Valerie Concepcion recounts being falsely accused and harassed by married guy’s jealous wife

Valerie Concepcion on being "harassed" and falsely accused by a married guy’s jealous wife: “Galit na galit ako kasi, feeling ko, para akong nainsulto na una sa lahat, parang kung nagpa-cute man ’yang asawa mo, hindi ko naman pinatulan ’tapos ganyan agad ang accusation mo sa akin? E, ’di sana pala pinatulan ko na, may nakuha pa ’ko from it.”


Kontrabidang muli ang karakter ni Valerie Concepcion sa My BFF.

Pero kumpara naman daw sa naging karakter niya sa Anna KareNina, ang huling serye niya sa GMA, ’di-hamak na mas light daw ang pagka-kontrabida niya ngayon.

Paglalarawan ni Valerie sa kanyang bagong role, “Sa Anna kasi, sobrang sama na pumapatay talaga.

“Dito naman, maiinis ka kasi ang arte-arte. Sobrang spoiled ’tapos ang landi-landi. Kahit may asawa si Janno [Gibbs], nilalandi niya.”

Naisipan tuloy naming itanong kay Valerie kung may pagkakataon na bang pinagselosan siya ng asawa ng isang lalaki.

“Ay oo!” mabilis niyang sagot.

Parang maraming beses na yata sa pagkakasagot niya?

“Hindi, kasi galit na galit ako, e,” natawang sabi niya.

Dugtong pa niya, “Wala naman akong ginagawa, napagselosan ako.”

Tumawa lang si Valerie nang tanungin namin ito kung artista ba ang nagselos sa kanya.

“Matagal na yun,” sabi na lang niya.

Kung babalikan yung panahon na yun, paano ang nangyari, paano niya nalamang pinagseselosan siya?

“Tinext ako!” saad niya.


IRE OF JEALOUS WIFE. May nagbanggit ng pangalan ni Jinkee Pacquiao. Minsan kasing na-link ang aktres sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao nang gumawa sila ng pelikula.

Hindi ito sinagot ni Valerie.

Pero ano ang sampol ng mga text messages sa kanya ng misis?

“Ay, hindi ako nag-reply. Wowowee pa noon. Kami pa ni DonDon [Hontiveros] noon.

“Sabi niya, ’May balak ka bang sirain ang pamilya ko? Susugurin kita riyan sa studio niyo sa Wowowee.’

“So ako, parang what the f---, e, wala akong ginagawa.

“Unang-una, in-love ako sa ex ko noon. So, parang ako talaga?

“Na-confirm ko na siya yun kasi, may friend ako na nagsabi rin na, ’Valerie is not like that, like that,’ so it was confirmed to me na siya talaga.

“’Tapos sabi niya, ’O, Val, I gave her my word na hindi ka ganyan. Naku, ’wag mo sisirain ang sinabi ko.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ni Valerie, “Galit na galit ako kasi feeling ko, para akong nainsulto na una sa lahat, parang kung nagpa-cute man ’yang asawa mo, hindi ko naman pinatulan ’tapos ganyan agad ang accusation mo sa akin?

“E, ’di sana pala pinatulan ko na, may nakuha pa ko from it.”

Naging okay ba sila ng misis na nag-text sa kanya?

“Never, ni hindi siya nag-sorry,” sabi ni Valerie.

Alam ba ng personalidad na yun ang ginawa ng misis nito?

Sabi pa niya, “Tinanong ko e kung yung asawa niya ang nag-text. Kaso dinenay, e. Siyempre, kakampihan niya ang asawa niya.

“And in the first place, since wala naman kaming relationship, bakit siya magiging open.”

Ilang pangalan ng actor pa ang binanggit ng entertainment press, pero ayaw pangalanan ni Valerie kung sino ang tinutukoy niya.

Ani Valerie, “Basta, siya yun kung sino man siya.”

Hindi siya magiging home wrecker?

Giit niya, “Hindi talaga, kahit noon, type na type ko, hindi, hindi talaga.”

STILL ATTRACTIVE TO YOUNGER GUYS. Sa My BFF pa rin, kapatid niya rito si Hiro Magalona. Pero attracted pala sa kanya ang young actor.

Nagagandahan daw ito sa pagiging voluptuous niya. Pero parang nadi-distract daw ito dahil magkapatid nga sila.

“Grabe naman,” natatawang sagot ni Valerie.

“Parang yung role ko sa Anna KareNina, si Derrick Monasterio. Sabi ko na nga ba may asim pa ko,” natawang biro niya.

Pero sabi rin ni Valerie, “Siyempre, nakaka-flatter. Ilang taon na ba si Hiro, 19? O, ‘di ba, mga ganoon ako nagsimula or younger nang konti.

“After 10 years in the industry, meron pa rin mga baguhan na who finds me attractive, na maganda. So nakakatuwa naman.

“Siguro ang sa akin, bukod sa nagku-cross fit ako, inaalagaan ko naman ang sarili ko kasi nga, I’m not getting any younger.

“Nakakatuwang isipin na nagwu-work o nagpi-pay off o yun ang resulta ng mga hard work ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan tinatamad kang mag-work-out kasi, galing ka ng taping, may school ka pa.

“Pero, pipilitin mo ang sarili mo kasi, alam mong for yourself. So, parang ‘yan na lang ang reward,” pahayag niya.

SCHOLAR. Scholar si Valerie ni Congressman Roman Romulo ngayong nagsisimula siyang mag-aral sa kolehiyo. Kaya kapag may taping daw siya, ang AMA kunsaan siya pumapasok daw ang nag-a-adjust sa schedules niya.

Pagklaro niya, “Scholar ako, hindi scholarship ng school, scholar na recommended ni Congressman Roman.”

Nagulat kami na isa siya sa scholar ng Congressman at mister ni Shalani Soledad dahil sabi nga namin sa kanya, kaya rin naman niyang pag-aralin ang sarili niya.

“Kung may mag-sponsor na gustong mag-push sa ‘yo na magpa-aral, sayang din naman.

“Actually, isa rin yun sa mga reason kung bakit ako nag-aral din,” paliwanag pa ni Valerie.

Ang dalawa pa raw rason kung bakit siya bumalik sa pag-aaral ay ang anak na si Fiona at ang boyfriend ngayon na malapit nang maging doktor.

Pulitiko ang nagpapaaral sa kanya.

Kaya ang tanong kay Valerie, ano raw ang kapalit ng pagiging scholar niya, malamang ipapangampanya niya raw ito sa eleksiyon?

“Wala naman, grabe naman,” natawang sabi niya.

“Yung asawa kasi ni Congressman, si Ate Shalani, best friend ko ang pinsan niya. Guy bestfriend ko.

“Yung endorsement, hindi ko po alam, wala naman kaming pinag-uusapang ganun. Ang naglalakad po talaga, yung bestfriend ko.”

Willing naman siya kung sakali at ipangampanya ito?

“Well, una sa lahat dahil siguro na-inspire ako ulit na mag-aral dahil nga sa offer na scholarship and, of course, tinutulungan niya ’ko at ang family ko. Dahil do’n, siguro oo.

“I mean, I would... I would do it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN