Pokwang not conscious about tags or titles: "ang importante, ang makita mo ang audience na nag-e-enjoy..."

Pokwang on being tagged "Reyna ng Skylight Films": "Yung sa akin lang ay basta nagawa ko nang masaya ang trabaho at marami akong napasaya ’tapos kung ano man ang itawag nila sa akin, ang puno’t dulo nun ay nakapagpasaya ka.”


Pokwang gives back.

Ito ang drama ng sikat na komedyana matapos mag-hit sa takilya ang latest movie niyang My Illegal Wife.

Naghandog si Pokwang ng munting kasiyahan para sa mga batang pasyente ng National Children’s Hospital sa Quezon City, kahapon, Biyernes, June 20.

Isang magician ang nagpamalas ng iba’t ibang klaseng magic tricks na ikinasaya ng mga bata bukod pa sa drawing session sa cotton bags.

Ang perang malilikom mula sa pagbenta ng mga naturang bags ay mapupunta sa mga batang may sakit.

Dapat sana ay kasama sa event na ito ang leading man niyang si Zanjoe Marudo kung hindi lang ito nagkasakit at nilagnat.

Bungad ni Pokwang sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa nasabing event, "Sobrang happy ako, as in talaga.

"Iba ang kasiyahan na nararamdaman natin sa ganitong gawain.

"Ang saya na makita mo lang silang nakangiti at punumpuno ng pag-asa.

"Actually, noong birthday ko, ilang years na ’ata yun, nag-ano na ako dito.

"Nasa noontime [show] na ako noon...paiba-iba ’yan, e.

"Kung ano ang maisipan ko, tulad this year, dito ang naisip ko.

"Masaya ako na part rin ito at ako ng Star Cinema Cares na buwan-buwan nilang ginagawa.

"Kumbaga, time to really give back."

IN MEMORY OF HER SON. Malapit daw sa puso ni Pokwang ang mga batang may sakit dahil sa kanyang naging karanasan noon sa kanyang anak na nagkasakit at namatay.

Pagbabalik-tanaw niya, "’Di nga, kasi may anak ako na nagka-brain tumor.

"Doon siya binawian ng buhay sa National Children’s Hospital, yung sa mas malaking hospital nila.

"Ito yung time na wala ako."

Kaya hindi niya itinanggi na habang nakikita niya ang mga batang maysakit ay bumabalik ang alaala na kanyang pinagdaanan noon bilang isang ina na malayo sa kanyang anak.

Ayon sa Star Magic contract star, "Oo. Kaya kapag nakikita ko ang mga mukha ng mga nanay na naririto ngayon, alam ko ang mga pinagdadaanan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam na sa puso nila ay gusto lang nilang mapaligaya ang kanilang mga anak.

"Kaya kung anuman ang kaya kong ibigay sa kanya sa tulong din siyempre ng Star Cinema Cares, nakakatuwa.

"Masaya ako na kahit papaano ay nahandugan ko sila ng kahit maliit na kasiyahan."

NOT CRAVING FOR PUBLIC ATTENTION. Hindi na bago sa kanya ang ibalik sa tao ang biyayang kanyang natatanggap pero hangga’t maaari nga raw ay ayaw niyang isapubliko ang mga ito.

Saad ng leading lady ni Zanjoe sa My Illegal Wife, "Ako kasi, mas silent ako, e.

"Gusto ko, as much as possible, tumutulong ako na ako na lang halos ang nakakaalam.

"Basta every birthday ko, pag Christmas, ganyan, nag-aano ako.

"Anytime naman, kahit araw-araw, puwede kang magbigay ng tulong at pagmamalasakit sa kapwa. Sa loob ng bahay nagmumula ’yan, e.

"Sa mga kasambahay mo, ’di ba? Kapag may malasakit ka sa kasambahay mo, dala mo ’yan hanggang sa labas."

Kapag taga-showbiz daw ang gumagawa ng charity works marami raw ang kumukuwestiyon sa sinseridad ng kanilang pagtulong.

Ano ang masasabi niya tungkol dito?

Bulalas ng actress-comedienne, "Sa akin, so far, wala naman.

"Hindi naman kasi ako maingay kapag may ginagawa ako para sa kapwa.

"Alam mo naman sa trabaho natin, ’di ba?

"Mas mainam, quiet ka na lang."

BOX-OFFICE QUEEN? Sa puntong ito ay inusisa namin sa kanya ang bansag sa kanya na "Reyna ng Skylight Films" kasama ang tinagurian ding "King of Skylight Films" na si Zanjoe.

Ramdam na ramdam ba niya ang titulong ito?

Natatawang tugon ni Pokwang, "Siyempre, may pressure.

"Galing naman sa kanila ang titulong ’yan.

"Yung sa akin lang ay basta nagawa ko ng masaya ang trabaho at marami akong napasaya ’tapos kung ano man ang itawag nila sa akin, ang puno’t dulo nun ay nakapagpasaya ka.

"Yun ang importante, ang makita mo ang audience na nag-e-enjoy sila habang nanonood ng movie namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa niya, "Nakakatuwa naman kasi ang ibig sabihin niyan ay naa-appreciate nila yung ginagawa namin, yung effort namin sa trabaho.

"Thank you at gayundin sa amin, nararamdaman namin ang pag-aalaga ng Skylight Films at Star Cinema.

"Salamat talaga."

LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife ni Pokwang?

Natatawa niyang sambit, "Wala, wala."

"Yung binabanggit ni Pooh sa Kris TV, wala yun.

"Mga kaek-ekan lang namin yun.

"Alam mo naman sila [foreigners], attracted kaagad sila sa..." sabay hawak sa kanyang mukha.

"E, ganun talaga exotic daw kasi.

"Gugustuhin talaga ng mga foreigner ang ganito."

Type rin ba niya ang mga banyagang lalaki?

Mabilis niyang sagot, "Hay naku, kahit anong lahi basta ipaglalaban ako, ’di ba?

"At mamahalin ako nang wagas, okey na yun.

"Ang importante, pareho naming mahal ang isa’ t isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN