Bembol Roco in pain over silent treatment of sons Dominic and Felix: "Matagal ko nang gustung-gusto silang makapiling, makausap… magkaintindihan."

Inamin ni Bembol Roco na hindi siya binati ng mga anak niyang sina Dominic at Felix noong nakaraang Father’s Day. Pahayag niya, “Well, natural masakit, ‘di ba? Pero ganoon sila itong mga nakaraang mga taon na, e, ano’ng magagawa ko? Hindi naman puwedeng magmakaawa sa kanila.”


Sa unang pagkakataon ay nagpahayag ng kanyang damdamin ang mahusay na aktor na si Bembol Roco sa sigalot nila ng kanyang kambal na anak na sina Dominic at Felix Roco.

Matatandaang naging very vocal sina Dominic at Felix, sa ilang panayam, ng kanilang sama ng loob sa ama nila dahil sa pang-iiwan ng beteranong aktor sa kanilang ina dahil sa ibang babae.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bembol sa 37th Gawad Urian na ginanap noong nakaraang linggo sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Pahayag ng aktor tungkol sa damdamin ng dalawang anak niya sa kanyang lovelife, “Well, hindi ko alam kung masaya sila para sa akin.

“Hindi ko alam, e, kasi hindi nila ako kinakausap.

"So, hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman nila, kung ano ang iniisip nila, ‘di ba?

“I wish they would talk to me. Ayun ang gusto ko sanang mangyari.

"Magbukas-loob naman sila at ipaalam sa akin. Bakit naman hindi?"

GOING PUBLIC. Ano ang masasabi niya na very vocal ang kambal niya sa paglabas ng kanilang damdamin sa publiko laban sa kanya?

Saad ni Bembol, “E, ayun na nga, bakit hindi nila sabihin sa akin? Bakit hindi nila idirekta sa akin kung anuman?

“Kasi wala naman akong alam personally na kung ano ang dapat nilang ikagalit sa akin.

"E, kung ganoon ang pakiramdam nila at hindi nila sinasabi sa akin, paano mare-resolve yun?

“Paano maaayos yun kung hindi naman sila nagsasalita, nagsasabi?

“Nagkikita naman kami from time to time kapag special occasion, like birthday nila, ganyan.

"Last April, nung birthday nila [Dominic and Felix]... at very civil naman kami sa isa’t isa.

"Parang wala kaming problema, pero obviously meron, ‘di ba?

"E, sila... naghihintay lang naman ako."

FIRST MOVE. Bakit hindi siya ang makipag-usap sa mga anak niya para magkaayos na sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ng 60-year-old actor, “Hindi nga ako makatiyempo na makausap sila sa bagay na ‘yon.

“Ano ba’ng ikinasasama nila ng loob? Ano ba’ng problema?

"Bakit hindi natin pag-usapan para ma-address ko, ‘di ba?

"Kasi wala akong alam na kasalanan sa kanila, e. Wala naman akong alam na atraso sa kanila.

“Sinabi ko na ‘yan sa asawa ko na kung puwede kong makausap sila, e, in time raw. Hayaan daw sila.”

Hindi kaya dahil sa bago niyang karelasyon kaya may tampo ang mga anak niya sa kanya?

Sabi ni Bembol, “Hindi ko alam kung yun nga ang dahilan. Kung yun man ang dahilan, bakit?

"Ano’ng itinututol nila, ano’ng ikinagagalit nila, ano’ng problema doon?”

Hindi kaya nasaktan ang kambal dahil iniwan ni Bembol ang kanilang ina?

Giit ng award-winning actor, “Yun nga, kung ganoon man, e, di kausapin nila ako, ‘di ba?

"Ganoon kasimple lang naman para ko mapaliwanag nang maayos sa kanila ang katotohanan.

"E, hangga’t hindi nila sinasabi ang kanilang nararamdaman, hindi ko maaayos ang problema.”

Patuloy niya, “Ako, naghihintay lang ng panahon na sila ay magbukas-loob at kausapin ako nang masinsinan para maayos.

"Matagal ko nang gustung-gusto silang makapiling o makausap… magkaintindihan.

"E, kaya lang, hindi nila ako binibigyan ng pagkakataon.”

HURTING. May mensahe ba siya sa kanyang mga anak?

Pahayag ni Bembol, “Ang sa akin lang, magbukas-loob kayo. Magbukas-isip kayo.

"Kausapin ninyo ako nang diretso nang mapag-usapan at maliwanagan kayo sa kung anuman ang iniisip ninyo.

"Wala akong atraso sa inyo.”

May bumati ba sa kanya noong Father’s Day?

“Walang bumati sa akin,” malumanay na tugon niya.

“Well, natural, masakit, ‘di ba?

"Pero ganoon sila itong mga nakaraang mga taon na, e, ano’ng magagawa ko?

"Hindi naman puwedeng magmakaawa sa kanila.”

Pero umasa ba siyang may babati sa kanya noong Father’s Day?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natural, natural. Sino bang hindi?”

Naiyak siya?

“Hindi naman… hindi na,” tiim-bagang sabi ni Bembol.

“Dati dinadamdam ko ‘yan nang malalim, pero ngayon, dahil nga sa ganyan sila, kailangan kong mag-move on.”

Tumigas na ba ang puso niya para sa kanyang mga anak?

“Hindi, mahal ko silang lahat. Mahal ko silang lahat, sobra.

"Lima lang ang anak ko, bunso sina Felix at Dominic.

“Baka hindi nila alam ang sakit ng loob na ibinibigay nila sa akin sa kanilang katahimikan, sa kanilang hindi pagkakausap sa akin.

"Baka hindi nila naiintindihan kung ano ang sama ng loob ang ibinibigay nila sa akin."


Sa huling interbyu kay Dominic, sinabi niyang pinatawad na niya ang kanyang ama at oras na raw para mag-move on. Ano ang masasabi ni Bembol dito?

“E, sana nga kung ganoon. Ganoon pa man, e, bakit hindi nila ako kausapin?

“O, pinatawad ako, maraming salamat. Pero bakit ayaw nilang makipaglinawan sa akin?

"Bakit ayaw nila akong kausapin sa naramdaman nila, sa nararamdaman nila, or kung anuman, ‘di ba?

“Maaaring nagkulang ako, at kung nagkulang man ako, hihingi ako ng patawad.

"Walang problema sa akin yun, e.”

NO OTHER FAMILY. Wala raw ibang anak si Bembo maliban sa limang anak niya sa kanyang misis.

“Wala naman akong ibang pamilyaib, e. Ibig kong sabihin, wala naman akong anak sa labas.

"Wala naman akong ibang anak kundi sila lang.

“Hindi naman dahil ‘di na puwede, choice ko na rin.

"You know, wala na akong ambisyon magkaanak pa sa iba sa edad kong ‘to.

"Sixty-one na ako this year, sa November."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN