Iwa Moto "trying to fix" legal issue with GMA Network

Iwa Moto on relationship problems with Pampi Lacson: “Actually, normal lang naman sa relationships to have problems. Pero nasa pagdadala na lang ‘yan, e. Sa ngayon, masaya kami kung ano meron kami… Masaya kami, especially nakikita naming lumalaki nang maayos yung anak namin. ’Tapos nakikita namin na okey yung mga anak namin."


Dalawa lang ang ibinigay na rason ni Iwa Moto kung bakit kahit hindi pa bumabalik sa dati ang kanyang pangangatawan, sumali na agad siya sa Celebrity Dance Battle.

Ito ay ang magpapayat at mapanalunan ang one million cash prize.

Kabilang si Iwa sa grand finalists ng celebrity ballroom dance competition na ito ng TV5, hosted by Lucy Torres-Gomez at ng Semerad Twins na sina Anthony & David.

Katunggali niya sina Ciara Sotto, Priscilla Meirelles, Rafa Siguion-Reyna, at ang PBA cager na si Gary “El Granada” David.

Pumayat na ba siya sa ilang linggong pagbu-ballroom rehearsal niya?

Sagot niya, “Sabi nila. Dati kasi sinasabi nila, parang nandito pa raw sa tiyan ko yung anak ko.

“Pero ngayon, medyo lumabas-labas na raw ng konti.”

Natsa-challenge daw si Iwa kapag sinasabihan o pinupuna siyang mataba.

Saad niya, “Ako kasi yung taong the more na i-down ninyo ako, the more na hindi ako papatalo.

“’Tsaka para na rin naman sa ikakabuti ng katawan ko.”

Mahirap daw para kay Iwa ang magpapayat agad dahil sumailalim siya sa caesarean operation nang isilang niya ang anak nila ni Pampi Lacson na si Mimi.

Bawal daw siyang magbuhat ng mabibigat o magkaroon ng heavy physical activity.

Ang pagsali sa Celebrity Dance Battle ang nakita niyang mabisang paraan para siya pumayat at magkaroon ng motivation na ibalik sa dati ang kanyang katawan.

“Kasi ‘pag hindi ganito, tinatamad ako, at saka nai-enjoy ko masyado yung baby kaya hindi ako makaalis.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iwa sa presscon ng TV5 para sa finalists ng Celebrity Dance Battle kahapon, June 24, sa Tao Yuan Resto, Resorts World Manila.

SETTLING HER ISSUE WITH GMA. Pagkatapos ng appearance niya sa dance show ng TV5, balik na uli si Iwa pagiging ina ni Mimi at partner ni Pampi.

Ayaw raw muna niyang tumanggap ng regular show sa labas ng GMA Network, kahit tapos na ang kontrata niya rito, dahil sa kasong breach of contract na isinampa laban sa kanya ng istasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung sa GMA, tina-try ko pa rin namang ayusin, kasi ayoko talagang umabot sa malala nang ano…

“Ngayon, medyo parang pre-trial pa lang.

“Few months kasi bago matapos ang kontrata ko… mali ko rin naman na hindi ako nakapag-antay.

“Kaya lang kasi, parang gusto ko lang talaga ng may ginagawa.”

Matatandaang lumabas si Iwa sa dating show ni Willie Revillame sa TV5, kahit nakakontrata pa siya sa GMA, na siyang dahilan ng pagsasampa sa kanya ng demanda ng Kapuso network.

“At saka wala naman, e, basically lahat naman ng ginawa ko, hindi naman siya paid.

“I’m just doing it lang dahil I wanna do it,” diin ng StarStruck alumna.

Kailan niya inaasahang matapos ang kaso niya sa GMA?

Sagot ni Iwa, “Hindi ko alam, e.

“Pero I’m trying to fix it. I really, really want to fix it.

“I’m trying to find a way to talk to the bosses, e, to apologize personally.

“Malay mo naman, kapag nag-apologize ako, or malay mo if they see the effort, patawarin nila ako.”

Mahirap ba sa kanya ang muling tumuntong sa bakuran ng GMA?

Saad ni Iwa, “Last time naman, nakapunta naman ako doon.

“I went there to give invitation to Tatay Rommel [Gacho, director and GMA executive], yung binyag ng anak ko.

“Natatakot din ako… Gusto ko magpa-set ng meeting para hindi sila, ‘O, bakit ka nandito?’

“I’m willing to do what it takes para lang maayos yung gusot namin.

“Kahit anong gawin natin, GMA is my network.

“Wala naman ako talaga dito kung hindi dahil sa kanila.

“Kahit ituloy nila ang kaso, I just really would like to apologize.

“Alam ko naman kasi for a fact na it’s my fault.”

Kung sakali bang alukin siya ng kontrata ng TV5, pipirma siya?

Saad niya, “Sa ngayon kasi, gusto ko muna ayusin muna yung sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think I don’t have any right to have a contract with any network kasi may gulo pa sa akin, e.

“Parang nakakahiya na pati sila ma-hassle.”



JAPAN TRIP. Plano ni Iwa na bumalik sa Japan kasama ang kanyang magsi-siyam na buwang anak na si Mimi.

“Para sigurong mga one month ako doon to fix my daughter’s citizenship niya.

“Hopefully, this month [ako makaalis].

“Magpapalit ako ng citizenship, para automatic na yung baby ko, Japanese citizen agad.”

Ano ang sabi ni Pampi?

“Siyempre, support niya. Maganda naman kasi yung benefit ng pagiging Japanese citizen.

“At the same time, walang visa sa ibang bansa.

“Saka may mga benefit yung government sa mga Japanese kids.”



WEDDING. Pagdating naman sa planong kasal nila ni Pampi, wala pang nakikitang malinaw na posibilidad si Iwa rito.

Sabi niya, “Yung sa kanya, okey na. Yung sa akin, on the process pa.

“Ang haba pala talaga ng proseso. Ang hirap.

“Hopefully, it’s on it’s way.”

Kasal dati si Pampi sa aktres na si Jodi Sta. Maria, kung saan mayroon silang isang anak na lalaki—si Thirdy. Annulled na ang kanilang kasal.

Si Iwa naman ay ikinasal dati sa mixed martial arts fighter na si Mickey Ablan, na karelasyon ngayon ng aktres na si Janna Dominguez at mayroon na silang isang anak.

Hindi pa naaaprubahan ang petition for annulment nina Iwa at Mickey.

Wala raw alam si Iwa sa kung kailan lumabas ang approval ng annulment nina Pampi at Jodi dahil nakaraan na raw ito ng kanyang partner.

Hanggang kailan ba aasahang tatakbo ang annulment case nila ni Mickey?

Sabi ni Iwa, “Actually, kaya natagalan, kasi ngayon pa lang siya pina-process.

“Pero naghi-hearing na ako, nakakadalawa na ako.

“Sabi naman sa akin, soon, malapit na raw.”

Wala raw mediation na nagaganap sa pagitan nila ni Mickey. Ni hindi raw sila nag-uusap ng kanyang ex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang kausap ko lang actually yung lawyer ko at yung lawyer niya. Lawyer to lawyer.”

Ayon kay Iwa, siya ang nag-file ng annulment. Ang ibig sabihin, siya ang gumagastos para mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Saad niya, “Okey lang yun, basta pareho kaming maging malaya.

“Siyempre, pareho-pareho na kaming may sariling buhay, e.

“We deserve every bit of happiness we can have.

“Saka he has his own family and I have mine.

“Para sa akin, para lang matahimik na lahat and everyone could be happy, truly happy.”

Ayon kay Iwa, maayos naman ang usapan nina Pampi at Jodi pagdating sa kanilang anak na si Thirdy.

“Hati sila ng custody ng parents.

“Mabait naman kasi yung bata and he deserves every love that he can get.

“Nag-uusap naman sila, especially for the kid.”



PROBLEMS. May balitang lumabas na nagkakaroon daw ng problema sina Iwa at si Pampi. Naghiwalay na nga raw ang dalawa pero nagkabalikan din.

Paglilinaw ng dating Kapuso talent, “Actually, normal lang naman sa relationships to have problems.

“Pero nasa pagdadala na lang ‘yan, e.

“Sa ngayon, masaya kami kung ano meron kami…

“Masaya kami, especially nakikita naming lumalaki nang maayos yung anak namin.

“’Tapos nakikita namin na okey yung mga anak namin.

“Okey si Thirdy, okey si Mimi. So, okey na kami doon.”

Ibinalita namin kay Iwa ang mga komento ni Jodi tungkol sa kanyang anak. Nakyukyutan daw ang Kapamilya actress kay Mimi, at mahal na mahal daw ni Third ang kapatid niya.

Napangiti si Iwa sa narinig.

Sabi niya, “Ay, sobrang mahal ni Thirdy si Mimi!

“Talagang ’pag ano… talagang siya ang nag-aalaga.

“May time na kunwari, ‘Kuya, si-CR lang ako, ha?’

“’Okey.’ Tini-take care niya yung sister niya. Binubuhat niya.

“Lagi niyang binubuhat, lagi niyang pinapatawa.

“Iba yung bonding nilang magkapatid.

“Like, kunwari, one week siya nasa mom niya, one week siyang nasa amin, ’pag bumabalik si Thirdy sa amin, grabe, parang hindi siya nakakalimutan ng bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naaalala siya kapag nakikita siya. Niyayakap agad siya ni Mimi.”

Hindi pa ba nakikita ni Jodi ang anak ni Iwa?

“Nakita niya in person. Kasi, one time, sinundo niya si Thirdy. Nasa mall kami.

“Hiniram niya… parang time namin yun with Thirdy. Hiniram niya for that time. Parang magdi-date sila.

“Dala ko si Mimi. Kaming dalawa ni Pampi ang magkasama. Kami ni Pampi ang naghatid sa kanya.

“Sabi nga niya [Jodi], ang cute daw ng baby ko. In fairness, sinabi niya na cute daw si Mimi.

“Medyo hawig din kay Thirdy. Malakas kasi ang dugo nina Pampi din.”

Pinatotohanan din ni Iwa na talagang maayos na sa pagitan nila ni Jodi.

“Lahat naman ng tao, natututong magpatawad eventually. Lahat ng tao, natututong magpakumbaba.”

Masaya ang aura ni Iwa nong hapon na yun. Panay pa ang pagpapatawa niya. Ilang beses din niyang sinabi na masayang-masaya siya sa estado ng kanyang personal life.

Ibig bang sabihin nito ay nahanap na niya na ang tunay na kaligayahan sa isang lalaki?

Tugon niya, “I hope so.

“Kasi I really don’t like na magkaroon ng broken family yung anak ko.

“So, I hope Pampi is the one.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN