Julie Anne Jose tired of answering questions about Elmo Magalona and Janine Gutierrez

Aminado si Julie Anne San Jose na napipikon na siya kapag tinatanong tungkol sa dati niyang ka-loveteam na si Elmo Magalona at kasintahan nitong si Janine Gutierrez. Sabi niya, “Kasi, kumbaga, paulit-ulit na rin po kasi, e. Saka, ‘di ba, kung ako man, like, soon, magkakaroon ako ng someone, hindi naman po nila puwedeng sabihin na, ‘Ay, Julie, makipag-break ka dito, ganyan-ganyan. Para ka lang dito or kay ganyan.’ Parang hindi naman po tama. We wou


Inamin ni Julie Anne San Jose na dumidistansya na siya sa dating ka-loveteam na si Elmo Magalona.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Julie Anne sa nakaraang concert niya sa Kuwait, sinabi nitong wala na silang communication ni Elmo at dumistansiya na siya rito.

May kinalaman daw ito sa bagong ka-loveteam at kasintahan ngayon ni Elmo na si Janine Gutierrez.

Paliwanag ng Kapuso singer-actress, “Kasi po, ayoko na pong, like, paulit-ulit na lang tinatanong yung tungkol sa kanilang dalawa, wala na po sa akin yun, e. Private life na po nila yun, e.

“Kumbaga, why ask someone na hindi ka naman involved doon sa life nila, ba’t ka nila tatanungin doon?

“Parang, anong kinalaman ko doon? Wala akong ma-say.

“Ako, gusto ko lang matahimik ako. Wala po talaga akong kinalaman.

“I mean, everyone deserves to be happy and to have their private life. Sana po ay respetuhan na lang din."

Dagdag niya, “Saka okey naman po kaming tatlo, e.

“Wala kaming ilangan or whatsoever or problema dahil, ako po, masaya po ako para sa kanila.

“Masaya ako para kay Janine, masaya ako para kay Elmo, kasi parang-nakikita ko naman na okey naman sila sa isa’t isa.

“So, wala po talagang problema sa akin.”



ENOUGH ALREADY. Napipikon na ba siya tuwing natatanong tungkol kina Elmo at Janine ?

Nakangiting sagot ni Julie Anne, “Honestly, opo.

“Kasi, kumbaga, paulit-ulit na rin po kasi, e.

“Saka, ‘di ba, kung ako man, like, soon, magkakaroon ako ng someone, hindi naman po nila puwedeng sabihin na, ‘Ay, Julie, makipag-break ka dito, ganyan-ganyan. Para ka lang dito or kay ganyan.’

“Parang hindi naman po tama.

“We wouldn’t want other people to get into our lives.

"Kasi, bilang mga celebrities kami, may mga sari-sariling buhay rin po kami.

“Saka, napapagod din. Alam mo yung feeling na ganun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, as an artist, I just want to vent out or speak out.”



NO ISSUE WITH JANINE. Isa rin sa hindi gusto ni Julie Ann ay ang pagniningas ng iba para lang pag-awayin sila sa social media ni Janine.

Giit niya, “Hindi naman po talaga kami magkaaway ni Janine. Okey kami ni Janine, as in.

“At wala akong balak agawin si Elmo sa kanya, at wala rin po akong balak na manira ng relasyon dahil hindi ko po personality yun.

“Basta, ang masasabi ko lang po, okey kami, kahit may mga tao na naninira or something like that o pinipilit kaming pag-awayin kahit hindi naman dapat.

“So, sana itigil na lang.

“Kasi it’s not healthy for us rin na magkakasira-sira kami dahil sa mga sinasabi ng ibang tao.

“Well, I don’t care rin naman po kung ano ang gustong sabihin ng ibng tao.

“Nagtatrabaho lang po ako at professional po ako.”



BASHERS. Noong umuusbong pa lang ang team-up nina Elmo at Janine, may isyung binabanatan daw sa social media ng fans ni Julie Anne si Janine.

Paliwanag ng singer-performer tungkol dito, “Lahat naman po kami may mga bashers talaga.

“And siyempre, hindi naman talaga lahat mapi-please yung mga tao kung ayaw nila.

“Wala naman po tayong control doon, e.

“Saka yung iba po kasi, hindi ko po kilala.

“Wala rin naman akong magagawa kung pagsabihan ko sila. Wala akong control, nasa tao yun.”

Ngunit tila nabaliktad na ngayon dahil si Julie Anne na ang ginugulo ng mga kung sinu-sino para depensahan ang loveteam nina Janine at Elmo.

“Meron pong nagsasabi sa akin na, ‘Huwag ka nang makigulo.’

“E, wala naman talaga akong… bakit naman ako manggugulo? Anong pakialam ko doon, ‘di ba?”

Paano niya hina-handle ang mga ganitong komento?

Sagot ni Julie Anne, “Wala, ini-ignore ko na lang. Bahala sila kung ano ang isipin nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya ako sa buhay ko being in the industry na mag-isa.”



COMEBACK PROJECT. Naging patok sa publiko ang tambalan nina Julie Anne at Elmo.

At dahil pareho silang nasa GMA, wala bang nilulutong project ang kanilang home network para sa balik-tambalan nila, lalo’t nagwakas na ang afternoon series ni Elmo with Janine, ang Villa Quintana?

Sagot ni Julie Anne, wala pang advice sa kanila ng GMA.

Kung bibigyan siya ng karapatang mamili, gugustuhin niya bang makipagtambal muli kay Elmo habang mainit pa ang team-up ng young actor kay Janine?

“Of course not, of course not!” mabilis niyang tugon.

“Pero I’m not closing my doors na balang-araw… kasi ang showbiz, umiikot din lang naman ‘yan, e. Kung sinu-sino ang magkakatrabaho, ganyan-ganyan.

“So, ako, I’m open to possibilities na magkatrabaho kami, but not this time.

“Kasi ang init ng Janine-Elmo.”

Baka mag-suffer siya at madurog ng bashers?

“Oo nga po, ayoko rin naman pong mangyari…

“Nananahimik ako dito, sana huwag na lang nila akong gambalain.”

Ayaw niyang masabihang “panggulo” sa team-up ng iba?

“Ay, oo naman po.

“Kasi po, I started as a solo artist, e.

“Na-develop lang yung career ko nung mag-click yung Julie-Elmo [team-up]. I am thankful to that dahil kinagat ng tao.

“Parang hanggang ngayon, actually, meron pa rin, nandiyan pa rin sila [fans].

“And I am thankful na parang nandun pa rin ang suporta nila kahit Julie-Elmo man ‘yan, Julie lang o Elmo lang ‘yan. Sumusuporta sila all the way.

“Parang it would be nice to give back to them. Saka thankful po ako na nandyan pa rin sila.”



MISSES ACTING. Sa kasalukuyan, ang promotion ng bago niyang album ang pinagkakaabalahan ni Julie Anne.

May tatlo rin siyang shows ngayon sa GMA—Sunday All Stars, Pepito Manaloto, at Marian.

Hindi naman daw naiinip si Julie Ann kahit wala siyang teleserye ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi niya itinatanggi na paminsan-minsan ay nami-miss niya ang pag-arte, lalo’t noong nakaraang taon pa ang huli niyang serye na Kahit Nasaan Ka Man.

“Nakaka-miss yung hindi ka kumakanta sa screen. Nakikita ka ng mga tao na aktres at nagpu-portray ng isang role.

“Siguro binibigyan ng chance ng GMA yung ibang artist na maipakita rin yung acting nila.

“Saka parang nag-e-evolve naman at lahat ay binibigyan ng chance.

“So, okey lang naman,” pagwawakas ni Julie Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN