Alex Gonzaga finally shakes off PBB housemate state of mind

Alex Gonzaga needs some adjustment to get back to her normal life after her one-month stint in Bahay Ni Kuya.


Mahigit isang linggo pa lamang ang nakalilipas mula nang lumabas si Alex Gonzaga sa Pinoy Big Brother All In, kung saan mahigit isang buwan siyang naging celebrity house guest sa Bahay ni Kuya.

Kahapon, sa The Buzz 15, live na nag-guest si Alex at ang kapatid niyang si Toni Gonzaga ang nag-interview sa kanya.

Ang pakilala ni Toni sa kapatid, “I’m so proud to welcome my sister, Alex Gonzaga, in The Buzz.”

Kaya ganoon daw ang pakilala ni Toni sa kapatid dahil naging isyu ni Alex sa PBB na pakiramdam nito ay hindi proud ang ate niya sa kanya at hindi rin ito nag-a-"I love you" sa kanya.

“Thank you, never ko ‘yan narinig sa ate ko!” natawang sagot naman ni Alex.

Kaya sabi ni Toni, “Nakakaloka ka! Nanonood kami sa bahay, ’tapos sabi mo, hindi ako nag-a-I love you sa ‘yo?”

Sagot naman ni Alex, “Talaga, kailan ka nag-I love you? Huwag na tayo, kailan ka nag-I love you?”

Natatawang sagot ni Toni, “Sa mga text-text!

“E, kasi, hindi tayo ganun. Pero mahal kita.

"Kaya nga nagulat ako, iyak-iyak ka diyan.

“Naiyak din naman ako, touched ako dun.”

Tanong ni Alex sa kapatid: “So, ano ang sasabihin mo sa akin?"

Natatawang sagot pa rin ni Toni: “Love you!”

Bakit sabi ng mga housemates ay "good person" si Alex?

“Anong bakit ganun?” balik-tanong naman ni Alex sa ate niya.

Paliwanag ni Toni, “E, kasi kami sa bahay, hindi namin nakikita yung side mo na yun."

Sagot naman ni Alex, “E, kasi negative kayo. Palagi niyong tinitingnan ang negativity ng isang tao.

"Yun ang pagkukulang niyo, dapat pumasok kayo sa bahay ni Kuya!"



CHICHIRYA ISSUE. Ano ang totoong naramdaman ni Alex noong nagtampo sa kanya si Axel Torres, evicted housemate, dahil sa chichirya?

Sagot ng TV host-actress, “Yung totoo, OA. Yun talaga ang una kong ni-react, OA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos, sabi sa akin nila Jane [Oineza], kausapin mo na lang siya mga two to three days.

“Sabi ko, grabe naman, hindi maka-move on, so sobrang naano ako.

"Kasi wala talaga ang intensiyon ko na ano siya... kunan siya ng chichirya.

“Kasi kumain naman ako ng chichirya, shinare ko sa lahat.

"So, sabi ko, ’Bakit nagiging sobrang issue ang chichirya?’

“Sa mga nanonood, mamigay po tayo ng chichirya!” natawang sabi pa niya.

Patuloy ni Alex, “Mabuti na lang talaga noong nagpunta ako kay Kuya, medyo nahimasmasan ako.

“Dahil nandoon kami sa loob, yung chichirya na lang ang parang outlet namin.

"Doon namin na-express ang mga emotion namin.

“Na-realize ko na noong siya [Axel] ang may gusto, hindi niya nakuha.

"’Tapos, noong ako ang may gusto, naipilit ko.”



EX-HOUSEMATE. Bakit nasabi ni Alex na si Cess Visitacion ang hindi mapagkakatiwalaang housemate sa Bahay ni Kuya?

Pambubuko ni Alex kay Toni, “Dahil sinabi mo.

“O, ‘di ba, sinabi mo, pagkalabas na pagkalabas ko, ’Binackstab [backstabbed] ka ni Cess at ni Axel.

“Yun ang sinalubong mo sa akin.

"’Tapos, noong tinanong mo ako sa PBB, hindi mo na ako binigyan ng chance na sabihin na nilaglag kita.

"Kung ako nilaglag mo, ilalaglag din kita!

“Ikaw ang nagsabi nun, ’Catherine [Alex’s real name], binackstab ka ni Axel at ni Cess.”

Tanong ni Toni, "Feeling mo talaga, siya [Cess] ang hindi mapagkakatiwalaan?"

Sagot ni Alex, “Dahil nga sa ‘yo, sinabi mo.

“E, kasi nga sinabi mo, bakit hindi mo maamin?”

Bawi naman ni Alex sa ate niya, “E, kasi, nalaman ko sa mga taga-PBB, kapag daw nanghihingi ako ng donut, sasabihin mo raw, ’Bigyan niyo naman ng donut ang kapatid ko.’ Medyo naiyak ako.”

OVERACTING. Lahad naman ni Toni, simula nang lumabas si Alex sa PBB ay medyo OA at maarte raw ito.

Madalas, nakatutok lang daw ito sa 24/7 ng PBB. Madalas din daw itong may session sa doctor at "ginagamot ang utak" nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Alex, “Pyschologist kaya. Unang beses pa lang, bukas ang second time.”

Ano ang ginagawa sa session niya sa doctor?

“Kasi, napag-usapan namin ni Doc Randy [Dellosa] na bago ako pumasok, may isyu na pala ako, na-resolve na.

“So, ngayon, yung isyu na talaga.

"At saka, noong kinausap ako ni Doc Randy, kakalabas ko lang, hindi pa nagsi-sink in sa akin na nasa labas na ako."

Sabi pa niya kay Toni, “Ikaw na naman ang... pag-uwing-pag-uwi natin, binuksan mo yung TV, ’tapos sinabi mo, ’Catherine, o, dati nandiyan ka, ngayon nandito ka na sa amin.’

“So, parang na-realize ko, ’Ay, oo nga, ‘no, wala na ako. ’Tapos, ako pa ang pinag-uusapan ng mga housemates.

“So, once again, it’s you again.”

Pero noong pumasok siyang muli sa PBB house noong Sabado, June 21, doon daw na-realize ni Alex na may closure na at wala na talaga siya sa loob ng bahay.

“Ang unang sumalubong sa akin, si Cheridel [Alejandrino], hindi ko siya kilala.

"So, parang yung feeling ko na lang ay hindi na ito yung dati, kasi hindi ko na alam ang ginagawa nila.

“So, parang kailangan ko lang siguro ng ganoong moment.

"Para lang ma-realize ko talaga na hindi nila ako kasama, hindi na nila ako part.

“Kasi, yung one week na nasa labas ako, feeling ko, housemate pa rin ako.

"Yung mga kinakausap ko, mga housemates pa rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN