Comedienne Cynthia Patag apologizes for calling Yolanda victims "squatters": "It was insensitive and I’m sorry.”

Former Palibhasa Lalake star Cynthia Patag issues apology on her Facebook account after her "squatters" remark towards Yolanda victims drew flak from Netizens.


Umani ng pambabatikos ang actress-singer na si Cynthia Patag matapos niyang tawaging “squatters” ang mga biktima ng bagyong Yolanda.

Kaugnay ito ng Facebook status ni Cynthia, kung saan inalmahan niya ang pagkukumpara ng ilang Netizens sa pagitan ng itinayong bunk houses sa Tacloban at detention cell ni Senator Bong Revilla sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Kamakailan kasi ay mabilis na kumalat sa Internet ang larawan ng tinaguriang “pork detention cell” na may laking “32 square meters” at Yolanda bunk houses na may laking “17.28” square meters bawat isa.

Ayon kay Cythia—na nakilala bilang miyembro ng dating ABS-CBN sitcom na Palibhasa Lalake—ang naturang reklamo ay walang basehan at posibleng paninira lamang laban sa administrasyon ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Matatandaang ilang beses nabatikos ang Pangulo hinggil sa pamumuno niya ng rescue and relief operations matapos manalasa ang bagyong Yolanda sa Kabisayaan noong November 2013.

Ngunit mas nakatawag-pansin ang tila pangmamaliit ni Cynthia sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Sabi ni Cynthia sa kanyang Facebook post: "Nagrereklamo ang mga Yolanda victims dahil mas maganda ang Camp Crame detention centers para kay Sen. Revilla and Sen. Estrada kesa sa bunk houses the DPWH [Department of Public Works and Highways] built for them for free?

"To begin with, they used to be squatters! Whose camp is stoking the flames of collective outrage versus the P-Noy administration here? Incredible.”

Marami sa followers ni Cynthia sa Facebook ang umalma dahil tinawag niyang “squatters” ang mga naturingang biktima ng bagyo.

Agad namang humingi ng paumanhin si Cynthia kaugnay ng kanyang “insensitive” Facebook post.

Ito ang pahayag niya hinggil sa isyu ngayong araw, June 24:

“I deleted two posts, the second was a repost, wherein I mentioned the Yolanda victims in Tacloban who were given bunk houses were dissatisfied with the accommodations. It was insensitive and I’m sorry.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN