RJ Padilla on having many half-siblings: "Mahilig kasi si Erpats sa mga bata kaya siguro gawa lang siya nang gawa!”

RJ Padilla says he grew up in an environment surrounded by gays but make no mistake, "Pambabae lang po talaga ako. Bata pa lang ako, babae na po ang hilig ko. Ang mga beki ay hanggang friends lang.”


Pinagsisisihan ng Kapuso talent na si RJ Padilla na hindi siya nakatapos ng kanyang pag-aaral dahil hindi niya ito sineryoso.

Hanggang third year high school lang daw ang natapos niya, at ilang eskuwelahan daw ang nilipatan niya dahil sa hindi magandang record niya sa mga school na pinasukan niya.

Lahad ni RJ, “Hindi po ako seryoso sa pag-aaral noon.

"Mas gusto ko pong magbulakbol. Puro ako absent kaya ilang schools ang nalipatan ko.

“Yun ang time na nagrebelde ako. Ayaw kasi akong payagan ni Papa na mag-artista noon.

"E, bata pa lang ako, gusto ko na pong maging artista."

Si RJ ay anak ng aktor na si Rommel Padilla at half-brother ng young actor na si Daniel Padilla.

Patuloy niya, “Kasi nga po, si Erpat at sina Tito Binoe [Robin Padilla] at Tito Rustom [Padilla, a.k.a. BB Gandanghari], mga sikat sila noong bata ako.

"’Tapos minsan, isinasama nila ako sa mga pelikula nila.

“E, ayaw ng mga magulang ko. Gusto nilang magtapos muna ako ng pag-aaral bago ako mag-showbiz.

“Hindi po ako nakikinig sa kanila kaya doon nagsimula ang pagrerebelde ko.

"Hindi ako pumapasok sa school, lakwatsa ang inaatupag, hanggang sa bumagsak ang mga grades ko.

“Kaya ngayon, parang nagsisisi ako dahil sana kung naging matino ako, nakatapos ako ng pag-aaral.

“Kasi nga po, nababalitaan ko na yung mga kasabayan ko noong high school, naka-graduate na sila at maganda na ang mga trabaho nila.

“Siguro nga po kung naging seryoso lang ako at hindi ako naging luko-luko, nakatapos na rin ako ngayon.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RJ sa press launch ng afternoon soap na Dading, sa GMA Network Center, noong June 19.

JEALOUS. Kuwento pa ni RJ, parte rin ng kanyang pagrerebelde noon ang pagseselos niya kapag nababalitaan siyang may ibang anak sa ibang babae ang kanyang ama na si Rommel Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagkakaalam nga ni RJ ay walo silang magkakapatid lahat.

“Yung iba po kilala ko, yung iba hindi pa po.

“Kami nga po kami ang original na family, ’tapos biglang may malalaman kami na may anak siya sa babaeng ito. Mababalitaan ulit namin na may anak na naman.

“Dahil bata nga po ako, hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari iyon.

"Nagseselos ako dahil nawawalan na ng panahon si Erpats sa amin at nalalaman namin na nandoon siya sa ibang kapatid ko.

“Pero unti-unti, natatanggap ko na iyon, noong mag-mature na ako, naintindihan ko na si Papa.

“Mahilig kasi si Erpats sa mga bata kaya siguro gawa lang siya nang gawa!” sabay tawa ni RJ.

FAMOUS SIBLING. Ang half-brother niyang si Daniel Padilla—anak ni Rommel sa aktres na si Karla Estrada—ay nakilala raw ni RJ noong 2012 lamang.

Kuwento niya, “Noong una, pakiramdaman lang kami.

"Medyo awkward kasi first time naming magkakilala, kahit noon ko pa alam na kapatid ko siya.

“Hanggang sa malaman ko na pareho kami ng hilig, pareho kaming magsalita, pati na pumorma.

"Sabi ko, ‘Kapatid nga kita!’ Kaya naging close na kami since then.

“Ilang beses na nga siyang nag-imbita na pumunta kami sa bahay niya.

"Noong magpa-house blessing nga si Daniel, nagkataon na may taping ako.

“Sinabi ko naman sa kanya na kapag may time, bibisita ako kasama ang anak ko.

"Matagal na rin niyang hindi nakikita ang pamangkin niya."

ALL FOR DAUGHTER. Sa edad na 25 ay may isang anak na babae si RJ mula sa kanyang live-in partner.

Magaganda raw ang plano ni RJ para sa kanyang anak, kaya gusto niyang ayusin ang buhay niya para maipagmalaki siya ng kanyang anak balang-araw.

“Kaya nga po patuloy ang pagtrabaho natin dahil may binubuhay nga po tayong anak.

“Nagpapasalamat ako sa GMA-7 na hindi nila ako nakakalimutan na bigyan ng trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko pong mag-ipon para sa baby ko at nasa plano ko rin po ang makatapos ng pag-aaral.

“Yung makatapos po sana ako ng high school, yun ang gusto ko para naman hindi nakakahiya sa anak ko.

“Gusto kong maging magandang role model sa anak ko at uumpisahan ko sa pagtapos ng pag-aaral ko.

"May mga home-study program naman po, e.”

Kapag nagawa raw niya iyon at makaabot siya ng college, gusto ni RJ na kumuha ng kursong Mass Communication.

“Kung susuwertehin po tayo at tuluy-tuloy lang po ang blessings natin, gusto ko pong ituloy hanggang college.

“Mahilig po talaga ako sa pag-perform. Pagsasayaw po ang hilig ko.

"’Tapos nandito na rin lang ako sa showbiz, tama lang yung Mass Communication course.

“May nag-suggest po sa akin na subukan ko ang mga online colleges, siguro puwede na po sa akin iyon dahil nagtatrabaho tayo, e.

"Importante lang na requirement ay maka-graduate ako ng high school.

"Kahit yun man lang ay maipagmalaki ako ng anak ko,” ngiti pa niya.

DADING. Mabuti na lang at hindi nawawalan ng trabaho si RJ sa GMA kaya magagawa niya ang mag-ipon para sa kanyang anak.

Mainstay siya ng gag show na Bubble Gang; at nakasama siya sa mga teleseryeng Adarna, Carmela, With A Smile at Genesis.

Ngayon ay kasama siya sa afternoon teleserye na Dading, kunsaan gumaganap siyang lover ni Gabby Eigenmann.

May eksena ngang binugbog niya si Gabby dahil pinag-awayan nila ang tungkol sa pera.

Ikinakatakot ni RJ na baka maraming bading ang magalit sa kanya dahil sa eksenang iyon.

“Siyempre po, may makaka-relate na mga beki sa eksenang iyon.

“Hindi ko naman po sinasabing mga beki ay nabubugbog parati ng mga boyfriends nila. May mga ganyang mga kaso kasi.

“Handa naman akong mag-explain sa mga beki na hindi ako ganung klaseng tao.

“Ako naman po, e, sanay nang mapaligiran ng mga beki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong elementary at high school po ako, marami akong nakilalang mga beki, mga naging kaibigan, kaya hindi ako lumaking homophobic.

“’Tapos sa trabaho pa po natin, maraming mga beki, kaya malaking tulong yung na-expose po ako agad sa mga beki.”

Tiniyak naman ni RJ na wala pa siyang nakarelasyong bading.

“Wala pa po talaga.

"Takot yata silang ligawan ako kasi nga alam nilang pamangkin ako ni Robin Padilla kaya hindi na natutuloy ang balak nilang pagligaw sa akin.

“’Tsaka pambabae lang po talaga ako. Bata pa lang ako, babae na po ang hilig ko.

“Ang mga beki ay hanggang friends lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN