Maja Salvador on why she doesn’t want to see Gerald Anderson at her anniversary concert: “Baka ma-conscious ako, hindi ako makapag-perform.”

Maja Salvador doesn’t mind if boyfriend Gerald Anderson attends her anniversary concert on July 12. However, she prefers not to see him: “Opo naman, opo... pero huwag ko lang siyang makikita. Baka ma-conscious ako, hindi ako makapag-perform. Babae lang.”


Sa okasyon ng ika-sampung taong anibersaryo ni Maja Salvador sa showbiz ay magtatanghal siya ng kanyang special concert sa Music Museum, ang MAJ The Legal Performer, sa July 12.

Sabi nga ni Maja sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na press conference niya sa Jet 7 Bistro sa may Timog Avenue, Quezon City noong June 18, talagang nag-voice lessons daw siya.

“After po ng Ina, Kapatid, Anak, gusto ko naman po—since 10 years na ko sa show business—gusto ko naman pong may iba akong mai-offer sa mga fans.

“Nag-voice lesson ako nang nag-voice lesson. Hanggang sa napakinggan ako ng taga-Ivory, nag-offer sila ng kontrata. Yung album po, nag-gold na nga raw po.

“Pero siyempre, hindi pa rin naman po ganoon ka-suwabe yung boses [ko], pero i-improve ko pa po,” masaya niyang kuwento.

Mas lalo siyang kinilala bilang isang mahusay na aktres sa ipinakita niyang pagganap sa The Legal Wife (TLW), naka-gold na ang album niyang Believe, at ngayon nga ay magku-concert na siya.

NEXT BIG CHALLENGE. Ano pa ang gusto niyang gawin ngayong umabot na siya sa ika-sampung taon niya sa showbiz?

Ayon kay Maja, “Ano, siyempre po, after naman nitong MAJ The Legal Performer, marami pa rin naman akong mga artistang hindi nakakatrabaho sa show business.

“Itong binibigay nilang next teleserye sa akin, isang malaking chance, parang isa sa mga pangarap ko na nasagot na naman.

“Kasi yung susunod na makakasama ko sa teleserye, bigtime e. Kaya malaking challenge na naman para sa akin.”

Sino ang “bigtime” na artistang ito na susunod niyang makakasama? Si Piolo Pascual nga ba gaya ng nababalita?

“Secret,” natatawang sabi niya.

Dugtong din niya, “Sure naman po na sasabihin. Pero huwag na muna nating i-spluk kasi nga, baka may changes pa.

“Pero yun, I’m very happy na isa ako sa kinonsider nila na mapasali rito sa malaking teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi sa aming mga artista, ganoon naman po. Kung hindi ka magte-teleserye, magpe-pelikula ka.

“Yung sa akin, masaya po ako na at least, may bago akong ginagawa—sa music industry.

“Na kapag wala akong teleserye, puwede akong mag-focus sa pagiging recording artist ko raw. Wow!

“At least po, masaya ako na marami akong nagagawa para sa mga supporters ko.”

MEMORABLE CHARACTER. Mahigit isang linggo nang tapos ang TLW pero hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin ang mga karakter nila rito.

Inasahan ba niyang magiging ganoon ang epekto ng karakter niya bilang si Nicole?

“Sobrang nagugulat nga po ako, kasi siyempre nakakatakot kasi, isang malaking risk yung pagtanggap ko sa character.

“Siyempre, bilang isang mistress, sino ba ang tatanggap sa ’yo?

“Ang ginawa ko lang po, kahit ang hirap intindihin ng character ko, kailangan kong intindihin at kailangan kong ipaintindi sa audience na may pinanggagalingan.

“Kailangan kong maipakita ang core ng character ko para hindi lang sila mainis, maawa rin sila.

“Pero siyempre, kahit maawa, mali pa rin ang ginawa ng character ko.

“Pero at least, masuwerte rin ako, matatalino na ang audience natin. Alam na nilang i-separate ang trabaho ko bilang Nicole at [ako bilang performer] sa mall show.

“So natutuwa ako kapag nagmu-mall show ako na dati, ang nagpapa-picture lang sa akin, mga teenager, mga bata...

“Ngayon, nakakatuwa kasi buong pamilya. Yung tatay nagpapa-picture, yung nanay, may lola pa.

“Tapos sinasabi nila, ’Nakakainis ka Nicole, pero love ka namin Maja.’

“So, natutuwa ako na nahihiwalay nila ang character ko at ako,” pagpapasalamat niya.

BIG BLESSING. May mga nakakapansin naman na tila “suwerte” raw sa kaniya ang boyfriend na si Gerald Anderson.

Mula raw kasi nang dumating ito sa buhay niya, maraming blessing na sunud-sunod ang dumating sa kanya.

Hindi naman ito itinanggi ni Maja.

“Oo naman. Isa siyang malaking blessing,” nakangiti pero matipid na sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GERALD NOT IN CONCERT? Sa MAJ The Legal Performer concert niya, ang mga special guests niya ay sina Rayver Cuz, Enchong Dee, Enrique Gil at Piolo Pascual.

Hindi ba talaga puwedeng mag-guest si Gerald kahit sa concert niya?

“E, yun nga po, gusto naming ihiwalay ang relasyon namin sa trabaho para makatrabaho nang mabuti.

“Siyempre, may kanya-kanya naman po kami na dapat gawin. Para mas tahimik at mas maayos ang relasyon,” paliwanag niya.

Naniniwala ba silang talaga na kung magsasama sila sa isang proyekto, may posibilidad na masira ang relasyon nila?

“Ayaw lang naming i-take ang risk po siguro. Ang ganda na, ang suwabe na ng takbo ng relationship, okay na ang ganito.

“Kasi parehas na kaming nasa show business. Tapos, yung relasyon namin kung ipapasok pa namin...” dagdag pa niya.

Ayaw ba niyang makatrabaho si Gerald, makabatuhan ng linya?

Pag-amin ni Maja, “Dati, gusto ko siyang maka-trabaho.

“Pero yun nga, siyempre, may mga pagbabago talagang darating.”

Binanggit din ni Maja na biniro daw siya ni Gerald kung gusto niyang mag-guest ang aktor at magsayaw sila.

Aniya, “Sabi niya nga ano, ’Gusto mo ba sumayaw ako?’ Kaya lang nga, busy sa taping din. Pero yun, siyempre...”

Natatakot ba siya na baka makaapekto sa relasyon nila kung magsasama sila kahit sa concert niya?

“Hindi naman, hindi naman... gusto lang ihiwalay talaga,” muli niyang diin.

Pero sa gabi ng concert niya, gusto naman niyang panoorin siya ni Gerald?

“Opo naman, opo... pero huwag ko lang siyang makikita. Baka ma-conscious ako, hindi ako makapag-perform.

“Babae lang,” natatawang sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN