Jean Garcia denies "tampo issue" with GMA over non-renewal of daughter Jennica’s contract

Jean Garcia on her decision to allow daughter Jennica to go freelance after non-renewal of contract with GMA Network: “Ang sa akin kasi, actually, mas maganda kay Jennica ito. She’s 24, she’s very young, mas maganda na ma-experience niya ang iba pang trabaho na puwede niyang trabahuhin. Magaling siyang artista, kaya niya ang trabaho niya. So, I think, she’ll go places. Ang dami pang opportunity sa kanya at mas maganda ‘to na hindi siya t


“Nakita mo ’ko? Mahilig kasi kaming manood ng sine.”

Ito ang pahayag ng aktres na si Jean Garcia nang banggitin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakita namin siya minsan sa Trinoma Cinema kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend.

May balita ring magpapakasal na raw ang aktres, at sabi nga ng anak niyang si Jennica Garcia, mauuna raw siya rito kung magpapakasal man.

“Mauuna ako? Hindi naman. Siyempre, gusto ko, kung okey, pero hindi siya priority,” paglilinaw ni Jean.

Kahit dalawa na ang naging anak ni Jean sa magkaibang relasyon, hanggang ngayon ay hindi pa siya nagpapakasal.

Pangarap pa rin niyang makasal?

Sagot niya, “Siyempre, gusto mo na mabendisyunan ng Panginoon at ma-bless ng mga kaibigan, family, at ni Lord yung relationship niyo.

“Darating at darating.

“Kung hindi, okey lang din naman ako.

"Ang importante sa akin kasi, maayos kayo. Simple and happy life together.

“Okay siya sa mga bata, okay ang mga bata sa kanya. More on ganoon ako.

"Sila nila Jennica, okey sila, sobra silang magkasundo."

Businessman ang boyfriend ni Jean, pero hindi pa naman daw nila pinag-uusapan ang tungkol sa kasal.

Sabi pa niya, “Kung papunta do’n, at least, may pag-asa siguro.

"We’ll see... hoping."

Gaano siya kasaya sa boyfriend niya ngayon?

Nakangiting saad ni Jean, “I’m happy.

“I’m very happy, wala kaming iniisip. Walang pressure.

"Walang talks about work na dapat, may limitasyon na ganito, wala.

“At saka siya, trabaho mo ‘yan, and palagi siyang proud.”

Bata raw ng ilang taon sa kanya ang boyfriend at binata rin ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jean sa press conference ng indie film na Kamkam sa 17th floor ng GMA Network Center noong June 19.

WILL JENNICA BEAT HER TO THE ALTAR? Ano ang gagawin niya kung si Jennica ay biglang magdesisyon at magsabing magpapakasal na sa boyfriend nitong si Alwyn Uytingco?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jean, “She’s 24 already, ‘di ba? Siyempre, may pangarap din siyang magkaroon ng pamilya.

“Siyempre, gusto rin niya na maalagaan pa rin ang mga bata. Konti lang ang age gap nila, naiintindihan niya.

“At saka, siyempre, pangarap ko rin sa kanyang magkaroon ng family. Pero family na she will be very proud of, stable, family na buo.”

Paano kung mauna sa kanya si Jennica na magpakasal? Okey lang ba sa kanya o dapat siya talaga ang mauna?

“Hindi, okey lang, kasi, nasa right age na si Jen.

“Actually, ngayon, everything na ginagawa niya ngayon, siya na ang nagde-decide.

"Humihingi lang siya ng advice, pero hindi na ko nakikialam.

“Kasi, gusto ko rin na siya, matuto siyang mag-decide for herself. Pero kapag kailangan niya ang advice ko, magsasabi rin yun agad.”

JENNICA GOES FREELANCE. Sa ngayon, freelance na ang anak ni Jean na si Jennica.

Wala pabf pinipirmahang network contract si Jennica pagkatapos hindi i-renew ng GMA ang kontrata nito.

Ayon kay Jean, “Freelance siya ngayon at parang yun ang gusto niya.

"Parang nasabi niya sa akin na gusto niya ng chance to be able to work with other networks, ABS, Channel 5, sa Seven din.

“Kumbaga, mas meron siyang... bata pa, e. So, hayaan nating ma-experience niya kung saan siya mas magiging happy at hindi yung tali ka lang sa isang network.”

Kay Jean din namin nalaman na semi-regular na si Jennica sa gag show ng ABS-CBN na Banana Split.

Dagdag pa niya, “Hindi ko alam kung natuloy yung Maalaala Mo Kaya.

"Alam na rin naman ng Seven yun, parang may opportunity siya sa ibang network, ‘di ba?”

May lumabas naman na, bilang ina, siya raw ang nakaramdam ng tampo nang hindi i-renew ng Kapuso network si Jennica.

Itinanggi naman ni Jean ang balitang ito.

Paglilinaw niya dito, “Hindi naman. It’s not true.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang love ko ang GMA-7. Sobrang love ko rin ang ABS.

"Hindi naman ako namemersonal.

“Ang sa akin kasi, actually, mas maganda kay Jennica ito.

"She’s 24, she’s very young, mas maganda na ma-experience niya ang iba pang trabaho na puwede niyang trabahuhin.

“Kasi ako, hindi ako natatakot kay Jennica.

"Hindi naman sa pagyayabang, pero magaling ang anak ko.

“Alam ko na kaya niyang umarte. Magaling siyang artista, kaya niya ang trabaho niya.

“So, I think, she’ll go places. Ang dami pang opportunity sa kanya at mas maganda ‘to na hindi siya tali at open siya.

“Kung gusto niyang maging housewife na lang ako o mag-baking na lang ako or gusto niyang mag-aral ulit, go!

“Lahat ng experience, i-experience niya, kasi ito yung bata siya.

"Ito na ang chance niya kasi kapag natapos na ‘yan, wala na.

“At saka, hindi ako natatakot na hindi siya kukunin kasi magaling si Jennica.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN