Renz Valerio wants mature roles to erase child-star image

Renz Valerio on competing against Michael Tanfelix and Julian Trono: "Puro laro lang yung pinag-uusapan namin, puro games. Ayos naman yung friendship naming tatlo. Talagang ’brothers from another mother’ ang tawag ko po sa kanila.”


Nagbibinata na si Renz Valerio ngayong fifteen years old na siya.

At katulad ng ibang dating child actor kapag dumating sa ganitong awkward age, na alanganing teen star, nahihirapan daw siyang makahanap ng tamang role sa pelikula at telebisyon.

Ang iba nga sa kanila ay nagla-lie low muna.

Pag-amin ni Renz, “To be honest, nahihirapan po, kasi siyempre, mas nakilala po ako ng masa na parang bata pa po ako.

"Parang, ‘Ay, iyon yung child actor dati!’

“Gusto ko pong makaalis sa image na yun, kaso pilit akong napupunta dun, e.

“’Tapos sa Mga Basang Sisiw, first binata role ko po, pero parang bata pa rin po ang hitsura ko.

"So, parang dun po ako kumakawala ngayon, medyo tina-try ko pong maging binata!" natawang sabi niya.

Paano niya ginagawan ng paraan na “maging binata” kahit na mukha siyang bata kaysa tunay niyang edad?

Tugon ni Renz, “Sa pananamit po, sa pananamit po talaga.

"And sa acting po, mas more mature roles na po yung tinatanggap namin.

"’Pag yung medyo bata yung nakikita ko sa script, pinapatanda ko ng konti.

“Pinapa-mature ko po talaga, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Renz sa presscon ng Overtime, ang GMA Films offering na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Lauren Young, noong Martes, June 17, sa Annabel’s restaurant.

Kuwento ni Renz sa mga magaganap sa Overtime, na ipapalabas sa mga sinehan sa July 2, “Naka-four shooting days po ako dito.

"Bale kapatid po ako dito ni Ate Lauren. Ako po dito si Bryan.

“Pa-teenager na po ako dito kaya medyo pinabata po hitsura ko, parang naka-school uniform, ganyan po.

“Bale ako po yung makikidnap ni Kuya Richard.”

NO RIVALRY. Kasama rin si Renz sa primetime series ng GMA na Niño ng GMA.

Nilinaw niya ang isyung may rivalry sila ng co-star niyang si Julian Trono dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila pinagkukumpitensiya kasi sila ni Julian dahil sila ang halos magka-batch

“Parang wala naman po!” natawang sabi ni Renz.

“Kasi pareho po kaming sumasayaw and parang, iyon nga po...

"Pero sa amin naman po, actually sa aming tatlo, wala po talaga [na rivalry].”

Tatlo sila nina Julian at Miguel Tanfelix na nasa Niño.

Sabi pa ni Renz, “Brothers ko po sila. Talagang brothers from another mother ang tawag ko po sa kanila.”

Na-launch na si Renz sa Mga Basang Sisiw pero marami sila, samantalang si Miguel ay solong bida sa Niño at title role pa.

Hindi ba siya nagtampo?

Sagot ng teen actor, “Hindi po, hindi. Kasi, ’di ba, sa Mga Basang Sisiw naman po, talagang nag-boom naman po siya.

“Ayun po, madami nga po kami dun.

"Pero now, it’s time for Miguel naman po, kasi matagal po siyang nawala, ’di ba?

“From Mulawin ’ata yung last niya, then eto na nga po.”

Lahat daw sila ay sinubok makamit ang title role sa Niño.


Pag-amin ni Renz, “Actually, nag-audition po kami lahat dun.

"And siguro po, mas nag-fit para kay Miguel talaga yung role."

Ano ang dating sa kanya ng mga rivalry sa showbiz? Kinakabahan ba siya kapag may ganitong sitwasyon sa pagitan ng mga artista, lalo na kung involved siya?

Sagot niya, “Siyempre, ako po, to be honest, kinakabahan po talaga kasi ’pag rivalry.

"E, ’pag nagkikita naman po kami sa set, parang puro laro lang yung pinag-uusapan namin, puro games, ganyan-ganyan.

“’Tapos pag nagkikita kami, ‘Uy, napag-uusapan na parang pinagkukumpara tayo!’

“Parang medyo awkward po kapag pinag-uusapan kaya nakaka… kumbaga, talagang nakakakaba din kasi baka masira yung friendship.

"E, ayos naman yung friendship naming tatlo, ganun."

NO GIRL ISSUES. Kahit daw sa girls ay hindi sila nagkakaroon ng problema, hindi sila nagkakaagawan ng crush o ng liligawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, hindi po, hindi po talaga!” bulalas ni Renz.

Wala pa raw siyang nililigawan.

Isa si Renz sa may pinaka-wholesome na image among the young male stars. Ni hindi raw siya naughty.

“Hindi po, nice po ako!” natawang sabi niya.

Hindi ba mahirap na i-maintain ang malinis na image at lifestyle?

Ang ibang teenagers na katulad niya ay may mga kalokohan nang nagagawa, lalo pa at nasa showbiz.

Sabi ni Renz, “Hindi po kasi talaga maiiwasan, ’di ba?

"’Tapos sa Twitter nga p, ang daming nagtu-tweet sa akin na parang, ‘O, may nararanasan ka na bang ganyan?’

“Parang…”

Ano ang “karanasan” na itinatanong sa kanya?

“Basta yun po, sa Twitter!” at natawa si Renz.

Hindi raw sinasagot ni Renz ang mga ganung tanong sa Twitter.

“Ignore, ignore lang po.

“Kasi, iyon po ang sabi ng [GMA] Artist Center, na ’pag may nakita kang ganun, ignore, ignore lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN