? Na to keep learning and to just be happy, na tuluy-tuloy na ito.”

STILL DISCOVERING THINGS WITH RICHARD. Ngayong isang taon na silang mag-asawa ni Richard, may mga nadi-discover pa ba sila sa isa’t isa?

Sagot ni Maricar, “Yeah, we are. Katulad ng akala ko dati OC [obsessive-compulsive] ako, sobrang mas OC pala siya.”

In what sense?

“In every sense, every detail. Magaling siya like colors ng suit niya or how clean the table is, yung mga ganun,” sabi pa niya.

Nasorpresa ba siya rito?

Natatawa niyang pahayag, “I was very surprised because I thought I was OC myself pero siya pala mas OC.”

Isa rin sa nadiskubre ni Maricar sa asawa ay ang magkaiba ng pamamaraan ng paggamit nila ng toothpaste.

“I squeeze sa bottom, and then siya nag-squeeze sa taas. I guess it compliments ‘coz I squeeze from the bottom so dinadala ko sa taas.

“So pagdating na sa kanya, ii-squeeze na lang niya sa top,” detalye niyang kuwento.

Nagiging dahilan ba ito ng pagtatalo o away sa kanila?

“It didn’t cause a fight. Actually, it’s just something that I noticed, parang every morning, ’bakit ganun e kagabi I squeezed the tube pataas,’ and then suddenly may pisil na doon sa top.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s something that I didn’t noticed when I lived alone,” dagdag pa niya.

Pagdating naman sa mga desisyon sa buhay, ayon kay Boy, Richard faces the challenges habang si Maricar is the type who runs away.

Sabi ng aktres, “May time na ganun minsan.”

Paano nila nire-reconcile itong differences na ito?

Pag-amin niya, “Dati akala ko one side lang is tama. Pero apparently you have to timpla, e. Kasi sometimes you can face something head on na unfiltered.”

So walang formula?

Sagot pa niya, “Wala, e. I learned na I have to learn from him and he has to learn from me.”

THIRD CHOICE. Napag-usapan din nila ang bagong ABS-CBN teleseryeng kinabibilangan ngayon ni Maricar, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon, na pinagbibidahan ni Bea Alonzo. Ginagampanan ni Maricar dito ang role ng kontrabidang si Sasha Bayle.

Ang role na ito ay unang in-offer kay KC Concepcion pagkatapos ay ibinigay kay Iza Calzado hanggang sa finally ay napunta nga kay Maricar. Does she mind being the third choice?

Ani Maricar, “No, I don’t mind. I’m actually happy that I was in the running kasi the roles I played before were very, very different from Sasha.

“So for them to even consider me, nakakatuwa.”

Ngayong ginagampanan na niya si Sasha, ano ang na-discover niya?

“It’s very hard,” sabay tawa niya.

“I really have to work with Direk Jerome [Pobocan] and Direk Trina [Dayrit] kasi I have to find where she is coming from kasi even ako naiirita ako sa kanya.

“So I have to see where this girl is coming from. I have to know the back story and I have to understand her para ma-play ko siya nang maayos.”

BABY WILL COME AFTER. Gaya na nang unang naihayag ni Maricar sa interview niya na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), wala pa raw silang planong magkaroon ng baby ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ni Kris kung tatapusin ba muna ang commitments niya bago siya magka-baby?

Ang sagot ng aktres, “I think it’s best… we think it’s best na hindi ako nagte-taping kasi yung schedule of having a show is very difficult when you know, you’re going to grow a child.”

Nagulat naman si Maricar nang personal na matanong ni Kris kung anong birth control method ang ginagamit nilang mag-asawa.

“May ganun?” tila nahihiya at hindi makasagot si Maricar.

Kalendaryo ba (calendar-based contraceptive method)?

“Yes, that’s it,” tugon niya.

WORTH THE WAIT. Sa ngayon daw ine-enjoy nila ang oras na silang mag-asawa lang muna ang magkasama.

Kuwento pa ni Maricar, “Yeah, we love to travel together. We love driving late at night, walking late at night, talking. We’re night people, usually.”

Isa pang binanggit ni Kris ay ang pag-amin noon nina Maricar at Richard na walang personal intimacy na namagitan sa kanila bago pa sila ikinasal. Ngayong nagsasama na sila, was it worth the wait?

“Yes,” pagmamalaki ni Maricar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN