Lani Mercado and family worried about Bong Revilla’s health condition in jail

Congresswoman Lani Mercado and her kids are worried about Bong Revilla’s health conditon in Camp Crame: “Tumataas ang BP [blood pressure] niya pag mina-migraine siya, ‘yon ang problema. So, we have to control that at ’yon ang ipinakiusap ko sa kanila kasi if that happens, puwedeng mag-cause ng aneurysm, puwede kasing pumutok ang ugat niyan, e.”


Hindi mapigilang mag-alala ni Congresswoman Lani Mercado at ang mga anak nito kaugnay sa kalusugan ni Senator Bong Revilla, na ngayon ay nakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.

Dito dinala ang senador matapos nitong sumuko sa mga awtoridad kahapon, Hunyo 20, ang araw nang ilabas ng Sandiganbayan ang warrant of arrest para sa kanya.

Isa si Bong sa tatlong senador na kinasuhan ng plunder at graft kaugnay ng pork-barrel scam. Sa mga dokumento ng Ombudsman, ibinulsa umano ng senador ang mahigit sa P224 milyon mula sa kaban ng bayan.

Bago siya dinala sa detention center, sumailalim muna ang senador sa medical at physical exam. Ang resulta ng check-up, "normal except for slightly high blood pressure [140/90]."

Ininda ng action star ang migraine dahil sa sobrang init daw.

Pero walang nagawa ang pamilya Revilla kundi bigyan na lang ng tubig at pagkain ang kanilang padre de pamilya sa kulungan nito.

Sa ulat ng Bandila sa ABS-CBN kagabi, Hunyo 20, inihayag nila ang pag-aalala dahil delikado raw sa kalusugan ng senador ang kondisyon ng kanyang selda.

Sabi ni Lani, “Tumataas ang BP [blood pressure] niya pag mina-migraine siya, ‘yon ang problema.

“So, we have to control that at ’yon ang ipinakiusap ko sa kanila kasi if that happens, puwedeng mag-cause ng aneurysm, puwede kasing pumutok ang ugat niyan, e.”

Hihilingin daw nila korte na mailipat si Sen. Bong o di kaya’y mabisita ng kanyang mga doktor sa selda.

Sa hiwalay na report ng ABS-CBN News kagabi rin, humiling si Lani kung puwede silang mag-provide ng aircooler man lang sa loob ng selda ng asawa para mabawasan ang init dito. Wala pang lumalabas na ulat ngayong araw kung napagbigyan ba ang hiling na ito.

FAVORITE FOOD. Kahapon lang naging maluwag ang PNP sa pamilya Revilla pero simula ngayon ay kailangan na silang sumunod sa visiting hours na mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-tres lang ng hapon, tuwing Huwebes at Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Lani, humiling lang ang senador ng paborito nitong pagkain bago sila naghiwalay kagabi.

“Yung favorite niya kare-kare ganyan, sinampalukang manok, pagdalaw ulit sa Linggo.”

AFFECTED CHILDREN. Sa nangyaring ito sa senador, ang pinaka-apektado ay ang mga anak niya.

Sabi nga ng panganay na si Brian Revilla, “Masakit na makita ang iyong ama na nakakulong. Pero expected na rin po namin ito, e.

“Hoping naman na una, magiging patas naman po ang labanan, na alam din naman po namin na hindi kami iiwan ng Diyos.”

Itinakda ang arraignment sa June 26, kung kailan diringgin din ang mosyon ng senador para makapagpiyansa kahit pa non-bailable ang kasong plunder.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN