Harlene Bautista on Herbert-Kris issue: “Basta ako, importante sa akin na masaya si Kuya... yung total joy and happiness. Hindi yung masayang bitin.”

Although tight-lipped about the Herbert-Kris issue, Herbert’s younger sister, Harlene Bautista (in photo with daughter Zeke Sarmenta) revealed how the controversy has affected her family: “Siyempre, may effect naman kahit naman anong situwasyon—yung ganyang klaseng situwasyon. Siyempre, meron. Kahit naman sa anong pamilya, may effect siyempre.”


Ang huling pelikula na prinodyus ng Heaven’s Best Entertainment ay ang Burgos bago ito nasundan ngayon ng indie movie na Kamkam (Greed).

Pumasok din ang pelikulang English Only Please, na gagawin nila para sa MMFF (Metro Manila Film Festival) 2014.

Bukod sa Rated 16 ng MTRCB, nabigyan pa ang Kamkam ng Rated A rating ng Cinema Evaluation Board dahil sa maganda at malinis na pagkakagawa ng pelikula sa kabila ng pagiging “daring” ng tema nito. Si Joel Lamangan ang direktor ng nasabing pelikula.

Ang Kamkam ay ang official title ng pelikulang naunang ipinakilala bilang Sitio Camcam.

Ang producer ng Heaven’s Best ay si Harlene Bautista na nasa presscon din ng Kamkam noong June 19 sa 17th Floor ng GMA Building. Si Harlene ay nakababatang kapatid ng dating artista at ngayo’y Quezon City Mayor na si Herbert Bautista.

DAUGHTER’S SHOWBIZ DEBUT. Ipinakilala rin ni Harlene ang anak na si Zeke Sarmenta bilang isa sa mga bagong saltang artista sa Kamkam. Si Zeke ang anak ni Harlene sa kanyang asawang si Romnick Sarmenta.

Kuwento ni Harlene sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kamkam presscon, “Gusto niya, e. Gusto niyang talaga.

“Kasama naman niya ang ate niya, si Athena [Bautista, anak ni Mayor Herbert Bautista kay Tates Gana].

“Ganyan siya, excited siya. ’Mama, kailan ang presscon? Kailan ang guesting sa Jojo A.? Kailan ang guesting sa Master Showman?’”

Nakikita ba niya ang sarili sa anak niya?

“Hindi ako ganyan noon, e. Noong ganyang edad, artista na ako noon. Hindi ko nakita ang sarili ko na excited kasi, lumaki na ako na nandiyan na.

“Siya, excited siya. Tapos, nagtatanong siya. ’Mama, Papa, paano, ano ang sasabihin ko? Ano ang tatanungin kapag interview,’” natatawang kuwento niya tungkol sa anak.

ON HERBERT-KRIS ISSUE. Ang tanong: Inihanda ba niya ang anak sakaling tanungin ito tungkol kay Kris Aquino?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan lang ay naging laman ng balita si Kris at ang kapatid ni Harlene na si Mayor Herbert.

Natatawang sabi naman ni Harlene, “Oo, inihanda ko. Sabi ko, sabihin niya, ’No comment.’”

Kumusta na nga ba siya sa isyung Herbert at Kris?

“No comment nga,” natatawang sabi niya.

Bakit no comment?

“Bakit hindi?” sagot niya.

Nakaapekto rin ba sa kanilang pamilya ang naging isyu sa pagitan nina Mayor Herbert at Kris?

“Naka-affect? Siyempre, may effect naman kahit naman anong situwasyon—yung ganyang klaseng situwasyon. Siyempre, meron.

“Kahit naman sa anong pamilya, may effect siyempre,” lahad niya.

Noong nagkakasama pa sina Mayor Herbert at Kris, naipakilala ba sa kanila ng kuya niya si Kris?

“Ah hindi,” saad niya.

HERBERT’S DECISION. Kahit iniiwasan na ni Harlene na magbigay pa ng komento, sinubukan pa rin ng PEP na itanong dito kung mas nagustuhan ba niya ang naging desisyon ni Herbert na itigil na ang panliligaw o pakikipagrelasyon kay Kris dahil na rin daw sa mga anak nito?

Ayon kay Harlene, “Kung sang-ayon ako? Basta ako, importante sa akin na masaya si Kuya... yung total joy and happiness.

“Hindi yung masayang bitin.”

Mas masaya ba si Mayor Herbert ngayon?

“Hindi ko alam, siya lang ang nakakaalam,” nakangiting pahayag ni Harlene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN