Sid Lucero sees U.S. award for Wagas as eye-opener to networks: "We don’t have to spend so much on one show para lang mapasaya ang Pilipino."

Sid Lucero, who has earned a nomination for best actor in Asian TV Awards, is proud to be carrying on the Eigenmann clan’s acting cachet.


Sa ginanap na U.S. Film And Video Awards kamakailan, nanalo ng Gold Camera Award sa Social Issues category ang Wagas na napapanood sa GMA News TV.

Ang episode na "Walang Imposible: Mary Grace and Ron Sapinoso Love Story," na tinampukan nina Sid Lucero at Gwen Zamora, ang ipinadalang entry ng nasabing drama anthology.

Kuwento ito ng isang lalaking may cerebral palsy na nakatagpo ng babaeng tunay na magmamahal sa kanya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sid sa Sunday All Stars kahapon, June 23, kinuha namin ang reaksiyon niya sa pagwawagi ng kanilang tinampukang episode.

Pahayag ng Kapuso actor, “Kung nananalo man ang entries natin sa mga ganyan, hindi na siya nakakagulat.

“Because, ever since na nagkaroon ng independent films, yung quality ng mga lumalabas natin is, if not on a par, almost on a par, lalo na sa movies, with the rest of the world.

“And ilang beses na… it started with Angel Locsin.

“She was the first Filipina actress who was nominated for best actress in a TV show in the Emmy Awards.

“So, dun pa lang, naniniwala na ako na nakaka-penetrate ang television natin."

LOW BUDGET. Sa Asian TV Awards ay nakakuha rin ang Wagas ng nominasyon, at maging si Sid ay naging nominated din for Best Actor.

Kapag may mga ganitong recognition, nadadagdagan ba ang pressure dahil tumataas ang expectations sa kanya?

Tugon niya, “For me, no.

“Para sa akin, nadagdagan yung bilib ng mga networks sa puwede nilang gawin.

“Because, honestly, Wagas, maliit ang budget niya... sobra.

“But for someone… kung tama ang timpla ng director, ng mga tao, or kung sinuman, nakakagawa tayo ng gano’n, ’di ba?

“And, I think, it’s more of a wake-up call, not to me or not to us artists, e.

“Para sa akin, ang mas importante kasi is the fact na magising yung mga networks na, ’Hey, puwede nating gawin ‘to!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na we don’t have to spend so much on one show para lang mapasaya ang Pilipino because we can, like, balance it and cater to the world.

“Iyon ang para sa akin, at mas happy pa ako dun na meron tayong low-budget TV show that made it this well, ’di ba?

Ito rin daw ang sentimiyento ni Sid sa quality indie films na maliliit ang budget.

“But yung sad lang sa akin, pagdating sa indie films, bakit yung rest of the world, nakakagusto?

"Pero kapag tayong mga Pilipino, hindi natin nagugustuhan, which I understand.

"Kasi naman tayo, we want to watch things that make us feel better, ’di ba?”

Isang indie film din ang katatapos lang gawin ni Sid. Ito ay ang Mauban Resiko na idinirehe ni Lem Lorca.

TELESERYE. Kasama rin si Sid sa cast ng bagong primetime series ng GMA Network, ang My Destiny, kung saan balik-tambalan sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Paglalarawan niya sa kanyang role, “Medyo complicated yung role ko dito.

“My character here is a loving brother and a loving son.

“Nagkaroon lang ng tragedy that brings his family into some form of depression na hindi nila kaya.

“So, he had to leave. Kinailangan nilang pumunta ng States para doon maalagaan ng character ko yung mom niya.

“’Tapos makikilala niya yung character ni Carla dun. ’Tapos matapos silang magkakilala, they decided to come home.

“And then, lahat ng hidden at mga past ng lahat, mare-reveal pag-uwi.

"’Tapos dun na mangyayari lahat ng mga conflicts.”



THE EIGENMANNS. Galing sa angkan ng mga magagaling na artista si Sid.

Natutuwa raw siya na silang younger batch ay naipagpapatuloy ang tatak ng Eigenmann clan bilang mahuhusay na aktor.

Natatawang sabi ni Sid, “Yeah, nakakatuwa! Sana lang, huwag maudlot, ’di ba?

“I took a long break after ng Magkano Ba Ang Pag-ibig?” pagtukoy niya sa afternoon series na tinampukan nila nina Heart Evangelista at Dominic Roco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya dito sa My Destiny, nag-concentrate talaga ako.


"And nung pagsimula ko pa lang nung first taping day namin, naramdaman ko, nangangatog ang tuhod ko.

“Parang nag-back to zero ako kasi matagal na napahinga.

“’Tapos siyempre, excited. Ang dami mong gustong gawin.

“Ang dami kong interpretation habang binabasa ang script.

"Pagdating sa set, sobrang simple lang pala.

“Pinahihirapan ko lang pala ang sarili ko.”


ALESSANDRA DE ROSSI. Marami naman ang naiintriga sa sobrang closeness nila ni Alessandra de Rossi.

Kung wala lang anak at karelasyon ngayon si Sid, baka ma-link na nga silang tuluyan ng aktres.

Sabi ni Sid, “We’ve always been close!

“Wala namang intriga! We’re really good friends.

"Kung hindi ako, si Gabby [Eigenmann] ang kasama niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN