Piolo Pascual says Shaina Magdayao remains a special friend: "Siya lang naman yung huling nakasama ko na in an intimate way."

“She will always be a special friend. Siya lang naman yung huling nakasama ko na in an intimate way,” says Piolo Pascual describing his relationship with Shaina Madayao.


Aminado si Piolo Pascual na handa na sana siyang iwan noon ang kanyang showbiz career.

Pero nagbago raw ang isip niya nang maging blockbuster ang pelikula nila ni Toni Gonzaga, ang Starting Over Again, at pinapirma siya ng bagong kontrata ng ABS-CBN.

Pag-alala pa ni Piolo sa muntik na niyang gawing desisyon, “Ayaw ko naman sabihin na ang hirap mag-quit, ang kapal naman ng mukha ko.

“Pero, I mean, there’s a time for everything.

“I was thinking, within this year, when my contract has been expired.

“Kaya I was kinda emotional sa victory party ng Starting Over Again.”

Naniniwala ang 37-year-old actor na hindi pa panahon para iwan niya ang showbiz.

Aniya, “Just like what I said, maybe it’s God’s plan, it’s not time yet.

“I guess ABS-CBN was nice enough to give me another contract that’s why I am here.”

Dahil dito, lubos ang pasasalamat ni Piolo.

Dagdag pa niya, bukod sa pagiging hit ng Starting Over Again, nakatulong din ang suporta ng mga taong malapit sa kanya.

“I think more than that, it’s the support of my station, the people around me.

“To be given this show, the movie, it’s a blessing.

“It’s humbling and, at the same time, it’s a responsibility na mahirap talikuran.

“I’m grateful for it.”

Sa ngayon, magiging abala si Piolo sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Hawak Kamay.


Makakasama niya rito sina Iza Calzado at Nikki Gil. Kabilang din sa cast ang Kapamilya child stars na sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Andrea Brillantes, at Yesha Camille.

Sabi ni Piolo, “Dito muna sa Hawak Kamay. Mahirap pagsabayin ang pelikula at saka soap.

“At saka mahirap sundan yung Starting Over Again, baka ’di mag-start, mahirap na.

“I guess it’s okay naman to say na we want to choose para ’di kami ma-burnout,” sabi ni Piolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters si Piolo sa ginanap na charity event na inihanda ng staff ng Hawak Kamay sa Hospicio de San Jose kaninang tanghali, June 24.



ON SHAINA MAGDAYAO. Samantala, dahil madalas niyang makakasama ang mga bata sa kanyang bagong TV project, sinabi ni Piolo na wala siyang panahon ngayon para sa kanyang lovelife.

Dagdag pa rito ang pagiging abala niya sa kanyang 17-year-old na anak na si Iñigo, na kasalukuyang nasa Pilipinas.

Dahil dito, natanong ng press kung ano ang nangyari sa napabalitang pagkakamabutihan nila noon ni Shaina Magdayao.

Sabi ni Piolo, “Well, obviously, pareho kaming busy.

“What’s good with Shaina is we’re able to keep the friendship, and ‘yon naman ang importante.

“In the long run, we’re able to preserve the relationship we’ve started.”

Para kay Piolo, mas mainam muna ang ganitong klaseng relasyon.

Aniya, “Napakaliit lang naman ng mundo natin, ganun na lang muna.

“We don’t want to think everything all at the same time.

“Whatever’s on your plate, use it, and maximize it.

“If it comes, it comes when it comes.

“Siguro time management lang, balance lang, kasi mahirap na sabay-sabay lahat ng nangyayari.

“It’s hard, wala na akong time sa sarili.”

Sa kabila ng kanyang mga sinabi, tiniyak naman ni Piolo na malapit pa rin silang magkaibigan ni Shaina, na madalas pa rin daw niyang nakikita sa weekly show na ASAP.

“She will always be a special friend.

“Siya lang naman yung huling nakasama ko na in an intimate way,” pahayag ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN