Vaness del Moral admits breakup with Biboy Ramirez

Bagamat isang taon nang hiwalay sina Vaness del Moral at Biboy Ramirez, ngayon lang inamin ng Kapuso actress ang tungkol dito. Paliwanag niya, “Hindi sa ayaw kong sabihin yung reason but, you know, ‘tulad nga ng sinabi ko kanina, it’s the respect that I have for him and he has for me kaya hindi ako nagsasalita, hindi rin siya nagsasalita.”


Isang taon na palang break sina Vaness del Moral at Biboy Ramirez ngunit hindi ito naibalita.

Paliwanag ni Vaness sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It’s the respect that we have for each other na ni isa sa amin walang nagsalita.”

June 2013 pa raw sila nag-break ni Biboy.

Ano ang dahilan?

Sagot ng Kapuso character actress, “Malaki ang respeto ko kay Biboy, ayokong may manggaling sa akin kung anuman yung dahilan.

“We’ll just keep it a secret para sa aming dalawa, kasi matagal yung pinagsamahan namin.”

Halos apat na taon tumagal ang kanilang relasyon ni Biboy.

Hindi raw third party ang dahilan ng hiwalayan nila.

“Definitely, walang third party.

“Hindi sa ayaw kong sabihin yung reason but, you know, ‘tulad nga ng sinabi ko kanina, it’s the respect that I have for him and he has for me kaya hindi ako nagsasalita, hindi rin siya nagsasalita.”

Sino ang nakipag-break?

Natawang sabi ni Vaness, “Hindi ko sasagutin ‘yan! Ayoko, ayoko pong sagutin ‘yan!”

Hindi ba mutual decision ang breakup nila?

“Hindi ako magko-confirm, hindi ako magre-react,” iwas niya.

May naunang nakipag-break?

“Oo, sige, ganun na lang,” pagsang-ayon na rin niya.

Pareho raw nilang iniyakan ni Biboy ang nangyari.

“I think both… I think both.”

Nakausap ng PEP.ph si Vaness kahapon, June 24, sa Max’s restaurant, Roces Avenue, Quezon City, para sa presscon ng new breed of female contravidas ng GMA Artist Center.

Kasama ni Vaness dito sina Chynna Ortaleza, Rich Asuncion, Thea Tolentino, LJ Reyes, Joanna Marie Tan, at Charee Pineda.



MOVING ON. Hindi na rin daw sila magkapitbahay ni Biboy.

“Lumipat na ako sa West Avenue.

“Actually, lumipat ako after that, lumipat ako sa San Mateo [Rizal] muna.

“Tumira ako sa relatives ko dun, sa cousins ko.

“And then, kumuha ako ng sarili kong apartment dito sa West Avenue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako lang, it’s just a room, studio type.”

Magkaibigan ba sila ni Biboy hanggang ngayon?

“I guess I can say that, yeah, we’re friends. But, you know, we don’t talk much.”

Huli raw nilang komunikasyon ay nang nagbatian sila, sa pamamagitan ng text messaging, noong New Year.

“Nag-Happy New Year lang ako sa kanya. Nag-Happy New Year lang siya sa akin.”

Naka-move na raw si Vaness.

“Yes, naka-move on na ako!” bulalas niya.

Mga eighty percent na raw siyang nakaka-move-on.

“May eighty percent na ako na okay na ako.”



SINGLE. Walang boyfriend si Vaness ngayon, at ni hindi raw siya nakikipag-date kahit kanino. Hindi raw siya talaga palalabas na tao.

“I just stay home. ‘Pag may trabaho ako, ‘tsaka ako lalabas. After nun, after work, uwi.”

May mga nanliligaw raw sa kanya ngayon, puro hindi taga-showbiz.

“Since I don’t go out nga, hindi ko sila masyadong ini-entertain.

“Kasi ayokong isipin ng mga tao or ng iba or nila na baka maging panakip-butas ko lang sila or something or whatever.”

Wala rin daw siyang nagugustuhan sa mga nanliligaw sa kanya ngayon. Ibig bang sabihin ay hindi totoong naka-move on na siya?

“No, kasi... well, four years naman kasi is no joke, so it will take time to heal nang totally, as in totally healed ka na.

“But, you know, step by step, you’ll get there.

“Little by little, hindi naman puwedeng nagmamadali ka, e,” paliwanag ni Vaness.

May chance ba ng reconciliation?

“I don’t know. Depende kung dumating yung time na mag-uusap kami at maging mutual yung pag-uusapan namin.

“I don’t know, let’s see!” sagot niya.

Sa isang taon daw na hiwalay sila ay nagkaroon naman raw ng effort na makipagbalikan. Pero kung sino ang gustong makipagbalikan ay ayaw sabihin ni Vaness.

“Hindi ganun ka-strong yung love nung isa para dun sa isa. Parang it’s gonna be unfair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko iko-confirm kung ako yun o kung siya yun.”

Mga seven months ago raw nangyari ang pag-e-effort ng isang party na makipagbalikan.

“Hindi na ngayon, hindi na ngayon.”

Hindi raw niya alam kung may girlfriend si Biboy ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN