Vina Morales on Shaina Magdayao-Piolo Pascual romance: "I really don’t know kung may pupuntahan ba yun or they’re gonna get serious."

Vina Morales on withstanding the many heartaches and failed relationships: “Well, siguro I cry a lot kaya sinasabi ko na I’m weak, in a way, because I cried a lot. But, I guess, sa whole picture, you’ll get stronger if you let all your feelings out. If you cry about it. And stand up again. Oo nga, siguro sa iba hindi rin makakayanan yung pinagdaanan ko.”


Sa pagkakaalam ni Vina Morales ay wala pa ring bagong boyfriend ang nakababata niyang kapatid na si Shaina Magdayao.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vina sa kanyang concert sa Kuwait, napangiti ang actress-singer nang kumustahin namin ang estado ng lovelife ng kapatid.

Ang nali-link kay Shaina ngayon ay ang Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual.

Hindi pa ba nagkakatuluyan sina Shaina at Piolo?

Nakangiting sagot ni Vina, “Ako kasi, honestly, I like Piolo, kasi he’s a good friend.

“Pero yung situation nila, I really don’t know kung may pupuntahan ba yun or they’re gonna get serious.

“Basta ang alam ko lang, for now, they get along well.

“’Pag nagkikita naman sila, nagugulat naman ako, sweet sila.

“So, hindi ko pa matantiya if there’s really something there.”

Hindi ba nag-o-open up sa kanya si Shaina tungkol sa kanila ni Piolo?

Ayon kay Vina, “Masyadong tahimik yun, e.

“Pero alam ko, maraming tumatawag sa kanya. Maraming nag-a-ask out.

“But usually, when they go out, ayaw niya ng date, e. Gusto niya ng grupo, which is okay na rin.

“From her past experience, past relationship niya, ‘di ba? Ayaw muna niya sigurong mag-focus doon.”

Masasabi bang non-committal ang relasyon nina Shaina at Piolo?

Sagot ni Vina, “I think, yeah… I don’t know if that will grow into a serious relationship, I don’t know.”

Parang masyado nang matagal para hindi pa mapagdesisyunan nina Shaina Piolo kung magkakatuluyan sila o hindi?

“Ewan ko. Alam mo naman sa buhay, nangyayari ‘yan.

“It’s really up to them na. Siguro they cannot decide on what they want talaga.

“If they wanna be serious with their relationship… I don’t know.

“It’s better if they answer that. Kasi baka mamaya, iba ang masabi ko, kasi I’m not in the situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa nakikita ko naman, happy sila together—whether there’s really no commitment.”

COMPLETELY HEALED. Magaling na ba talaga ang puso ni Shaina sa breakup nito kay John Lloyd Cruz?

Pahayag ni Vina, “Oh, yeah. I think she got over it.

“She’s been over the past and kaya siguro… nakikita ko naman na matibay si Shaina, e.

“Masasabi ko nga, baka mas matibay pa yun sa akin, e, when it comes to…”

Yun nga lang, hindi puwedeng pantayan ni Shaina ang mga pinagdaanan ni Vina sa buhay dahil mas matitindi ang mga ito.

Pagsang-ayon ni Vina, “Well, siguro I cry a lot kaya sinasabi ko na I’m weak, in a way, because I cried a lot.

“But, I guess, sa whole picture, you’ll get stronger if you let all your feelings out. If you cry about it. And stand up again.

“Oo nga, siguro sa iba hindi rin makakayanan yung pinagdaanan ko.”

Nilinaw naman ni Vina na hindi siya kailan man nagalit kay John Lloyd nang magwakas ang relasyon nito sa kanyang kapatid.

“Actually, I was never mad at him.

“Kasi hindi naman ako… kung ano yung nangyayari sa buhay ng kapatid ko, wala ako doon, e.

“I’m just there to support my sister. If she’s not okay, I’ll be there for her.

“But kung sa kanila kasi, out na ako diyan.

“I was never really mad at JL.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN