Jopay Paguia explains absence of former talent manager Joy Cancio at her wedding

Jopay Paguia on being married to Joshua Zamora: “Iba talaga ang pakiramdam na magkasama kayo, ‘tapos asawa ka. Ang pagkakaiba, kasi ngayon, talagang puwede na kayong mag-kiss, ganoon. Legal na. Dati, hindi puwede, bawal.”


Nilinaw ng dating miyembro ng SexBomb Girls na si Jopay Paguia ang dahilan kung bakit hindi nakadalo sa kasal nila ni Joshua Zamora ang dati niyang manager na si Joy Cancio.

Kung anu-ano kasing espekulasyon ang naglabasan sa hindi pagsipot ni Joy sa kasal nina Jopay at Joshua noong June 6, 2014 sa Fernwood Gardens.

Read: Jopay Paguia and Joshua Zamora tie the knot in a simple, intimate wedding

Sabi ni Jopay, “Nagbakasyon talaga siya.

“Kailangan niyang magbakasyon dahil nga sobrang trabaho niya.

“‘Di ba, nagkasakit nga siya, naospital pa siya?

“So, mas inano ko rin na magpahinga na lang din muna siya.”

Saan nagpapahinga ngayon si Joy?

“Hindi ko sure kung Pampanga or nag-States siya. Hindi ko alam,” sagot ng dancer.

Isa ba sa mga ninang nila sa kasal si Joy?

“Hindi, e, ayaw niya. Gusto niya, ninang siya sa baby.

“Sabi ko kasi noon sa kanya, ‘Ate Joy, kapag ikinasal ako, ninang ka, ha?’

“Sabi niya. ‘Ayoko, sa baby ako.’

“Okey naman din yun.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jopay sa Zirkoh Comedy Bar, Tomas Morato, noong nakaraang linggo.



RUMORS. Napabalita noon na nahilig si Joy sa pagpunta sa casino na naging dahilan diumano ng pagkaubos ng kanyang mga ari-arian.

Ano ang reaksiyon dito ni Jopay?

“Wala na,” diin niya.

“Matagal na siyang hindi nagka-casino.

“Sobrang ang tagal na niyang hindi nagpupunta doon.”

Hindi rin ba totoong naospital si Joy dahil nagtangka itong mag-suicide?

“Hindi… walang ganoon. Nagkasakit lang talaga siya kasi sobrang dami ng trabaho niya.”



NEWLYWEDS. Kumusta na ang pagsasama nila ni Joshua pagkatapos ng kanilang kasal?

“Okey naman, masaya!” natawang sagot ni Jopay.

May pagkakaiba ba ngayong nagsasama na sila sa isang bahay ni Joshua?

“Ay, oo. Ganoon pala yun?

“Iba talaga ang pakiramdam na magkasama kayo, ‘tapos asawa ka.

“Ang pagkakaiba, kasi ngayon, talagang puwede na kayong mag-kiss, ganoon. Legal na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dati, hindi puwede, bawal.”

Ano ang una nilang ginawa pagkatapos ng kanilang kasal?

“Natulog…. pagod. Nag-ayos ng mga gamit, nag-ano ng mga supplier, nagbukas ng regalo,” sabi ni Jopay.

Ano ang pinakagusto niya sa mga regalong natanggap nila?

“Halos lahat gusto rin namin talaga, e.”

Saan sila nakatira ngayon?

“Sa Project 8, nagre-rent kami,” ngiti niya.

May plano ba silang bumili ng bahay?

“Wala namang plano, pero nag-iipon kasi kami, e.

“So, nag-iipon kami para sa baby.

“‘Tapos ano, soon, kung puwede, bahay.”



BABY TALK. Kailan nila balak magkaroon ng baby?

“After siguro mga one year or baka six months or eight months, ganoon.”

Bakit?

“Para ano lang, nakaplano lahat.

“Kasi hindi naman ‘yan basta-basta, ‘di ba? Bata ‘yang pinag-uusapan.

“Kawawa naman kapag walang nainom na gatas.”

Dagdag niya, “Saka gusto rin namin i-enjoy muna yung kaming dalawa.

“Alam mo naman na kakabalikan lang namin.

“Siyempre, nandodoon din yun. Pero gusto namin nakaplano.”

If ever, ano ang gusto nilang first baby—babae o lalaki?

“Girl, kasi may two boys na siya, e,” pagtukoy ni Jopay sa dalawang anak ni Joshua mula sa unang kasal nito.

Ilan ang plano nilang anak?

“Gusto namin dalawa.”



HONEYMOON. Saan sila magha-honeymoon?

“Honeymoon kapag may plano na kami na gagawa ng baby.”

Bakit, hindi pa ba?

“Hindi pa, wala pa.”

Nagko-control talaga sila?

“Oo,” sambit ni Jopay.

Saan nila gustong mag-honeymoon?

“Wala pa. Gusto sana namin yung cruise.

“E, mahal daw, huwag na lang!” tawa niya.

Wala bang nagregalo sa godparents nila ng cruise?

“Wala, e. Hindi, ano, may mga nagbigay ng mga [stay sa] hotel. Pero hindi namin ginagamit.

“E, matagal pa naman, mga one year pa naman ang expiration noon.”



NEW DISCOVERIES. Ano ang na-discover nila ni Joshua sa isa’t isa?

Sabi ni Jopay, “Siyempre, nung una, nagkakailangan pa.

“Pero unti-unti, parang magbarkada pa rin kasi ang ano namin…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi bago pa lang, e, mga two weeks pa lang kaming magkasama.”

Sanay na ba siya ngayong matulog nang may katabi? Naghihilik ba si Joshua?

“Hindi… walang hilik. Hindi rin siya malikot matulog.

“Katabi namin, aso. Kasi dati, aso lang din ang katabi ko, e.

“Ngayon, may kasama na kami ng aso ko, si Joshua.”

Paano naman ang set-up nila sa mga anak ni Joshua?

“Yung mga bata, sa Mandaluyong nakatira. Malapit din sa school nila.

“Kasama nila yung mommy…”

Bago ikasal ay nagkahiwalay muna sina Jopay at Joshua. Ilang taon sila nag-break bago ang wedding?

Saad ni Jopay, “Two years kaming hiwalay.

“Siyempre, ano, masaya ang pakiramdam.

“Kasi hindi rin namin ini-expect na magkakabalikan kami. God’s will talaga.”



THE BREAKUP. Nag-ugat ang breakup nila noong mag-guest sila sa programa ni Kris Aquino.

Umiyak si Jopay nang malamang wala palang plano si Joshua na ituloy sa seryosohang commitment ang kanilang relasyon.

“Inis na inis si Kris sa kanya [Joshua]!” masayang pag-alala ni Jopay.

“Hindi naman sa hindi sure. Ano lang, that time… kasi engaged na kami nung panahon na ‘yon, ‘tapos na-disengaged kami.

“Hindi pa siya ready doon sa wedding.

“Pero doon sa commitment na pang-long term engagement, doon siya naka-focus kasi.

“So, hindi lang kami nagkaintindihan.

“Nagkahiwalay kami nang hindi ko alam, na hindi niya na-explain sa akin ang reason kung bakit.

“Pero nung bumalik naman siya, na-explain naman niya.

“Kaya wala namang…. hindi naman ako galit talaga sa kanya.

“Masakit lang kasi, ‘di ba, seven years kami?

“Pero nung napaliwanag naman niya, at mas lumawak na ang pang-unawa ko, naintindihan ko naman siya.

“Meron nga kaming invitation [para kay Kris], kaya lang nahiya kami, kasi hindi namin alam kung saan namin ipapadala.”

Iimbitahan ninyo sana si Kris?

“Oo, meron kaming invitation for her, kaya lang hindi namin kung saan siya kokontakin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi namin alam schedule niya, e... stalker lang?” tawa niya.

Bakit hindi nila kinuhang ninang si Kris?

“Hindi, nakakahiya naman. Okey na yung nandoon sana siya sa wedding dahil isa siya na umano para sa amin.”

Titigil na ba siya sa pagsasayaw ngayong may asawa na siya?

Sagot ni Jopay, “Hindi naman ako titigil sa pagtatrabaho.

“Like, ngayon, solo naman na ako, wala na ako sa grupo [Sex Bomb], tuloy pa rin ang career.

“Oo naman, puwede pa akong sumayaw. Hindi pa naman ako buntis, e.

“Basta ano lang, like recently, nag-a-outside show pa rin ako.”

Sino na ang manager niya ngayon?

“Wala pa,” sagot ni Jopay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN