Chynna Ortaleza does not regret ending 10-year relationship with ex-boyfriend Railey Valeroso

Chynna Ortaleza on marriage: "Kung parang dito sa Pilipinas, iniisip niyo na parang marriage is the answer… Sa akin naman, of course, marriage is a positive thing, but if it doesn’t happen, it’s not the end of your life as a woman. So, parang ako, I didn’t feel that I needed to get married."


Halos dalawang taon nang break si Chynna Ortaleza at ang dating longtime boyfriend niyang si Railey Valeroso.

Mayroon na bang bagong nagpapatibok sa puso ng aktres ngayon?

“Waley!” natawang sagot niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Dading sa GMA Network Center noong June 19.

“Pero inspired ako sa mga kaibigan ko, mga nakikilala ko.

"Sabi ko nga sa mama ko, ’Now I understand what you’re saying na parang, what are you doing to your life, you’re always so close. You don’t want to explore the world. You don’t want to meet other people.’

“I don’t know kung nararamdaman din yun ng ibang tao about me.

"Ako kasi, selective ako. Meron akong mga tao na kaibigan ko, open na open ako dun.

"May mga tao naman na kapag tiningnan lang kita, hindi na kita gusto, dead.

“Pero ngayon, mas open na compared before.

"Kasi dati talaga, hindi man lang kita bibigyan ng time of day. Ganoon ako kabatang mag-isip.

“Halimbawa, may nasabi ka sa aking mali, feeling ko, you rubbed me the wrong way, wala na.

"E, nasabi ko nga, pare-pareho lang naman tayo rito. Lahat may kuwento, masarap kausap.

"Kasi, lahat ‘yan, may maituturo sa ‘yo."

Kaya naman, mas na-realize ni Chynna na tama ang naging desisyon niyang umalis sa sitwasyon na yun.

"Hindi lang yung relationship kung hindi ako mismo.

"Yung taong yun, kailangan ko nang iwan.”

Naka-move on na siya talaga?

“Oo naman,” nakangiting sagot ng 31-year-old actress.

“Sabi ko nga, desisyon ‘yan palagi na dapat to move forward.

“Siyempre, may mga panahon dati, lalo na kapag nakapag-usap nga kayo, parang feeling mo, ’Tama ba ang desisyon na yun?’

“E, pinagdesisyunan mo na nga, ‘di ba?”

NO REGRET. Papuntang sampung taon na sana ang relasyon nila ni Railey noon. Hindi ba sila dumating sa puntong baka kasal ang puwedeng maging solusyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, no,” mabilis na sagot ni Chynna.

“Sorry, but I am the kind of woman who has an open mind.

"People might think she’s crazy, she’s a crazy girl that might think this way.

“But I was brought up ng parents ko na nag-iisip ng malaki.

"Kung parang dito sa Pilipinas, iniisip niyo na parang marriage is the answer…

"Sa akin naman, of course, marriage is a positive thing, but if it doesn’t happen, it’s not the end of your life as a woman.

"So, parang ako, I didn’t feel that I needed to get married."

Pero paglilinaw niya, “Of course, I believe in the concept of marriage.

"How can I not when I have parents who have had a beautiful marriage and they produced children like us? We have a good family.

“Para sa akin, when it comes, it comes. When it doesn’t, it doesn’t.

"It depends kung ano ang design ng buhay mo. You just go with the flow."

Ilang linggo mula ngayon ay ika-11 taong anibersaryo sana nina Chynna at Railey bilang magkasintahan.

Wala siyang “regret” na nararamdaman na nauwi sa wala ang matagal nilang relasyon?

Tugon ni Chynna, “Regret? Wala, e, ewan ko...

"Siguro mapi-feel niyo naman kung nire-regret ko. Makikita niyo naman sa aura ko, ‘di ba?

“Marami naman ang nagsasabi na, ’Chyns, parang masaya ka ngayon?’

"Hello, hindi ako tumatawa dati!"

May nakapansin namang tila may kulang o “incompleteness” sa aura niya.

Hindi naman niya ito itinanggi sa pagsasabing, “Siyempre naman, it’s a process, e.

“Pero, ‘eto nga, ang sagot diyan, wala sa tao.

"Kaya ang ginagawa ko ngayon is to really try to complete myself the best way possible without depending on anybody here on earth, because you’ll never find it on another person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can’t find it with him, I can’t find it with my parents, my friends.

"It’s really a personal thing that you have to process and it’s not gonna be easy because it’s unseen.

“It’s the thing that is unseen but you have to believe.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN