Dina Bonnevie bothered by persistent questions about ex-husband Vic Sotto: "Parang feeling ko, hanggang ngayon, suot ko pa yung korona ng Mrs. Sotto, e!"

Dina Bonnevie on the most important lesson she learned in love: "The most important lesson I’ve learned in love is to always listen to your heart, but you’ll also listen to your head. Kasi when your heart speaks, your mind listens, e."


Diretsang tinanong ni Boy Abunda si Dina Bonnevie, ang live guest nila ni Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight kagabi, Hunyo 24, kung naba-bother ba ang aktres na sa tuwing mai-interview siya ng press ay tungkol pa rin sa ex-husband niyang si Vic Sotto ang inuusisa sa kanya.

“Oo nga. Parang feeling ko, hanggang ngayon, suot ko pa yung korona ng Mrs. Sotto, e!” biro ni Dina.

“Pero nakapag-move on na ako.

“I get bothered, in a way, kasi para bang naka-move on na ako, pero hindi pa rin maka-move on yung mga tao.

“But, of course, I can’t remove the fact that I am the mother of his children.

“Pero ganun talaga, e.”

Dalawa ang naging bunga ng pagsasama nina Dina at Vic—sina Danic at Oyo Sotto.

Dumating ba siya sa point na parang ayaw na niyang magsalita dahil lagi siyang naku-quote sa kanyang mga sinasabi tungkol sa dating asawa?

Sagot ni Dina, “Ako, actually, more not for me, but for my spouse.

“Kasi, ‘di ba, may asawa ka na, e, bakit doon pa rin nang doon?

“Puwede bang mag-move on na tayo kasi Mrs. Savellano na ako, e.”

Ang mister ni Dina ay si Ilocos Sur Vice Governor Deogracis Victor “DV” Savellano.



WHAT HER HUSBAND SAY. Napag-usapan ba nila ito ng asawa niyang si Vice Governor DV?

Tugon ng aktres, “Actually, nung presscon [ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon], sabi ko nga, ‘Bakit ako na naman ang tatanungin niyo about Vic? Puwede bang… nag-move on na ako, Mrs. Savellano na ako, please.’

“Si DV naman kasi, he’s so matured, alam niya yung it comes with the territory.

“Yun ang tinatawag niyang occupational hazards, ‘di ba? You’re public property.”

Mas naiintindihan ba ng asawa niya ngayon ang kalakaran sa showbiz? Nasasanay na ba ito?

“Parang… yeah. Kasi dati, ‘di ba, parang of course, sa Ilocos, siya yung kilala ng mga tao, siya yung parating binabati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, dalawa na kami.

“Parang noong una, medyo nagugulat siya, but he’s gotten used to it.”



DINA’S RINGS. Sumunod na in-open ni Kris ang usapin tungkol sa kuwento ng pag-ibig nina Dina at DV, lalo na nang usisain nito ang tatlong singsing ni Dina—I love you ring, engagement ring, at wedding ring.

Paano ba nag-propose si DV?

Lahad ng aktres, “It’s so funny kung paano siya nag-propose. It was Valentine’s Day 2012.

‘“Tapos we came from Subic, last day ng P.S. I Love You [dati niyang teleserye sa TV5].

“’Tapos he followed, actually hinatid niya ako.

“Sabi ko, ‘Huwag ka nang pumunta kasi ang layo.’

“‘No, it’s okay. Anyway, I’ll be in a separate room.’

“So, separate room talaga siya. As in, doon siya mag-isa sa sarili niyang cottage.

“Doon naman kami ng grupo ko sa sarili naming cottage din.”

Nang biruin ni Kris na, “Wow, how wholesome!”

Sagot ni Dina, “Siyempre, bawal. Ayaw ng church. Siyempre, respetado, ’di ba?

“And then, on the way back, e, di I rode na with him. ‘Tapos nakasunod lang yung car ko.

“Sabi niya, ‘I’ll just pass by my house. I’m gonna get something.’

“Sabi ko, ‘What?’


“‘I’m gonna get a gift for your dad.’


“Sabi ko, ‘What?’

“‘Yung wine. I’ll give him the tapuy.’

“‘Okay.’ Tapuy is actually rice wine made in Ilocos.

“Yung bahay niya diyan sa may Scout Rallos, yung bahay ng mom niya, yung parang family home nila.

“And then, he came to the car, ‘tapos biglang sabi niya, ‘O...’

“Sabi ko, ‘What?’ So, gumanyan ako, akala ko tansan.

“So, ‘eto yung engagement ring. ‘Eto yung I love you ring. ‘Eto yung wedding ring.”

Ang engagement ring nila ay eternity ring.

Patuloy ni Dina, “’Tapos ang funny lang, nung ibinigay niya sa akin, sabi niya, ‘Wala lang. Tinatanong mo sa akin. Sabi mo sa akin, you don’t want to get hurt anymore, ayaw mo nang lokohin ka ng guy. So, kung tinatanong mo kung ano ang gagawin ko, iyan ang sagot ko, I’m going to love you forever until eternity.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, napatanga ako, sabi ko, ‘A, yun ba? Okay.’


“Kaso nga, nung tinanong niya, ‘Ano ang sagot mo?’

“Sabi ko, ‘May question ba?’

“And then, sabi niya, ‘Uulitin ko, ha. I am going to love you for eternity until forever. I want to marry you. Do you want to marry me?’

“’Tapos sabi ko, ‘Oh, my God, no, no!’


“’Tapos sabi niya, ‘What? The answer is no?’

“Sabi ko, ‘No, I mean, todo na ito!’” natatawang pagbabalik-tanaw ni Dina, na aniya ay answered prayer daw ang muli niyang pagpapakasal.



LESSON IN LOVE. Huling tanong ni Boy kay Dina: Most important lesson in love that you’ve learned?

“The most important lesson I’ve learned in love is to always listen to your heart, but you’ll also listen to your head.

“Kasi when your heart speaks, your mind listens, e.

“I don’t know if you can listen with your mind, have you done that?

“Your heart is telling you something, but your mind is telling you something too.

“Sometimes you tell yourself, go and let go.

“But sometimes it’s not always right to let go, lalo na kung mali.

“Parang the first question is… I like this my heart says so, but does my mind say go, ‘di ba?

“Kasi merong nai-in love sa maling tao o sa may asawa o may sabit, ’di ba?

“Parang if your heart says go, listen.

“When your heart and your mind together say go, that’s the time. Validated by the mind.

“Pero kung puro heart lang, ‘di puwede.

“Dapat isipin mo rin, ’Will this be good to everyone concerned?’


“Like, when I got married, ’Will it be good for the children? May masasaktan ba?’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN