Vina Morales learns from bad experiences of other stars: "If they’re in a bad situation, I don’t want that to happen to me."

Vina Morales on living a simple yet comfortable life: “Maski ganitong enough na money lang meron ako ngayon, it will be enough for me to live because of my lifestyle. Kung ang lifestyle ko mataas, hindi ako mabubuhay. I have a simple life kasi, e, simple lifestyle. Puwede nga akong bumalik sa probinsiya kung saan ako nanggaling, e.”


Naghihintay lang daw si Vina Morales sa bagong teleserye na ibibigay sa kanya ng Kapamilya network.

Base sa kanyang naririnig, isang soap ang tatampukan niya ngayong July.

Regular naman daw ang paglabas niya sa ASAP, na mapapanood tuwing Linggo ng tanghali.

Hindi pa naman makapag-umpisa ng bago niyang record album si Viba dahil nahihirapan daw siya sa konsepto na gusto niyang gawin para sa recording.

Paliwanag ni Vina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang hirap mag-conceptualize ng isang album.

“Hindi mo alam kung ano ang gusto ng mga tao ngayon. Suwerte-suwerte.

“You really have to plan.

“Kasi, the last time was all theme songs ng mga soap opera. That was two years ago, so ganun na katagal.

“Okay naman yun, it did well.

“Yun nga yung mga theme songs na pinag-compile-compile namin nung mga bago pa.

“Kaya lang, for now, ang hirap e. Usually, remake, e. Walang original song, e.

“Nakaka-miss din lang ang kumanta ng theme song.

“The last time was May Isang Pangarap, pero last year lang yun.

“Yung Maria Mercedes, hindi naman ako ang gumawa ng kanta.

“Kasama ako doon, pero hindi ako ang kumanta ng theme song.”



FINANCIALLY STABLE. Baka naman kasi iniisip ng iba na hindi na niya kailangang maging visible sa telebisyon nang regular dahil mayaman na siya?

Si Vina ang nagmamay-ari ng Ystilo Salon, katuwang ang kanyang mga kapatid at bayaw na si Fred Moreno, asawa ng kanyang Ate Sheila at anak ni German Moreno.

Reaksiyon niya, “Naku, hindi!

“Actually, thankful ako, kasi alam mo naman yung inumpisahan ko, even before That’s Entertainment, ilang years na rin yun.

“So, nagpapasalamat ako na I have work pa rin in this business.

“Pero siyempre, iniisip ko pa rin na hindi naman panghabambuhay ito.

“Nagku-concentrate rin ako in putting up other business, like yun ngang Ystilo Salon, twenty-five na ang branches niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung walo is sa amin talaga and the rest, franchise na. Pero kami pa rin ang nagha-handle nun.

“And we’re opening more franchise next year.

“So, medyo doon ako nagku-concentrate.”



SIMPLE LIFE. Totoo bang kahit hindi na magtrabaho si Vina ay mabubuhay siya nang marangya kumpara sa iba niyang mga kasabayan?

Saad ng Cebuana actress-singer, “Simple kasi ako, e, kaya talagang mabubuhay ako.

“Maski ganitong enough na money lang meron ako ngayon, it will be enough for me to live because of my lifestyle.

“Kung ang lifestyle ko mataas, hindi ako mabubuhay.

“I have a simple life kasi, e, simple lifestyle.

“Puwede nga akong bumalik sa probinsiya kung saan ako nanggaling, e.”

Bukod sa kanilang salon, mayroon ding apartment, condo units, real estate properties na naipundar si Vina.

Saad niya, “Natututo ako sa mga ibang artista before na ‘pag maganda yung takbo ng kanilang career, trabaho, hindi sila nakakapag-save and they don’t invest their money well.

“Masuwerte lang ako na nandiyan yung parents ko to guide me, may mga apartments, invest ako sa lupa, bahay.

“’Tapos within this year, and I’m praying na sana matuloy yung pagpapagawa ng bahay. Magpapagawa na ako ng sarili ko.

“Yung naunang ipinagawa ko, sa parents ko yun. Sila ang nandun.

“For now, meron namang condo, pero kung kaya namang magpatayo pa ng isa pang bahay, bakit ba hindi?

“Si Shaina [Magdayao, her younger sister], meron din siyang apartments.

“Yung sa akin, 12 doors. Parehas rin yung kay Shaina.

“Sa Ystilo, partner din siya, may share din siya doon.

“Well-guided kasi kami ng parents namin to invest and, ako, I’ll make sure that I learn from other people.

“Kasi kung mga experiences nila, if they’re in a bad situation, I don’t want that to happen to me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN