Former child actor Jaypee de Guzman makes a showbiz comeback: "It’s the right time to go back."

With his showbiz comeback, former child star Jaypee de Guzman is hoping that the viewers will give him the same support that they’ve given him in the ’80s.


Nagbabalik-showbiz ang dating child actor na si Jaypee de Guzman.

Magiging bahagi siya ng upcoming drama series ng GMA Network na My BFF.

Ang nasabing teleserye ay pagbibidahan nina Janno Gibbs, Manilyn Reynes, Jillian Ward, at Mona Louise Rey. Magsisimula na ito sa June 30, kapalit ng Koreanovelang My Love From The Star.

Nakilala si Jaypee noong early ‘80s hanggang mid-’90s at ginawaran ng acting awards dahil sa husay niya sa drama.

Sa murang edad ay nakatrabaho niya ang mga batikan at mahuhusay na artista kagaya nina Maricel Soriano, Nida Blanca, at Nestor de Villa sa Saan Darating ang Umaga (1983); at sina Nora Aunor, Phillip Salvador, Eddie Garcia, Pilar Pilapil, at Dina Bonnevie sa Tinik sa Dibdib (1985).

Nagkaroon din siya ng sarili niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Blu.

Taong 1996 nang magsimulang mabawasan ang pagiging visible ni Jaypee sa showbiz.

Pinagtuunan niya ng pansin ang kanyang pag-aaral at nakatapos ng kursong Communication Arts sa De La Salle University.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jaypee kaninang umaga, June 25, Miyerkules.

Kuwento niya, “Nawala ang That’s [Entertainment] 1996, in and out naman; few guestings here and there, but mostly behind-the-scenes work."

Ang That’s Entertainment ay ang sikat na youth-oriented show sa GMA Network na nagtagal ng 15 taon. Dito nagmula ang ilan sa pinakasikat na artista mula ‘80s hanggang ‘90s.

Nang matapos ni Jaypee ang kanyang pag-aaral ay nagtrabaho siya.

“I was directing for some music videos, I was doing post-production work, ’tapos I was editing for GMA QTV after some time.

“For a time, I was really busy sa QTV.

"’Tapos, after that, medyo nawala talaga, mga seven years siguro.”

RUMORS. Nang magtapos ang That’s Entertainment, tumamlay rin ang offers niya sa showbiz.

Lahad ni Jaypee, “Wala masyadong showbiz offers nun because that was straight out of That’s...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dami kasi masyadong teen stars noon and, I think, showbiz industry was really swimming in teen stars.

“I think the industry was going in a different direction at that time.

"And I was also going to a different direction.

"I wanted to direct, I wanted to do some things behind the scenes."

Nang mawala sa sirkulasyon si Jaypee, nagsulputan din ang iba’t ibang klaseng balita tungkol sa kanya.

Isa na rito ang pagkukuwestiyon sa kanyang kasarian at ang malala pa, nagpa-sex change daw siya.

Ayon kay Jaypee, nakarating sa kanya ang ganitong mga isyu.

“Yeah, they’ve been doing some interviews...

"I’ve had a few interviews, maybe a decade back, about rumors that I was already a woman.

“’Tapos siyempre, in-interview nila ako, parang the big question was, ’Totoo ba?’

"And I’m, like, ‘I’m here so, ibig sabihin, hindi totoo ‘yon.’

"Either that or I’m really crazy na nagpapalit ako, ’tapos bumalik, nagpapalit ako ulit, just to do this interview."

Nang usisain kung naapektuhan ba siya, nakangiti niyang sagot, “It was okay. I take it all in stride.”

Hindi ba siya nabahala?

“No,” tugon niya.

Pitong taon nang kasal si Jaypee sa dati ring teen star na si PY Nakar.

May tatlo silang anak na lalaki; ang panganay ay anim na taong gulang at dalawang taon naman ang kanyang bunso.

Sa kasalukuyan, si Jaypee ang tumatayong national coordinator ng Elim Communities youth ministry.

SHOWBIZ COMEBACK. Pagkatapos ng maraming taon, bakit nagdesisyon si Jaypee na bumalik sa showbiz?

Sagot niya, “Proper time, I guess it was the right time.

“Before, I had thoughts of going back, pero parang ’di nangyayari.

“Siguro ngayon, I think I can say I can fill a spot in the industry.

“I heard nga from someone there [GMA Network] that when we were doing workshops for the teleserye, they said, ‘You know, it’s good that you’re back, kasi a lot of the guys from your era are not active anymore.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And now, the industry, kailangan na ng young fathers, young mothers kaya lang wala na ang mga teen stars dati.

“Most of them daw nag-retire na, nag-abroad... and it’s true.

“I know a lot of my contemporaries sa That’s… na wala na dito, nag-abroad na or wala na dito.

"Some are in Denmark, some are in the States, may asawa na, nananahimik na ang buhay.

“So, nagkaroon na ng void, so I guess it’s the right time to go back.”

Nakapag-taping na raw siya para sa MY BFF.

Kumusta ang first taping day niya?

Saad ni Jaypee, “I guess, like anything, you need to get into the groove of things.

"So, I was telling my wife sa first taping day, parang siguro I was pretty hard on myself. Parang nabibitin pa ako dun sa [acting ko].

“And then, sabi ko nga sa last [take] ng taping day namin, okay na ako. I’m okay.

"Kailangan din ng momentum, warm-up."

Sinabi rin ni Jaypee na umaasa siyang magtutuluy-tuloy na ang kanyang pagbabalik-showbiz.

Aniya, nasa mga manonood kung tatanggapin pa siya.

“Syempre, ang pagbabalik ng isang artista, it’s not much the will of the artista, as it is the will of the people in this industry that he/she revolves in.

“So, if the industry accepts him or her, he/she will continue to flourish.

“I hope the industry that accepted me before will accept me again and support me and give me a chance to act.

"Because I do like to act and I do like to do more roles that I think can showcase my skills."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN