Derek Ramsay maintains he and Kris Aquino are "strictly friends;" says he’s not looking for a relationship in the showbiz world

Derek Ramsay mulls quitting showbiz after his contract with TV5 expires. He says, “It’s true. It’s a thought in my head, gusto kong magbigay ng mas maraming oras sa pamilya ko. ’Pag nag-sign uli kami sa TV5, sasabihin ko sa kanila. Kasi alam mo naman yung two years ko sa TV5, dire-diretso ako, walang pahinga, one show after the next. Siguro itatanong ko sa kanila kung puwede ba one show, ’tapos may kaunting break, ’tapos the next sho


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Derek Ramsay, ikinuwento nito ang panonood nila ng sine ni Kris Aquino, kasama ang mga anak ng TV host-actress na sina Joshua at Bimby.

Unang lumabas dito sa PEP ang balita tungkol sa panonood nila ng sine noong June 14.

Lahad ni Derek, “We watched The Fault In Our Stars.

"She asked me to go because she hasn’t watched the last 30 minutes.

"She asked me if I want to see it. E, gusto ko ring mapanood, at sakto na gusto niyang tapusin yung last 30 minutes.

"Sabi ko, sige, I will accompany her to watch the movie kasama si Bimby, si Joshua. So, nanood kami sa Greenbelt."

Pero itinanggi ni Derek na siya ang nagpadala ng mga lobo, prutas, at cookies na ipinost ni Kris sa Instagram account niya noong June 12.

“About the balloons, fruits, no, I won’t take credit for that.

"No, that wasn’t me, ’di ako," sabi ng Kapatid hunk.

Naospital kamakailan si Derek dahil sa pneumonia at dumalaw sa kanya si Kris.

Bukod dito ay dinalaw rin siya ng TV host-actress sa shooting niya ng Janitor, ang kauna-unahang indie film ng aktor.

Sabi ni Derek, “She’s so sweet.

"She made me dalaw, she brought food for everybody. Sobrang bait nga niya.

"When I’m also in the hospital, kahit sinabi ko na sa kanya na huwag na, she still insisted to come."

KRIS CONFIDES. Bukas si Kris sa pagsasabing ginagamot pa rin niya ang kanyang nasugatang puso dahil sa naudlot nilang relasyon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Tinanong ng PEP si Derek kung ano bang suporta ang ibinibigay niya sa kaibigan.

Sagot niya, “I’m always here to talk to her if she needs someone to talk to.

"If she needs advice, I’m always here for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s nice when we get whatever in our head to a friend, take a breath of fresh air.”

Dagdag niya, “Yes, she opens up.

"I don’t think everything, but it’s how she treats me like a good friend.

"She opens up about certain things about her personal life.

"Pero yung mga bagay na yun, siyempre ’di ko puwedeng pag-usapan.

"She entrusted that to me, sa amin-amin na lang yun.

“She opens up to me little stuff about her personal life.

"When she’s sad, when she’s not well, she gives me a call.”

STRICTLY FRIENDS. Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nais malamang kung puwedeng ma-develop at mauwi sa mas malalim na relasyon ang pagkakaibigan nina Derek at Kris.

Pero ayon sa aktor, magkaibigan lang talaga sila.

“No, everytime na ano, they think na baka ma-develop, no, wala.

"Sabi ko nga sa inyo, I’m not looking for a relationship that’s gonna be in the showbiz world.

“We’re strictly friends.

"I’m really happy that she’s in my life as a friend.

"That’s how far we can go."

OPINIONATED. Kung may isa mang consistent na pinupuna kay Kris, ito ay ang pagiging opinyonada at dominante raw nito.

Hindi ba nahihirapan si Derek na mag-adjust sa ugali na ito ni Kris?

Sabi niya, “Yeah, she’s very opinionated, that’s nice.

"When you are opinionated, at least, ’di ka plastic, ’di ba?

"She’s not afraid to express her opinion, to show who she really is.

"That’s why I think a lot of people like her, and a lot of people also have a problem with that.

"Not a lot of people are used to having the truth thrown right there at their face, you know?

"But that’s who she is and that’s why she’s a friend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BUSY. Iginiit ni Derek na hindi pa siya handang pumasok sa panibagong relasyon.

“Ngayon, wala muna. I don’t think ready ako for a relationship.

"Trabaho, family, health... heto, kalalabas ko lang sa hospital.

"So, dito na muna ako nagko-concentrate.”

Pahinga man sa paggawa ng teleserye sa TV5, abala ngayon si Derek sa pagbabalik muli ng reality show na Amazing Race Philippines kung saan siya ang host.

“Ayun, kababalik pa lang namin galing Cebu, nag-umpisa na kami ng audition sa Cebu.

"Next stop Davao on the 20th. Then, Pampanga sa 22. Then, sa 28, Eastwood.

"Ongoing na ang auditions. Hindi ko pa sure, pero baka sa October [ang airing]."



LEAVING SHOWBIZ. Aminado si Derek na nasa isip pa rin niya ang mag-quit sa showbiz at mas bigyan ng oras ang kanyang pamilya. Pero depende pa rin daw ito sa mapag-uusapan nila ng management ng TV5.

“Sabi nila, magre-renew ang contract.

"Pero we haven’t formally sat down to discuss anything about what I’m gonna do after my contract expires.

"Right now, tinatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin.

"Medyo matagal pa naman yun, I think April [2015] pa yata."

Dagdag niya, “It’s true. It’s a thought in my head, gusto kong magbigay ng mas maraming oras sa pamilya ko.

"’Pag nag-sign uli kami sa TV5, sasabihin ko sa kanila.

"Kasi alam mo naman yung two years ko sa TV5, dire-diretso ako, walang pahinga, one show after the next.

"Siguro itatanong ko sa kanila kung puwede ba one show, ’tapos may kaunting break, ’tapos the next show.

"Yun ang mga idi-discuss ko sa kanila.

“Yeah, I think so, I think that’s the plan. We’ll see what will happen.

"Wala namang offer ang ibang istasyon, wala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN