Nora Aunor’s exclusion from National Artist awardees draws criticism and protest against Malacañang

Concerned sectors from showbiz, arts and cultural circles, have expressed their disappointment and criticized the non-inclusion of Nora Aunor in this year’s batch of National Artist awardees. The NCCA stands firm on its resolve to question Malacañang on why it did not include Ms. Aunor in the list.


Ang direktor ni Nora Aunor sa Dementia na si Perci Intalan ang unang nag-kumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng tungkol sa hindi pagkakasali ng Superstar sa opisyal na listahan ng mga bagong National Artist na iprinoklama ng Malacañang noong Biyernes ng gabi, June 20.

"Naniniwala ako na pana-panahon lang ’yan. Darating din ang pagkakataon," bungad ni Direk Perci, former Entertainment and Creative Head ng TV5.

Malapit na kaibigan siya ni Ate Guy (Nora’s monicker); in fact, dating "Boss" ni Nora si Perci.

Pero likas ang pagiging Noranian o Nora Aunor-supporter ni Direk Perci, kaya kaisa siya sa mga gustong mag-protesta hinggil sa pagkaka-snub ni Ate Guy bilang isa sana sa mga bagong nai-proklamang National Artist.

"Huwag munang susuko!" marubdob na payo ni Perci.

"Hindi pa tapos ang laban! Basta, ipakita natin ang suporta [natin] kay Ate Guy at ipakita sa lahat kung gaano karami pa talaga ang Noranians!

"Kapit-bisig!" sambit pa ni Perci.

Ugnay dito, hiningan din ng PEP ng mensahe si Mario Hernando ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

Kabilang si Hernando sa dalawang deliberation, presided over by the joint Boards of the NCCA (National Commission for Culture and the Arts) and the CCP (Cultural Center of the Philippines) na pumili kay Nora C. Villamayor (Nora’s complete name), bilang National Artist nominee for Film and Broadcast Arts.

Nangyari ito noong September, 2013 at mula noon, naging palaisipan sa buong arts community at pangkalahatang publiko ang matagal na proklamasyon, o ang pagpirma ng Pangulong Noynoy Aquino sa mga kaukulang dokumento.

Sa naging kaganapan, tahasan ang pahayag ni Mario Hernando.

"... Nora Aunor [is most] deserving of the title than many National Artists. Maybe it’s not [yet] too late to correct the snub."

PERSONAL STATEMENTS. Wala pang pahayag na nagmula kay Nora Aunor, o sa kanyang tumatayong personal manager na si Boy Palma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boy was non-committal about PEP’s request for a statement.

Kasalukuyan namang nasa Bicol si Ricky Lee, writer-friend ni Nora, kaya nag-beg off muna siya na magbigay-pahayag sa PEP.

"Tatawagan kita pagdating ko," aniya sa writer na ito.

Pero ang isang maituturing na personal friend nina Nora at Boy Palma, si Ms. Glenda Kennedy, character actress, ay nagpadala ng text message sa PEP hinggil sa kanyang nararamdaman.

Ani Ms. Glenda: “Grabe, sobra din akong na-disappoint sa ginawa ni [Pangulong] PNoy! Nanikip ang dibdib ko sa galit!

"Saka ko na lang ikukumusta kay Boy si Guy kasi masyado pang masakit para sa ating lahat ang nangyari!"

NATIONAL ARTIST ISSUES. Sa social media, tulad ng Facebook at Twitter, ay mabilis na kumalat ang balita hinggil sa proklamasyon ng anim na bagong National Artists, na hindi kabilang si Nora Aunor.

Ang anim na bagong hirang sa parangal ay sina: Cirilo Bautista, para sa Literature; Francisco Coching (Visual Arts); Francisco Feliciano (Music), Alice Reyes (Dance); Jose Ma. Zaragoza (Architecture); at isa pang honoree, si Ramon Santos, para sa Music.

Ang huli (Santos) ay naisama, bagama’t nai-endorso siya ng joint boards ng NCCA at CCP bilang National Artist noong 2009, sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang NCCA, sa pamumuno ni Chairman Felipe de Leon Jr., at CCP, na nire-represent ni Chairperson Emily Abrera, ang pumipili ng mga alagad ng sining na kuwalipikado para sa pinakamataas na parangal.

Mahigpit ang prosesong sinusunod hinggil sa nominasyon, bago i-submit sa Office of the President sa Malacañang ang mga qualified names, na pag-aaralan at ie-evaluate din ng Honors Committee nito, bago pirmahan ng Pangulo ang dokumento para sa Proklamasyon.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pilian noong 2009 nang magdagdag at mag-proklama ang dating Pangulong Arroyo ng mga pangalang wala sa listahang ni-nominate ng NCCA at CCP Boards, kabilang sina Cecile Guidote-Alvarez para sa Theater; Carlo Caparas (Film and Visual Arts), Francisco Mañosa (Architecture) at Pitoy Moreno (Fashion Design).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, bukod kay Ramon Santos, nabalewala ang nominasyon nina Federico Aguilar Alcuaz (Visual Arts), Lazaro Francisco (Literature), at Manuel Conde (Film).

Naisampa ang kaso ng "pagkakaluklok" kina Alvarez, Caparas, Mañosa at Moreno sa Supreme Court, kasunod ng protesta ng mga kabilang sa artistic community, na pinangunahan ng National Artists Bien Lumbera, Virgilio Almario, atbp. Napawalang-bisa ang pagkakagawad ng parangal sa apat.

DISSENTERS. This time, with the non-inclusion of Nora C. Villamayor in the Film and Broadcast Arts, ang kanyang tsansa na maproklama at ma-confer bilang National Artist ay muling ipakikipaglaban, kundi maghihintay ng kaukulang panahon.

Ayon nga kay Don Zandro Rapadas, convenor ng Facebook page Nora Aunor for National Artist: The Real Journey Begins Here, sa interview sa kanya nina Julius Babao at Niña Corpuz ng dzMM, kahapon ng umaga, June 21: "Wala nang dahilan para hindi siya piliin kung ang pagbabasehan ay ang criteria ng pagpili ng National Artist."

Isa pang strong statement mula sa university professor at staunch supporter ni Ms. Aunor: "Hindi karapat-dapat na maggawad [ng parangal] ang walang pakialam at [walang] alam na Presidente, sa sining na kategorya ni Nora..."

Punto por punto ay sinagot ni Rapadas ang mga tanong nina Julius Babao at Niña Corpuz, kabilang ang nabalitang illegal drug case na kinasangkutan ni Aunor, sa US noong 2005.

Aniya, "That was a closed case... all documents pertaining to it had been stricken off the records, as though nothing happened. That was recognized by the courts in LA..."

Madalas ipinanggigiitan ang isyu, bilang naging sagabal, diumano, sa pagkaka-proklama ni Ate Guy. But people in the know were aware that it was indeed a closed case (since October 2007) following a rehabilitation program and community service Nora Aunor went through for 18 months.

Ito at ang iba pang "moral issues" ang idinadahilan sa nabinbing pagpirma ng Pangulo sa proklamasyon ni Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I thought we were choosing a National Artist, not a saint!" naibulalas noon ni Direktor Joey Reyes, na kabilang din sa nag-deliberate, bilang miyembro ng Council of Experts.

Sa kanyang Twitter post noong June 20, agad ding nagpahayag si Javier Reyes ng saloobin: "So completely disappointed by the news that got to me, that Nora Aunor has been dropped from the list of the Order of National Artists."

Isa pang agad nag-react, sa pamamagitan ng kanyang Facebook status, ay ang premyadong action star na si Robin Padilla.

Ani Robin: "Ang usapin sa pagkaka-isantabi ni Ginang Nora Aunor ay malinaw na pagyurak sa ipinagmamalaking kalayaan ng Gobyerno at sa kapangyarihan ng taongbayan.

"The majority of the Filipino people, educated or not, rich or poor, friend or foe, fan or critic, fervently believes in the distinction, quality, superiority, brilliance, greatness, merit, caliber and supremacy of Ms. Nora Aunor.

"Hindi makatuwiran na ipagkait ang kagustuhan ng taongbayan para kay Ginang Nora Aunor, dahil lamang sa kanyang maliit na pagkakamali noon. PAMBIHIRA e, sino ba ang MALINIS?..."

MORE PROTEST STATEMENTS. Naniniwala din ang editor-columnist na si Nestor U. Torre, ng Philippine Daily Inquirer, sa kanyang napalathalang kolum ngayong Linggo, June 22: "More protests are expected to ensue at this dramatic non-inclusion, since quite a number of film buffs feel that, controversial involvements notwithstanding, Nora is fully deserving of the top artistic honor."

Para naman sa kilalang critic-blogger na si Noel Vera, ang parangal bilang National Artist ay, "Irrelevant. Great artists have died without honor, again and again, some of them such failures as human beings you wouldn’t think to invite them into your home.

Dagdag pang pahayag ni Vera, "It’s silly to think that her [Nora’s] career depends on this puny little trophy, certificate, whatever. She’s long past proving her indispensable worth to Philippine cinema; she is, in effect, the face of Philippine cinema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang kritiko at book author, si Isagani Cruz, ang may ganitong pahayag:

"Natutuwa ako dahil ang aking matalik na kaibigan na si Cirilo Bautista ay nasa listahan, pero sobra ang aking dalamhati na inalis ang aking idolo.

"Noranian ako noon pa man at hanggang ngayon. Ang cover ng libro kong Movie Times ay litrato ni Nora (napalathala noong early ’80s; nasa larawan ng cover si Nora habang idinidirek ni Ishmael Bernal, sa klasikong Himala, a 1982 film penned by Ricky Lee), dahil sa aking palagay, siya talaga ang pinakamahusay na alagad ng sining sa larangan ng pagganap sa pelikula. Ay, buhay!"

OFFICIAL STATEMENT. Ang chairman ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Prof. Felipe de Leon Jr., ay hindi sang-ayon sa "political influences and elements" na humantong sa pagkaka-alis sa pangalan ni Nora C. Villamayor (Nora Aunor) sa listahan ng mga bagong National Artist.

Ang hindi pagkaka-proklama sa kanya ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay umani ng mga kritisismo, sa social media at sa komunidad ng mga taong ugnay sa sining at kultura.

Ugnay dito, magkakaroon ng media conference sa Lunes, June 23, sa NCCA Office, sa Intramuros, Manila, upang pag-usapan at talakayin ang issue.

Isang panukalang pag-aaralan ang ukol sa paghahain ng appeal sa Malacañang upang mai-reconsider ang proklamasyon ni Nora C. Villamayor, o Nora Aunor, bilang National Artist for Film and Broadcast Arts, "as affirmed by the nomination and selection process of the NCCA, together with the Cultural Center of the Philippines (CCP)."

Narito ang official statement mula sa NCCA:

"The NCCA is pleased at the Proclamation of five new National Artists of the Philippines.

"While we still need to determine the bases for Ms. Aunor’s exclusion, the commission is prepared to review the processes of proclamation and formulate policies to strengthen procedure and to ensure that the determination of who finally gets the title of National Artist is free from political influences and elements unrelated to artistic accomplishments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meanwhile, we congratulate the new National Artists."

Wala pang naitakdang petsa ang conferment rites ng mga bagong Pambansang Alagad ng Sining na kinabibilangan nina: Alice Reyes (Dance), Francisco Coching (Visual Arts, posthumous), Cirilo Bautista (Literature), Francisco Feliciano (Music), Ramon Santos (Music), at Jose Ma. Zaragoza (Architecture, Design, and Allied Arts; posthumous).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN