(UPDATED) Arron Villaflor takes a breather from kontrabida roles: “This time, mamahalin na nila ako!”

Arron Villaflor on his role for new ABS-CBN Koreanovela adaptation: “After doing Kael na very stressful yet very challenging, medyo light naman itong ginagawa ko for Pure Love.”


Matapos niyang gumanap bilang Kael, ang kontrabida ni Coco Martin sa teleseryeng Juan dela Cruz, mabait naman ngayon ang gagampanan ni Arron Villaflor sa local adaptation ng hit Koreanovela na Pure Love.

Masaya si Arron dahil paiba-iba ang roles na ipinagkakatiwala sa kanya ng ABS-CBN.

“Gusto ko po ang ganito na versatile tayo.

“Kaya nating maging kontrabida at puwede rin tayo maging mabait.

“Hindi ako nakakahon sa iisang klaseng role lang.

“When they gave me the role in Pure Love as the mysterious guy, nagustuhan ko kaagad.

“Napanood ko rin kasi yung Pure Love at alam ko kung bakit marami ang nagkagusto sa Koreanovela na ito.

“I’m just so happy to be part of the cast with Alex Gonzaga, Arjo Atayde, and Joseph Marco,” kuwento pa ni Arron nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa HBC National Makeover event sa Trinoma Activity Center noong June 12.

Ayon pa sa Star Circle Quest Season 2 runner-up, nakapag-taping na raw sila ng ilang episodes para sa Pure Love. Pero tumigil dahil pumasok nga sa Bahay Ni Kuya ng Pinoy Big Brother: All-In si Alex.

Sabi ni Arron, “Nag-tape na kami ng ilang episodes. Pero yun nga, pahinga muna kami kasi wala pa si Alex.

“Pero continue pa rin naman kami sa mga workshops namin for the series. By the time na nakalabas na si Alex, ready na kaming lahat.”

MYSTERY GUY. Sigurado raw na wala nang magagalit kay Arron sa role niya sa Pure Love.

Sa Juan dela Cruz daw kasi ay may mga nainis sa karakter niya.

“This time, mamahalin na nila ako!” sabay tawa niya.

“After doing Kael na very stressful yet very challenging, medyo light naman itong ginagawa ko for Pure Love.

“Pero dahil mysterious nga role ko, mag-iisip ang mga makakapanood nito kung ano ba talaga ako rito? Bakit lagi na lang ako sumusunod? Minsan kamay ko lang ang makikita nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo nakakatakot ang dating para sa mga hindi nakapanood ng Pure Love.

“Kaya abangan nila ito kasi maganda ito,” patuloy pa niya.

INDIE BIOPIC. Bukod sa bago niyang teleserye, may sisimulan din si Arron na bagong indie film tungkol sa buhay ni General Antonio Luna.

Ang huling indie film na nagawa ni Arron ay ang Astro Mayabang para sa Cinema One Originals noong 2010.

“Very special sa akin yung Astro Mayabang kasi ang leading lady ko doon was Megan Young.

“Ngayon, Miss World na siya, ’di ba?

“Kaya puwedeng kong i-brag na naging leading lady ko ang isang Miss World!” ngiti pa niya.

“In this new indie titled General Luna, I am working with John Arcilla, Joem Bascon, and Alex Medina. Mga magagaling sa larangan ng indie ang mga ito.

“It feels good to be in the company of very good actors. Mahahawa ka sa husay nila.”

Na-educate din daw si Arron tungkol sa buhay ni General Antonio Luna at sa naging kontribusyon nito sa Philippine history.

“Sa totoo lang, first time ko lang nalaman na isa sa mga heroes pala natin si General Luna.

“Kasi noong high school ako, ang kilala ko lang na mga bayani natin sila Jose Rizal, Andres Bonifacio, Lapu-Lapu, Apolinario Mabini. Ngayon kilala ko na si General Luna.

“Nag-research ako tungkol sa kanya at karapat-dapat lang na gawan siya ng pelikula dahil sa katapangan niya.

“I learned na isa rin pala siyang pharmacist and he founded the first military academy sa Pilipinas.

“There is so much to learn about this hero and I am proud to be part of this project,” diin pa ni Arron.

LOVELIFE. Tinanggal ang orihinal na bahagi ng artikulo na ito dahil na rin sa pakiusap ni Arron.

Sa halip, ito ang sinabi niyang dahilan kung bakit siya loveless.

Aniya, wala raw siyang panahon na manligaw dahil sa sunud-sunod na trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito raw ang naging rason kung bakit nagbreak sila ng girlfriend niya of three years.

Bukod pa rito ay hindi nila kaya ang long-distance relationship.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN